CH 8.2 – NAGISING ANG NATUTULOG NA KAPANGYARIHAN NI...
NARRATION:
***LYKEN
Hindi inasahan ni Lyken ang sinabi ng isa sa mga madre nong makita s'ya nitong palabas ng silid. Inakala pa nga nitong wala na s'ya doon. Hindi n'ya nga maalala kung ano nga bang nangyari kahapon. Pero hindi na 'yon ang focus n'ya. Dumiretso kaagad s'ya sa loob ng simbahan kung saan nakita n'yang nakaupo si Father Rod sa may pinakaunahang upuan. Nakita naman s'ya noon at ngumiti saka sinabihang lumapit. Nagmano s'ya nang makalapit sa pari.
"Inatake na naman daw po kayo? Pangalawa na daw po ito? Kelan po nangyari 'yong una?" usisa n'ya kaagad nang maupo sa tabi noon.
"Hindi na mahalaga kung kelan nangyari ang una. Ang alam ko mabubuhay pa ako ng matagal dahil kailangan mo pa rin ako." Tiningnan s'ya nito. "Hindi pa ako aalis hanggat malinaw pa d'yan—" itinuro nito ang bahagi ng ulo n'ya "—at d'yan—" pagkuway itinuro naman nito ang puso n'ya, "—ang lungkot at kagustuhang makapaghiganti."
"Father—" putol na sambit n'ya.
"Lyken, nararamdaman kung hanggang ngayon nangungulila ka pa rin sa kanila. Alam ko na pilit mo pa ring hinahanap ang mga taong 'yon at gusto mong maghiganti sa kanila." Natahimik s'ya. Una dahil tinamaan s'ya sa sinabi ni Father Rod at pangalawa, tama ang sinabi noon. Gusto n'yang maghiganti. Gusto n'yang magbayad ang sino mang pumaslang sa pamilya n'ya.
"Sa tuwing nakikita kitang dumadalaw sa puntod ng mga magulang at kapatid mo nakikita ko sa mga mata mo ang galit. Naririnig ko sa bawat paghinga mo ang kagustuhan mong mabigyan sila ng hustisya sa kahit anong paraan. Ngunit Lyken, hindi sagot ang paghihiganti. Maniwala ka sa'kin 'wag na 'wag kang gagawa ng mga bagay na pagsisisihan mo sa huli. Mabait kang bata. Alam mo na kung ano ang tama sa mali."
"Magpahinga na po muna kayo at baka kung ano na naman pong mangyari sa inyo. Paalis na rin naman po ako." Sinubukan n'yang baguhin ang usapan at iiwas ang tingin sa pari. "Baka hindi na rin ako malimit na makabalik dito dahil mukha pong magiging busy na ako next week para sa seminar na aatendan ko."
"Lyken, hindi madali ang magpatawad pero ipaubaya mo ang lahat sa Kanya at gagaan ang lahat. Alam kong gusto mong maging masaya pero hangga't hindi ka nakapagpapatawad hindi mo mararamdaman na tunay ka ngang masaya. May bago ka ng pamilya." Hindi na s'ya muli pang sumagot sa sinabi ng pari dahil tagos na naman ang mga salita noon sa kanya. Nagpaalam na s'ya doon at hindi naman s'ya pinigilan pa noon. Nasa may gitna na s'ya ng simbahan ng lingunin n'yang muli ang pari.
"Magpagaling po kayo kaagad." Huling saad n'ya na nakita n'yang nginitian naman noon.
"Matagal na akong magaling. Ikaw at ang puso mo ang hinihintay ko na lang na gumaling at tuluyang maghilom ang sugat na naririyan pa rin."
Muli s'yang natahimik. Tama na naman kasi 'yon. Hindi pa rin gumagaling ang sugat na dulot ng nangyari sa nakaraan at kahit ano pa atang pilit n'ya hinding-hindi na 'yon maghihilom pa.
Pagkalabas n'ya ng simbahan ay kaagad n'yang tinungo ang sakayan ng mga jeep ngunit bibihira lamang ng jeep na bumibiyahe mula doon patungo sa tinutuluyang bahay nila Angel. Nagpasya s'yang maglakad patungo sa kabilang kanto pero hindi n'ya maintindihan kung anong nangyari basta't natagpuan na lang n'ya ang sariling naroroon na kaagad. Sinubukan n'yang tingnan ang suot na relo pero lalo lang s'yang naguluhan. Wala pang 10 segundo narrating n'ya ang kabilang kanto mula sa may simbahan na ang layo ay halos 300 metro. Sinubukan n'yang gusumutin ang mata upang patunayang nagkamali lamang s'ya pero talagang naroroon na s'ya.
BINABASA MO ANG
HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANS
FantasiaAng Heaven Shelts ay isang mundong hindi pa nararating ng kahit na sinong normal na tao. Ito ay mundo kung saan kapayapaan lamang ang umiinog. 'Yon ay bago pa sumalakay ang mga tao ng Dark Cell. Nagsimula ng mabago ang kasaysayan. Pitung itinakda an...