***MATTHEW
Napansin kong nagbabadya ng umalis ng silid si Karen katulad ng ginawa ni Angel so I have to do something para hindi 'yon tumuloy.
"Narinig mo 'yon? Nakipag-break bigla si Angel ng hindi man lang inaalam ang explanation ni Ariz." Wika ko at saka hinarangan ko ang daan n'ya. "I heard na-late ka daw kahapon. Sorry din para doon." Wika kong muli at sadyang hinaharangan ang daan n'ya. kapag pupunta s'ya sa kanan, kakanan din ako ganun din sa kaliwa, kakaliwa din ako.
"Kapag hindi ka tumabi tatadyakan kita sa mukha!" banta n'ya sa'kin. Napangiti ako dahil huminto s'ya. So ibig sabihin makakapag-usap pa kami.
"Oooppss! Wag naman. Gusto mo bang makita nila ang drop, gorgeous, handsome face ko na magkakapasa? Marami ang iiyak kapag ginawa mo 'yon." I said while smiling at her and I saw her annoyed face.
Mukhang hindi effective 'yong ginawa ko. Masyado ba akong naging mahangin or what? Pero totoo naman talaga eh. Gwapo talaga ako at maraming nagkakandarapa sa'kin.
"Sorry na. I was just kidding nong dinikit ko sa likod mo 'yon. I thought you'd like that just like any other girls." I continued.
"Just like any other girls? Ganun ba? FYI Mr. Bautista kung iniisip mong cheap ako then nagkakamali ka! Kung wala kang magawa nong mga time na 'yon then you should have told me para binigyan kita ng pera at bumili ka ng ibang pagtitripan." Pagtataray n'ya sa'kin.
Mukhang mali na naman talaga 'yong hirit ko. I mean—nah! That's not what I mean.
"That's not what I meant. I'm here to say sorry again. Kung ayaw mong tanggapin 'yong sorry ko then I'll tell you the real reason why I did that." Naglakas loob na talaga ako.
Kung hindi n'ya tatanggapin baka kapag sinabi ko ang dahilan magkaroon ng chance na tanggapin n'ya ang sorry ko. Napansin kong tila ba nagkaroon ng curiousity sa mata n'ya. Looks like I got her there. Tinitigan n'ya akong mabuti like I was gonna explode or something. I mean, nakakatunaw pala ang titig nito ng malapitan.
"Real Reason?" she asked, I nodded. "Then tell me." Panghahamon n'ya sa'kin.
Napalunok ako ng laway. Kinabahan ako bigla. Teka. May time out ba dito? May rewind? Pwede bang ibalik na lang. mukhang hindi ko pa kayang sabihin 'yong talagang dahilan ei. Then I saw her straightly staring at me. I've got no choice. I've to tell her kung hindi baka hindi na ako magkaroon ng chance.
Huminga muna ako ng malalim then I seriously look at her. Yes! Serious talaga. Don't worry gwapo pa rin naman ako kahit seryoso na. Mukhang nailang s'ya sa ginawa kong pagtitig at tumingin s'ya sa ibang bahagi ng room. But I remained my eyes on her.
"You've got my attention. Halos lahat ng girls dito sa HRU head over heels sa'kin tapos ikaw nilalagpas-lagpasan mo lang ako. As if you're not seeing my so handsome face. I tried to catch your attention by dating and kissing other girls when you're around pero wala pa ring epek sa'yo so I tried to do that stupid thing at bingo. Napansin mo nga ako kahit negative way nga lang at least you've noticed me." I confessed.
Matagal ko na ring inililihim 'yon at salamat dahil finally nasabi kona rin. I saw her. She was caught off guard. Then her reaction changes, 'yong para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Unbelievable!" sa halip ay bulalas n'ya. "So palagay mo maniniwala ako sa mga kwento mo? Come on! Hindi naman ako bopols no! So just shut up and get out of my way." Nagtataray na naman s'ya. "Kwento mo sa pagong." Hirit pa n'ya.
Teka! Does her reaction means I just got rejected? Oh come on! It hurts.
"Hindi 'yon basta kwento lang. Interesado ako sa'yo. I like you. So just please do forgive me. Please." I pleaded her again. As in seryoso talaga. I wanted her to forgive me.
"Are you that desperate na mapatawad kaya ka nag-iimbento ng kwento? Well then tatanggapin ko ang sorry mong 'yan pero ipangako mong hindi mo na ako guguluhin pa kahit kelan." Aniya.
"I'm not—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko because she interrupted me.
"Sabihin mo na lang na hindi mo na ako guguluhin kahit kelan para matapos na 'to at para matanggap ko na ang sorry mo."
Mukhang aayaw n'ya na talaga akong makausap.
"Okay. Hindi na ako manggugulo." Paunang sambit ko. "Lilinisin ko ang pangalan mo sa campus para hindi ka na guluhin ng mga die hard fans ko." Napailing na naman s'ya sa sinabi ko. Teka! May mali na naman ba sa sinabi ko? Tama naman lahat ah. I heard ginugulo s'ya ng fans ko. Oo! May fans ako! Gwapo nga ako diba?
"Fine! Apology accepted." Aniya at saka sa'kin. "And oh! Hindi ako ginugulo ng fans mo dahil nakita nila how you sticked that paper at my back. Ikaw ang nanggugulo sa'kin." Aniya at saka nagmamadali na s'yang umalis. Yes! Iniwan n'ya ako. Mukhang nabasted nga ako ah. Nabasted ng hindi pa nakakapagsimulang pumorma. Shite!
"Thank you." Pahabol ko pa while staring at her walk away from me.
Samantalang salubong pa rin ang kilay ni Angel nang nasa labas na s'ya ng building na 'yon. Kabuntot pa rin n'ya si Ariz na tinatawag s'ya kaya naman napapatingin sa kanila ang mga estudyanteng nakakasalubong. Nakita n'ya naman kaagad si Lyken.
------======-----
sana mas naging convenient sa inyo ang pagbbasa.. salamat..
BINABASA MO ANG
HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANS
FantasyAng Heaven Shelts ay isang mundong hindi pa nararating ng kahit na sinong normal na tao. Ito ay mundo kung saan kapayapaan lamang ang umiinog. 'Yon ay bago pa sumalakay ang mga tao ng Dark Cell. Nagsimula ng mabago ang kasaysayan. Pitung itinakda an...