Chapter 2.2 - PAG-IWAS

41 2 0
                                    

***ANGEL

"Bakit parang nagwo-walkaton ka? Uuwi na ba tayo?" tanong ni Lyken sa'kin nang makasalubong ko ito palabas sa covered pathway.

"Oo! Uuwi na tayo! As in ngayon na!" mabilis kong tugon

Huminto 'yon and I guess napansin noon asi Ariz na kabuntot ko at malapit na sa kinaroroonan namin. Then I guess, dahil friend ko s'ya ay nakuha na n'ya ang ibig sabihin ng reaksyon ko.

"Lyken, lets go!" I said as I briskly walk.

"Angel kailangan mo munang makinig sa explanation ko." napahinto si Lyken nang marinig ang sinabi ni Ariz pero diretso pa rin ako sa paglalakad.

"Need my help?" sinilip ko ang driver nang humintong kotse sa gilid ko. Si Jam 'yon. Oh thanks God! You're so good. Pinadala mo ang kabuteng 'to sa'kin kung kelang kailangang-kailangan ko. Wala ng Sali-salita ay sumakay na kaagad ako sa kotse noon.

"Nakipagbreak ka sa'kin ng hindi ko alam at hindi pa naririnig ang explanation ko. Angel makinig ka muna sa'kin." Naririnig ko pa ang mga katagang 'yon ni Ariz. Oh my geee! Nakakahiya! May mga estudyante pa namang nakakakinig.

"Lyken alam kong ayaw mo sa'kin para kay Gel pero hayaan mo muna akong magpaliwanag." Muli ay narinig kong wika pa ni Ariz. Tiningnan ko si Lyken na tatango-tango naman habang nakaharang doon.

"Pero ayaw n'ya talagang makinig kaya wala na akong magagawa doon. Hindi rin naman ako 'yong tipo ng taong nakikinig sa explanation na hindi naman para sa'kin. Nakapag-decide na s'ya kaya hayaan mo na. Break na kayo eh." Si Lyken.

"Lyken! Tara na!" sumilip ako sa kotse at nakita kong napailing na lang si Lyken sa kausap habang ako nakasimangot na lang.

"Wag ka na munang sumunod. Hintayin mo na lang s'ya kung babalikan ka n'ya. Kung kayo talaga mararamdaman mo ang koneksyon n'yo." Iiling-iling pa si Lyken at tinapik ang balikat ni Ariz saka tinungo ang kotse ni Jam.

Nang-aasar pang kumaway si Jam kay Ariz bago pinaandar ang sasakyan.

"May klase ka diba?" si Lyken kay Jam habang palabas ang kotse sa University.

"Kung pumasok ako eh 'di hindi ko nakita ang mala Popoy at Basyang eksenang 'yon." Pabiro pang hirit ni Jam na binabago ang usapan at ipinokos pa kay Ariz. "Kawawang Ariz. Pero deserve n'ya naman 'yon. Walang buhay naman kasi ang Ariz na 'yon. Sabi ko naman sa'yo 'wag mong seryosohin ang Ariz na 'yon. Hindi bagay ang Ariz at Cancer." Pabirong hirit pa ni Jam sa kalagitnaan ng pagdadrive n'ya.

"Bakit ba Ariz ka ng Ariz d'yan. Ex ko na s'ya kaya 'wag mo ng banggitin pa ang pangalan n'ya. Ang sinumang bumanggit sa pangalan n'ya magbabayad ng one hundred." Iritado kong saad. Nagzipper naman ng mouth si Lyken at s'ya lumipat sa passenger seat.

"Nakipag-race ka last night diba?" bago ko sa usapan. Medyo nakakalayo na rin kami sa University. Hindi naman umimik si Jam and I knew I got her. "Sabi ko na nga ba eh. ano ba kasing napapala mo sa mga race race na 'yan. Don't do that ever again. You're making my head ache."

"I've been challenged. Not my fault." Dipensa naman ni Jam.

"I told you." Ani Lyken. Sinulyapan ko naman si Lyken at pinanlakihan ng mata. "Teka kanina ko pa napapansin 'yong kotseng blue na nakasunod sa'tin." Puna nito habang nakatingin sa rearview mirror ng kotse ni Jam. Nilingon ko naman 'yon at si Jam tiningnan 'yon sa rearview mirror ng kotse n'ya.

"Bilisan mo Jam kay Ariz 'yan." Wika ko nang makilala 'yon.

"One hundred." Hirit pa ni Jam na ikinakunot ng noo ko. "Sabi mo anyone who mentioned his name will pay one hundred. Kasasabi mo pa lang ng Ariz." Paliwanag ni Jam.

"Two hundred." Si Lyken ang nagsalita sa likuran dahilan para mapalingon ako doon. "Both of you mentioned his name." dugtong pa nito.

"Forget about that deal. Bilisan mo na lang ang takbo." Utos ko na nginisihan naman ni Jam. "I said faster Jam." Utos ko pa dito ng hindi naman nito binibilisan ang takbo.

"Pero sabi mo don't do that ever again." Si Jam na ginaya pa talaga ang boses ko.

"Bibilisan mo ba o magsusumbong ako kay Tito mo na hindi ka na naman pumasok?" malumanay pero nagbabanta ang tinig ko.

"Right away mam. Bumubwelo lang eh." Mabilis na tugon naman ni Jam at pinaharurot ang sasakyan. "It's show time." Hirit pa nito sa bilis ng pagpapatakbo ng kotse. Wala namang karea-reaksyon si Lyken habang ako naman ay nakatingin sa blue na kotseng bumilis din ang paghabol sa kanila.

"Iligaw mo kaya! Ayaw ko lang talaga s'yang makausap ngayon." I said at humigpit ang kapit sa seatbelt.

"Anong palagay mo kay Ariz taga ibang planeta at hindi tayo masusundan? Kahit gaano pa ako kabilis magpatakbo at the end of the day masusundan at masusundan pa rin tayo n'yan." Ani Jam habang nakatuon ang mga mata sa unahan at nag-o-overtake sa mga kotse. Panalangin ko ng lang habang ginagawa n'ya 'yon ay hind kami mahuli.

"Gagawin mo ba o—" hindi ko na naituloy ang banta nang magsalita si Jam.

"Bumubwelo nga lang. Heto na oh." Ani Jam at saka lumihis ng linya. She's trying to lose Ariz and she succeeded. Sana nga lang hindi s'ya mahuli. Humiling s'yang 'wag mahuli pero isang pamilyar na kotse ang nakita n'yang bumusina sa kanila. Napa-curse na lang s'ya nang makilala kung kaninong kotse 'yon—kay Tom.

-----=====-----


find it cute.. sana kayo rin.. hihihi.. salamat sa pagbabasa... magpatuloy ka pa sana...


HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon