“S’YANG TUNAY, labag ‘yon para sa angkan ng mga lobo pero mas pinili ni Amarok na itago ang tungkol sa bagay na ‘yon at personal na kinausap ang dating reyna ng mga bampira na si Selena.”
“Naglaban ba sila? Nagkaroon ba ng hidwaan?”
“Hindi, malayo sa iniisip mo. Sa tuwing natatapos ang Full Moon ay bumabalik sa normal ang kanilang mga sarili. Unang beses na makita ni Amarok si Selena ay nabighani siya sa kagandahan nito, malayong-malayo kapag nagiging agresibo. Ngunit, hindi inasahan ng mga tagapagpayo ng parehong angkan ay doon na pala magsisimula ang malalim na ugnayan ng parehong pinuno. Dahil sa malalim na ugnayan na ‘yon, sa tuwing sumasapit ang Full Moon, wala nang kalupaan ang nawawasak at wala nang lobong nabibiktima.”
“Hindi ko maintindihan, ano ang ginawa nila?” takang tanong ni Artemis.
Kapag nalaman niya ang sagot, maaaring makatulong ito sa kanya.
“Sa mga lobong inakit ni Selena, si Amarok ang pinakatangi sa kanya. Naging sekreto ang kanilang pagmamahalan sa loob ng ilang daan taon. Kapag nagkakaroon ng Full Moon, ang tanging ginawa nila at para manatili ang kaayusan ng gabing ‘yon…” direktang tiningnan ni Frankenstein si Artemis. “ay ang pakikipagtalik.”
Laglag pangang napaupo si Artemis malapit sa bintana. Hindi siya makapaniwala.
“P-pakikipagtalik?”
“Isa ‘yan sa mabisang paraan, nakakatulong ‘yan sa parehong immortal upang mapakalma ang sarili at maituon ang nararamdaman sa isang bagay. Pero may isang paraan pa naman para sa kaso mo, Artemis.”
“Sa kaso ko? Ano paraan’yon?”
“Hahayaan kitang inumin ang dugo ko. Nakakatulong para sa isang bampira ang pag-inom ng dugo ng tao upang mas madagdagan ang lakas nito. Lalo na sa’yo Artemis, bilang Lunar’s Vessel.”
Pagkatapos sabihin ni Frankenstein ang mga bagay na ‘yon ay naglakad siya palapit sa pinto.
“Sisimulan ko na ang pangangaso para sa dugong iinumin mo mamaya, subukan muna na’tin ’yon. Dumito kalang sa iyong silid hanggang sa takip-silim.”
Tumango ang dalaga bilang sagot at tuluyan na s’yang iniwan ni Frankenstein.
Naiwan sa loob ng silid si Artemis at ang pusang si Sky. Napaisip siya sa mga winika ng ginoo sa kanya.
“Ayon sa kanyang mga sinabi, mukhang ang tanging paraan para maibsan ang pagiging agresibo at pagwawala sa aking sarili ay ang pag-inom ng dugo ng tao o hindi kaya pakikipagtalik.”
Tumingin siya sa kawalan. Natigilan siya nang maalala ang mukha ni Frankenstein. Umiling-iling naman siya.
“Hindi mangyayari ‘yon.”
***
DUMATING na ang nakatakdang takip-silim. Kinandado ni Artemis ang lahat ng posibleng labasan ng kanyang silid.
Si Sky naman ay pinalabas niya ng kwarto kaya mag-isa nalang s’yang nakaupo sa bintana habang pinagmamasdan ang labas at pag labas ng buwan mula sa gabing karimlan.
Hinawakan ni Artemis ang magkabilang braso nang lumabas ang liwanag ng Full Moon direkta sa bintanang kinauupuan niya.
Nakita niya ang tuwa ng mga tao sa ganda ng liwanag ng buwan kung kaya’t magandang oras para makipagkwentuhan subalit siya'y nakakaramdam na ng kakaiba.
Nag-iinit ang kanyang katawan at humaba ang kanyang balahibo at ang kanyang magagandang kuko ay naging itim.
“A-Ahh!” napahawak siya sa kanyang ulo dahil sa sakit.
Siya’y nagtaka dahil hindi naman ito sumasakit sa tuwing nagbabago ang kanyang anyo kapag Full Moon.
Tumayo siya at nilapitan ang malaking salamin sa kanyang silid.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang repleksyon, ang dating kulay kayumanggi n’yang balahibo ay naging kulay puti at ang kanyang dugong-pulang mata ay naging kulay ginto.
Ang kanyang pagiging Lunar’s Vessel ay hindi lang mga mata ang binago, kundi pati rin ang anyo ng pagiging bampira’t lobo.
Nakaramdam din siya ng ilang pananakit ng katawan at wala sa sariling pinunit ang pag-itaas na damit kasabay ang pagsigaw ng malakas at pagwakasak ng mga kagamitan sa loob ng kanyang silid.
Winasak niya ang mesa at salamin, pinunit ang mga antigong pinta, sinira rin ang higaan at pwersang kinalmot ang pinto.
Tuluyang nawala sa sarili si Artemis at naging bampirang-lobo, hindi na makilala ang kanyang silid sa kanyang ginawa.
Ang sinag ng buwan na nakatuon sa bintana ay mas nadagdagan ang kanyang lakas sabay ang paglakas ng ungol nito.
Dumating si Frankenstein dala ang isang maliit ng boteng naglalaman ng dugo ng usa. Nakita niya si Sky na nakatayo lang sa pintuan ng silid ni Artemis tila binabantayan ang pagwawala ng dalaga.
“Kung ganoon, ito pala ang ibig n’yang sabihin.” Lumapit siya sa pinto at dinig niya mula sa labas ang malakas na sigaw ni Artemis. “Mas malala ‘to sa inasahan ko. Maghanda ka Sky.”
Binuksan niya ang pinto at agad s’yang tumilapon nang pwersang winasak ‘yon ng nagwawalang anyong bampirang-lobo na si Artemis.
Bago pa man tuluyang makalabas ng kwarto ang bampirang-lobong si Artemis ay agad s’yang tinulak ni Frankenstein pabalik sa loob.
Sa lakas ng pwersa ni Frankenstein na nakuha niya sa kanyang ekspirementong kapangyarihan ay tumilapon at tumama sa pader ang dalaga.
Agad ginamit ni Frankenstein ang seal at pinalibot sa buong silid mula sa pinto, bintana at iba pa na maaaring lusutan.
Pinagmasdan ng binata ang kasalukuyang hitsura ng silid ni Artemis, malayong-malayo sa hitsura kanina.
“May pinagmanahan ka talaga.” Nilabas ni Frankenstein ang kanyang kapangyarihan, kulay itim na nagtataglay ng mabigat na awra, pinalibutan nito ang kanyang kanang kamay. “Kailangan kitang pakalmahin, aking kamahalan.”
Nakikita parin ni Frankenstein ang magandang mukha ni Artemis kahit mahaba ang balahibo at pangil nito.
Hinampas ng malakas ni Artemis ang bintana sa pag-aakalang makalabas subalit tumilapon siya dahil sa kapangyarihan ng seal na nilagay ni Frankenstein.
Nang bumagsak sa sahig ang dalaga ay agad pumatong ang binata at pina-inom ang dugong dala niya.
Sandaling natigil ang bampirang-lobo na si Artemis at huminga ng malalim. Napatitig si Frankenstein sa kanyang mga mata.
“Kamahalan…” Hinaplos nito ang mukha ng dalaga.
Unti-unting bumalik sa dati ang kulay gintong mga mata ni Artemis, naging pulang-dugo ulit. Ang mahabang balahibo na nakabalot sa dalaga ay bumabalik din sa normal at naging makinis ulit.
Hingal na hingal ang dalaga dahil nanatili ang init ng kanyang katawan. Napagtanto ni Frankenstein na hubad ang pang-ibabaw ni Artemis.
Aalis sana siya sa pagkakapatong nang mabilis hablutin ng dalaga ang kanyang kamay at pumalit sa pagkakapatong.
“Artemis, wala kang pang-ibabaw na suot—" natigilan siya dahil sa pagnanasang tingin ng dalaga.
“Hindi sapat ang dugo ng hayop, kailangan kita, Frankenstein.” Artemis
— KnightAncient
BINABASA MO ANG
THE LUNAR'S VESSEL
VampireAyla Selene Di Artemis, kalahating bampira at kalahating lobo na tinataglay ang gintong mga mata. Sumanib sa kanya ang kapangyarihan ng buwan upang maging kinatawan nito. Gamit ang kapangyarihang ito, misyon n'yang balansehin ang kapayapaan ng tatlo...