CHAPTER 13

266 12 0
                                    

PAGSAPIT ng hapon ay nagpaalam si Boris na umalis upang makabalik sa kanilang lugar subalit pinigilan siya ni Artemis dahil malapit na ang takip-silim at baka makita pa siya ng taong mamamayan na nakatira sa islang ito.

“Sigurado po ba kayo, mahal na prinsesa?” Panigurado ni Boris.

“Oo naman, hindi ba, Ginoong Frankenstein?” tanong ng dalaga sabay ngiti sa Ginoo. “Nagbabadya na ang dilim sa paligid kaya mas mainam kung dumito muna siya at magpalipas.”

“Bakit nais mo s’yang dumito?”

“Kasi—” umiwas ng tingin ang dalaga sa seryosong mata ni Frankenstein. “Mayroong iilang bagay ang nasa aking isipan na nais kong itanong sa kanya.” Sagot niya.

Huminga ng malalim si Frankenstein dahil batid niya kung ano iyon.

“Ihatid ko muna siya sa magiging silid niya.” Wika nito at sinenyasan si Boris na sumunod. “Ikaw rin, Artemis.” Dagdag pa niya at naunang naglakad.

Habang naglalakad sila patungk sa ikatlong palapag ng mansyon ay tahimik lang nakasunod si Artemis sa likuran ni Frankenstein. Sa tuwing tiningnan niya ang ginoo pakiramdam niya may mali rito subalit hindi niya mabatid kung ano.

Napayuko na lamang siya dahil pakiramdam niya’y may nagawa s’yang kasalanan.

“Gaano kana katagal nakatira sa mansyong ito, mahal na prinsesa?”

Napukaw si Artemis sa tanong ng prinsipe. “Bago lang din ako rito, Boris.”

“Kung ganoon ay saang bayan ka nagmula? Sa bayan ng mga bampira? Hindi kasi kita nakita sa bayan na’min.”

“Hindi rin ako nagmula roon. Ang totoo, simula ‘nong ipinanganak ako, kinagisnan ko na ang kagubatan. Nakatira ako sa gitna ng kagubatan kung saan bihirang immortal lamang ang nakakaalam.”

“Bakit ganoon? Isa kang prinsesa na nakatakdang pamunuan ang lahi ng mga bampira— anak ka rin ng dating Lycaon. Sa madaling salita, nasa kamay mo ang kinabukasan at hinaharap ng parehong lahi. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ikaw ang pinili ng buwan upang maging kinatawan.”

Napaisip si Artemis sa winika ni Boris.

“Nasa kamay ko ang kinabukasan at hinaharap ng… parehong lahi?” tiningnan niya ang parehong kamay.

Naalala niya ang sinabi ng kanyang ina dati bago ito pinaslang...

Nais kong balansehin mo ang kapayaan sa mundo ng mortal at immortal gamit ang kapangyarihang ipinagkaloob ng iyong ama na si Amarok. Maging malakas at mabuting pinuno ka ng parehong lahi balang-araw.

“Pinapangako ko ina…” Bulong niya

***

NAMUO ang taka sa hitsura ni Artemis nang huminto si Frankenstein sa kanyang silid. Bakit dito sila dinala?

“Ginoong Frankenstein, anong ginagawa na’tin sa harapan ng silid ko?”

“Artemis, sa silid na’to magpapalipas ng gabi si Boris.” May bahid ng gulat ang gumuhit sa mukha ng dalaga.

“Ano? Sa silid ko? Paano ako— saan ako matutulog?”

“Sasabihin ko sa’yo mamaya.” Walang ekspresiyong sagot ng ginoo at binuksan ang pinto.

Pumasok silang tatlo sa loob ng silid at pinaliwanag ni Frankenstein kay Boris ang tungkol sa ibang bagay na meron sa silid na ‘yon.

Naintindihan ni Boris ang kanyang mga paalala. Si Artemis naman ay wala nang gagawin kaya napagpasyahan n’yang dumito muna sa silid para sa ilang kwentuhan.

“Mahal na prinsesa—” lalapitan sana ng ginoo si Artemis nang tawagin ito ni Frankenstein.

“Sumama ka sa’kin, Artemis. Ihahatid kita sa bago mong matutulugan.” Wika nito.

“Sandali lang— Ginoong Frankenstein!” tawag ni Boris.

Lumingon naman ang ginoo na may seryosong tingin.

“Maaari ko bang makausap ang mahal na prinsesa bago ang pagtulog?” tanong niya.

Nanatili parin'g seryoso ang tingin ng ginoo.

“Hindi.” Maikling sagot ni Frankenstein. “Takip-silim na. Mas mainam pang magpahinga kana d’yan, magsabi kalang kung nakakaramdam ka ng masama sa katawan baka dahil ‘yan sa lason na pinatama ko sa iyong katawan.”

Tumango nalang si Boris. “Naiintindihan ko, salamat sa pag-aalala. Salamat ulit sa pansamantalang tuluyan.”

“Maiwan kana na’min.” hinawakan ni Frankenstein ang kamay ni Artemis at naglakad sila palabas ng silid.

***

HAWAK at hila pa rin ni Frankenstein ang kamay ng dalaga. Walang ideya si Artemis kung saang silid siya ihahatid ni Frankenstein ngunit agad s’yang nagtaka dahil patungo sila sa kinaroroonan ng silid ng ginoo at tama nga ang hula niya.

“G-ginoong Frankenstein—” agad natikom si Artemis nang pumasok sila sa loob. “Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?”

Kinakabahan n’yang tanong subalit nakatingin parin ng seryoso ang ginoo sa kanya. “A-anong binabalak mo?”

“Wala akong binabalak na masama sa’yo... Nais ko lang sabihin na dito ka muli matutulog sa aking silid.” Namilog ang mga mata ng dalaga sa kanyang winika.

— KnightAncient

THE LUNAR'S VESSEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon