CHAPTER 1.4 - JAM

58 1 0
                                    

***JAM

Mula sa labas ng presinto ay nakita kong huminga ng malalim 'yong antipatikong pulis. Napansin ko ring sinenyasan 'yon ng mga kasamahan. I'm pretty sure sinabi ng mga 'yon kung gaano ako ka-terror. Nagdiwang ang isip ko. I want that stupid guy to think that way. Sinalubong ko kaagad 'yon pagkalabas na pagkalabas nito ng presinto.

"Hoy bagong antipatiko bakit ang tagal mong lumabas? Diba sabi ng tito ko sa'yo TO BRING HER HOME." Pinalagong ko pa talaga ang boses ko upon saying the last four words.

"Akala ko ba NO WAY!?" pinaliit naman ni Tom ang boses pagdating sa dalawang salita. IKR! He's imitating me. Sa halip na sumagot ay umirap na lang ako at padabog na tinalikuran 'yon. I started walking away from that antipatikong nilalang. Sumimangot ako nang maramdaman kong hindi man lang ako sinundan ng walang hiyang lalaki. Then suddenly a car stops besides me.

"Sakay na!" nakilala ko kaagad ang driver noon pero inirapan ko lang 'yon at nagpatuloy na sa paglalakad habang marahan namang sumusunod ang kotse. "Sabing sakay." Utos ni Tom kaya huminto ako at namewang na sinilip ito sa kotse.

"Hindi—ako—sasakay! Manigas ka!" mataray kong tanggi at take note word by word pa. Binilisan ko pang lalo ang paglakad palayo sa kotse at thankful naman ako nang hindi ko maramdaman ang pagsunod ng kotse. Pero napahinto ako nang may maramdamang malamig na bagay na sumuot sa pulsuhan n'ya.

"Favor ni Chief." Ani Tom matapos lagyan ng posas ang mga kamay ko. Syempre, nanlaki ang mga mata ko. This is the first time that someone just put a handcupped on me.

"Sabi n'ya ihatid kita kaya ihahatid kita Miss Madrigal sa ayaw at gusto mo." Dagdag pa nito at saka hinila ako patungo sa kotse. Maingat n'ya naman akong ipinasok sa loob. I have no other choice kasi nakaposas na ako.

"Pakitanggal nito." Itinaas ko talaga ang kamay kong nakaposas. "Nakasakay na ako, see?" muling kong saad. Tiningnan n'ya pa ako 'yon bang parang kinikilatis. Then after some time ayon, tinanggal din ng mokong ang posas.

Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating sa baha. I don't say thanks to him since alam kong napilitan lang naman s'yang ihatid ako. Sa halip ay padabog ko pa ngang isinara ang pinto ng kotse noon. I saw him. Napailing na lang s'ya sa ginawa ko and I don't care. Walang lingong likod na akong pumasok sa bahay nang buksan ng guard ang maliit na gate.

"May dumating po ba Nay Lo?" diretsang tanong ko sa kasambahay na nagbukas ng pinto. May nakaparada kasing bagong kotse sa labas so ibig sabihin may dumating. Then I saw packages in the living room so that confirms my question. Binalik ko ang tingin sa kasambahay. "Si mommy po ba o si daddy?" wala sa loob na tanong ko.

"Si Sir –"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ng kasambahay na itinuturing ko na ring ina.

"Katulad po dati pakilagay na lang sa basement kung anumang dala nila para sa'kin."

Sinulyapan ko ang mga gamit at kahong nakalagay sa living room. Nakakita ako ng helmet pero sa halip na matuwa ay napailing na lang ako at nagmamadali ng umakyat sa sariling silid bago pa makita ko ng personal ang dumating.

Anak ako ng parehong nogosyante. Ako si JAM MARIGAL, labingwalong taong gulang at kasalukuyang second year college sa HR University na kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management. Mahilig akong magsuot ng mga rugged na damit o di kaya'y mga tribal designs. Ang mala-anghel kong mukha na katulad ng kay Jane Onieza ay salungat naman sa ugali kong may pagka ribelde (sa mga magulang lang naman). I admit that I'm that easy go lucky girl at may pagka-adventurous din. Kung ano 'yong risky 'yon ang malimit kong sinusubukang gawin. Hindi ako 'yong uri ng tao na kakikitaan mo na may problema because I carried it so well. 'Yong tipong kahit nasasaktan na ako you won't see it in me. Maliban na lang syempre kung ikaw sina Angel at Lyken kasi kilalang-kilala nila ako. Ako rin tipong I'd rather choose na sarilinin ang lahat kesa maging pabigat pa sa iba.


---===--- TOO SHORT ba.? pero inayos ko lang ang flow....---===--- 

paensya na sadyang inaayos ko pa ei.. binago ko kasi.. from third person to first... medyo mahirap pala talaga.. 

salamat sa pagbabasa


HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon