PARANG NABINGI si Frankenstein nang sambitin ng dalaga ang kanyang pangalan sa hindi pormal na paraan. Hindi siya makakilos dahil kontrolado ni Artemis ang kanyang katawan, napatingin siya sa pulang mga mata nito.
Katulad na katulad kay Selena, ang mapanuksong mga mata.
“Kung ganoon ay alam mo palang gamitin ang kapangyarihang ng iyong mga mata. Ngayon ay kontrolado mo ang aking katawan kaya hindi ako makakilos.” Wika ni Frankenstein.
Kahit anong pilit n’yang galaw ay hindi niya matapatan ang tinataglay na lakas ng mga mata ni Artemis.
“Parang hindi. Kusa n’yang nagagamit ang kapangyarihan ng kanyang mga mata ng hindi namamalayan.”
Napakalma niya nga ang pagiging agresibo ni Artemis subalit ang init sa katawan nito ay nanatili.
Dalawang paraan lang ang nasa kanyang isipan, ang painumin niya ng sariling dugo o ang pakikipagtalik.
“Artemis, gumising kana!” Pukaw niya sa dalaga pero nakapatong parin ‘to sa kanya.
Pinilit ni Frankenstein ang sarili manatiling nakatingin sa mga mata ng dalaga sa halip sa hubad nitong katawan na nasa kanyang mismong harapan.
Napalunok si Frankenstein nang marahan na inalis ni Artemis ang kanyang suot na salamin.
“K-Kamahalan—”
“Talagang nakaakit ang iyong mukha, Frankenstein. Tunay kang kaibig-ibig.”
Sinimulang haplusin ng dalaga ang kabuuan paakyat sa mukha ng binata.
“Sinabi mong nais mo’ko maging asawa, hindi ba?” nakaismid na tanong ni Artemis at inilapit niya ang kanyang mukha kay Frankenstein. “Hayaan mong maangkin ko ang iyong katawan.” Bulong niya.
Nakatitig lang si Frankenstein sa pulang mga mata niya at tumango. “Gawin mo ang iyong nais kamahalan.”
Bigla namang dumating ang pusang si Sky at kinagat ang isang binti ni Frankenstein.
“Aray!” Malakas n’yang sigaw sabay balik sa katinuan. “Pambihira ka, Sky! Si Artemis ang nais kong kumagat sa’kin at hindi ikaw!” sigaw niya dala ng inis.
Muli n’yang binalingan ng atensyon si Artemis at hinila palapit sa kanyang leeg.
“Malaya kang inumin ang aking dugo, kamahalan. Pakiusap gawin mo na.” wika niya habang nakayakap sa dalaga.
Nagtaka si Frankenstein nang hindi ‘yon ginawa ni Artemis at naramdaman niya na lang ang pagbagsak ng katawan nito.
Nawalan siya ng malay.
Tiningnan ni Frankenstein ang buwan sa labas na ngayo’y natatakpan ng makapal na ulap at pagbuhos ng malakas na ulan.
Nakahinga siya ng maluwag, dahil sa ulan at pag-ambon ng kalangitan ay hindi na muling lalabas ang Full Moon.
“Meow…” umupo si Sky sa sahig at pumikit.
“Tumigil ka, masakit parin ‘yong ginawa mong pagkagat sa’kin . Pambihira ka, baka nakalimutan mong pusa ka at hindi aso?” Saway niya sa pusa bago binalingan ng tingin ang dalaga.
Hinaplos ni Frankenstein ang mukha ng walang malay na si Artemis.
“Mabuti nalang at nahanap mo’ko bago sumapit ang Full Moon, kamahalan. Kung nagkataon, maraming buhay ang mawawala.”
Hinalikan niya ang noo ni Artemis.
“Malinis ang iyong puso kung kaya’t ayaw mong may madamay na inosenteng nilalang kaya pinili mong ikulong ang iyong sarili. Tunay nga’ng nagmana ka sa iyong mga magulang.”
Kinuha ni Frankenstein ang sirang kumot at binalot ‘yon sa dalaga.
“Sira ang matutulugan niya, sa silid ko muna siya matutulog.” Wika niya at binuhat si Artemis.
***
“NAISAHAN tayo ni Selena. Hindi tunay na hawak niya ang kapangyarihan ng buwan, sinamantala nita ang pagkawalang-alam na’tin na hindi kayang sakupin ng buwan ang katawan ng isang bampira.” Galit na wika ni Arcus sa kanyang mga alagad.
Isa na roon ang nilalang na may waning crescent sa noo na si Lazarus at ang puting-lobo na si Garda.
Si Arcus ay isang Elder at tagapagpayo, ang kasalukuyang Nux at ang pumaslang sa dating Lycaon na si Amarok na magpakahanggang ngayon ay hindi alam ng angkan ng mga lobo.
“Ayon sa napansin ko kay Selena bago siya nawalan ng hininga. Walang katotohanan na sinama ni Amarok ang kapangyarihan ng buwan sa kanyang kamatayan.” Napatingin ang Nux sa kanya.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” Arcus
“May anak si Selena at Amarok, nag-iisang anak na babae. Malakas ang kutob ko na ang babaeng ‘yon ang nagmana sa kapangyarihan ng buwan.”
Nagbulungan ang ibang immortal sa kanyang sinabi.
“Maaaring hindi kapani-paniwala na nagkaroon ng bunga ang bawal na pagmamahalan ng dating Nux at ng dating Lycaon. Subalit ‘yon ang katotohanan.” Wika pa nito.
Dumating naman ang isa sa mga alagad ni Lazarus na inutusang sundan ang bakas ni Artemis ‘nong tumatakas ito.
“May ulat ako para sa inyo mga panginoon.” Nakayukong wika ng bampira.
“Inulat ng aking kasamahan ang tungkol sa mahal na prinsesa, naapag-alaman nila na nasa pinakadulo ng isla ng Bermuda ito nagtatago.” Sabay napatingin si Arcus at Lazarus.
Alam ni Arcus ang tungkol sa lugar na ‘yon, dahil minsang nang sinabi ni Lazarus sa kanya.
Ang islang ‘yon ang dating lugar mga mangkukulam at kasalukuyang pinamamahayan ng mga mababangis na hayop. Napakadelikado at hindi basta-basta napapasukan ng mga immortal dahil sa nilalang na nanghihigop ng kaluluwa na tinatawag nilang Grim Reaper.
“Sabihin mo, buhay paba ang mahal na prinsesa?” tanong ni Arcus.
“Hindi po namin nabatid panginoon, wala rin silang nakitang bangkay na nagsasabing patay na ang mahal na prinsesa.” Sagot muli ng alagad.
“Kung ganoon, maaaring buhay pa siya.” Tumayo si Arcus para magbigay ng utos. “Lazarus, magpadala ka ng alagad para pasukin ang isla. Hanapin ang mahal na prinsesa, buhay man o patay!”
Yumuko si Lazarus sa kanya. “Masusunod panginoon.”
***
NAGISING si Artemis nang maramdaman niya ang mainit na hininga na tumatama sa kanyang noo.
Tiningnan niya kung ano ‘yon at nanlaki ang kanyang mga mata nang masyadong malapit ang mukha ni Frankenstein sa kanya.
Mahimbing itong natutulog habang nakayakap sa kanya.
Hindi niya mabatid pero biglang tumibok ng mabilis ang puso niya.
“Bakit siya nandito sa aking silid?” tanong niya sa isipan. Parang mabibingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya.
Maamo at nakakaakit na mukha, matangos na ilong, maputing balat, dilaw na buhok, at walang suot na salamin na mas nagpadagdag sa karisma nito.
Hindi parin siya makapaniwala na ang taong nakayakap sa kanya ay dating kaibigan ng kanyang mga magulang.
“Kamahalan, umagang-umaga baka matunaw ako.” Nakaismid na wika ni Frankenstein na ikinagulat niya.
— KnightAncient
BINABASA MO ANG
THE LUNAR'S VESSEL
VampireAyla Selene Di Artemis, kalahating bampira at kalahating lobo na tinataglay ang gintong mga mata. Sumanib sa kanya ang kapangyarihan ng buwan upang maging kinatawan nito. Gamit ang kapangyarihang ito, misyon n'yang balansehin ang kapayapaan ng tatlo...