CH 3.1 - STILL REMEMBER

38 2 0
                                    

***CLYDE

Tahimik lang ako habang naglalakad kami nina Mariz at Gemma patungo sa apartment ng mga ito. Malapit din lang kasi ang tinutuluyan ko sa apartment ng mga ito pero hindi ko ipinapaalam kay Mariz 'yon.

"Sorry pala dahil nasigawan kita kahapon." Basag ni Mariz sa katahimikan. Sa'kin s'ya nag-so-sorry.

"Wala 'yon. Naintindihan ko naman." Mabilis pa sa alas kwatrong tugon ko.

"Alam n'yo ang korni n'yong dalawa. Kung ako sa inyo ilibre n'yo na lang ako ng pagkain d'yan sa kanto. Kanina pa kaya ako nagugutom ." napalingon kami kay Gemma na nakangisi pa. "Nauuhaw rin ako. Kahit soft drinks na lang." hirit pa nito.

"Pagdating mo sa bahay inumin mo 'yong isang galong tubig doon. Tanggal 'yan." Hirit din naman ni Mariz.

"Mabuti sana kung kotse ang dala nitong si Clyde eh di sana peteks tayo at hindi naglalakad." Ani Gemma. Natigilan ako sa sinabing 'yon ni Gemma. Tapos napatigil din Gemma nang marealize kung ano 'yong sinabi n'ya.

"Kung may kotse 'yang si Clyde eh di sana noon pa tayo pinasakay n'yan." Hirit din ni Mariz matapos manahimik din ng saglit. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa tinuran ni Mariz.

"Rinig mo 'yon. Kung ako sa'yo sabihin mo na sa kanya ang totoo." Bulong sa'kin ni Gemma. Yes! Gemma knew that I do have car. She knew that dahil nahuli n'ya ako once. May pagkasa detective ata ang babaeng ito at nahuli agad ang lihim ko. I explained to her how much I like Mariz kaya partner in crime ko na rin ito para ilihim ang katotohanang anak ako ng isa sa mga shareholder ng HR University.

"Bumubwelo pa ako." Mahinang tugon ko at sinulyapan si Mariz na seryoso lang naglalakad.

Galing kami sa pharmacy at out na kami kaya heto't naglalakad kami at ihahatid ko ang mga ito sa apartment na tinutuluyan. Hay. If I could only tell Mariz everything kaso lang wala pa akong lakas ng loob to do that.

"Ang sabihin mo torpe ka lang." hirit pa ni Gemma.

"Bumbwelo pa nga lang." depensa ko kahit alam ko na totoo naman ang sinabi nito.

"Just tell her na hindi ka naman talaga poor. Na nagustuhan mo s'ya nong una mo s'yang makita. Love at first sight. Tell her that." Utos pa nito.

"Bumubwelo pa nga sabi." Muling sambit ko

"Ewan ko sa'yo. Kakabuwelo mo may nauna na sa'yo." Si Gemma at binilisan ang paglakad para makasabay si Mariz na nauuna na sa'min.

Natahimik ako. Napaisip. Paano kung may mauna ng sa'kin? Anong gagawin ko? Pero sadyang torpe lang talaga ako eh. Dinadaga ang dibdib ko everytime na maiisip na magtatapat ako sa kanya.

Noong una ko s'yang nakita sa University na pinapasukan ni Keychiel. Alam kong nagustuhan ko na kaagad s'ya noon. I rembered she has someone with her. Lalaki 'yon na kaedaran lang n'ya pero wala akong paki kung sino pa 'yon. Hindi ako nathreatened sa kasama n'yang 'yon lalo na ng malaman ko na best friend n'ya 'yon. Diba nga sa mga love story sa movie at teleserye hindi nagkakatuluyan ang mga mag-bestfriend. So whay will I worry?

"Bilisan n'yo nga d'yan!" napatingin ako kay Gemma. Napapalayo na pala sila.

Nakarating kaagad kami sa apartment nina Mariz pero hindi katulad dati hindi na ako nagpasyang pumasok doon. Napansin ko kasing tila ba tinitingnan ako ni Mariz sa hindi ko malamang dahilan. Iba kasi ang tingin noon kaya naman idinahilan kong may lalakarin pa ako. Pagkalabas ko naman ng apartment saktong tunog naman ng cell phone ko. Si Keychiel tumatawag.

***KEYCHIEL

Naghintay ako hanggang sa sagutin ni Clyde ang tawag ko. After the second ring ay kausap ko na s'ya.

"Nasabi mo na?" bungad ko kay Clyde. Tumikhim lang ito sa'kin. Mukhang hindi pa rin n'ya nasasabi.. "Hindi pa rin?" muling usisa ko kahit alam ko naman ang sagot.

"Hindi pa." tugon naman ni Clyde habang naglalakad palayo sa apartment nina Mariz.

"Bahala ka na nga." Saad ko habang binubuklat ang lumang photoalbum.

"Bakit ka napatawag?" bago ni Clyde sa usapan. Huminga muna ako ng malalim.

"Two days from now is his birthday." Maikling sambit ko. Napansin kong nanahimik si Clyde sa kabilang linya. Alam kong nagets nito ang sinabi ko

"Yup. So what's the plan?" si Clyde na sumulyap pa sa kalangitan. Masyadong maraming bituin. "Ang daming stars ngayon. I'm sure he's staring at us from up there." Anitong muli nang manahimik ako.

"Don't know. Naalala ko lang na ilang buwan na rin akong hindi nakakabisita sa kanya." Tugon ko kasunod ng isa na namang buntong-hininga.

"Then we're good to visit him two days from now." Ani Clyde.

Hindi ko alam ang isasagot. Kapag bumisita kasi ako sa kanya ay naalala ko lang naman ang nangyari five years ago.

"Keychiel? Still there?" untag ni Clyde pero sa halip na sumagot ay binabaan ko s'ya ng phone. Ang bastos ko diba? Tatawag-tawag ako tapos papatayan ko lang bigla ng phone. Ewan. Bigla na lang 'yon ang naging respond ko eh.

Sinulyapan ni Clyde ang kalangitan at huminga ng malalim. Alam n'yang hindi pa rin sanay si Keychiel na may kasama sa tuwing bibisitahin ang isang pinakaimportanteng tao sa buhay nito.

"She's still not over you. Sana lang tulungan mo s'ya para makalimot. Do that for the sake of our friendship, Carlo." Mahinang sambit ni Clyde at nakatungong nagpatuloy na sa paglalakad.

Pinahid ni ko ang tumulong luha nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok doon si papa.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Nakita kong sinulyapan ni papa ang photoalbum na isinara ko nang pumasok s'ya sa room ko.

"Matutulog na po." Pinilit kong pakalmahin ang sarili.

"Still remember him?" alam ko ang sagot sa tanong na 'yon ni papa pero mas pinili ko ang hindi sumagot.

"Sige pa, matutulog na ako." Sa halip ay wika ko at saka nahiga na sa kama patalikod sa kinaroroonan ni papa. Narinig ko ang buntong-hininga n'ya dahilan para lalo lang may pumatak na namang butyl ng luha sa pisngi ko. Umiiyak na naman ako. You see! Hindi ako 'yon ice princess kasi may pakiramdam din ako. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Umalis na si papa sa kwarto. Pumikit na ako hindi para matulog kundi para lang pigilin ang pagluha pero may tumulo pa ring luha mula sa aking mga mata. Yes! I still remember Carlo—one of my bestfriend and first love as well. Yes! First love! Kahit bata pa lang ako I know the feeling of being in love.

I still remember that tragic accident. I still remember how I hated firewho stole Carlo away from me. I still remember everything at hindi ko 'yonmakakalimutan kailanman. Sinisisi ko ang sarili ko dahil doon. Pinili kong 'wagmagmulat ng mata. Hinayaan ko lang dumaloy ang mga luha. Hanggang sa hindi kona namalayang nilamon na rin pala ako ng antok.    

--------======--------


curious of who is Carlo?? soon you'll know.. hihihi...


HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon