CH 8.1 – NAGISING ANG NATUTULOG NA KAPANGYARIHAN NI...
NARRATION:
***ANGEL
Nakapikit pa rin si Angel sa harap ng salamin. Kanina pa s'ya may gustong isipin ngunit hindi n'ya naman alam kung ano ba ang dapat n'yang isipin. Nakapagligo na s'ya pero ramdam n'ya pa rin ang lamig na nararamdaman n'ya sa kanyang lalamunan. Hinawakan n'ya pa nga 'yon. She felt so refresh pero hindi n'ya pa rin maintindihan kung bakit tila ba pakiramdam n'ya may nalimutan s'yang importanteng bagay. Napahinto s'ya sa pagsusuklay nang bumukas ang pinto ng silid nila ni Lyken at iniluwa doon ang papa n'yang may benda ang ulo.
"Dartz?" halos bulalas n'ya na puno ng pag-alala. "Anyare?" puno pa rin ng pag-alala ang boses n'ya ng makalapit sa ama.
"Hindi ka ba lumabas ng bahay? Si Lyken hindi mo ba kasama?" sa halip ay balik tanong din nito sa kanya. Umiling naman s'ya.
"Dartz, I'm asking 'you, what happened ba? Look at your ulo." Aniya.
"Pupuntahan ko sana si Tito Rod mo."
"Oh MY G? Si Father Rod ang may gawa n'yan to you?" react n'ya kaagad. Marahan naman s'yang tinampal ng papa n'ya.
"Hindi. 'Yong holdaper. Kahapon kasi bigla na lang nagkaroon ng malawakang brownout. Ewan ko ba naman kung bakit kahapon pa natapat 'yon."
"Brownout?" takang tanong n'ya pero hindi naman na s'ya sinagot pa ng papa n'ya sa halip ay binago nito ang usapan.
"Ay 'wag na ngang maraming tanong Angel. Hinihintay ka ni Ariz sa labas." Kumunot ang noo n'ya. Sa sinabi ng papa n'ya. Kilala nito si Ariz since ipinakilala n'ya na ditong jowaers n'ya ito pero naikwento n'ya na rin ditong break na sila pero heto at wala man lang violent reaction ito knowing na nasa labas si Ariz. "Lumabas ka na. Kausapin mo na 'yong taong 'yon at ako'y naririndi na. Aba'y wala ng ginawa sa parlor kundi hanapin ka sa'kin para kayong hindi pumapasok sa iisang University."
"Dartz, alam mo naman the score between us, diba?" aniya na tila ba naapektohan na naman ng maalala si Ariz.
"I know. Pero kausapin mo na at sabihin mo ng harapan formally na break na kayo. Kung hindi mo kakausapin 'yon hindi ako titigilan non." Napapadyak naman s'yang parang bata.
"Ikaw?" aniya na nag-aalala pa.
"Anong ako? Ako ang gusto mong kumausap sa ex mo?"
"Hindi. I mean papaano ka? Okay lang ba na iwan kita with that on your head?" nangibabaw pa rin ang pag-aalala n'ya kesa sa inis kay Ariz.
"Okay na ako. Tsaka malayo sa bituka 'to." Nagawa pang magbiro ng papa n'ya.
'Yong totoo ayaw n'ya sanang lumabas pero napilitan na s'ya dahil inihatid na s'ya ng papa n'ya sa labas. Nakita n'ya ngang naghihintay doon si Ariz. In all fairness gwapo pa rin ito at nagagawa pa rin nitong pabilisin ang tibok ng puso n'ya pero stop. Hindi s'ya magpapadala sa mga titig nito. Pilit n'yang nginitian ito nang makitang nakatingin pa sa kanila ang Dartz n'ya.
"Dartz, alis na po kami." Paalam n'ya sa ama habang nakapinta ang peke at pilit na ngiti saka sumakay sa kotse ni Ariz. Nakalagpas na sila ng isang kanto nang utusan n'ya itong ihinto ang kotse.
"Hindi mo ba talaga ihihinto this car of yours?" mataray na saad n'ya na inlingan naman ni Ariz. "Okay. Then I'll just make talon from here." Aniya at saka nagtangkang buksan ang pinto ng sasakyan nito.
BINABASA MO ANG
HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANS
ФэнтезиAng Heaven Shelts ay isang mundong hindi pa nararating ng kahit na sinong normal na tao. Ito ay mundo kung saan kapayapaan lamang ang umiinog. 'Yon ay bago pa sumalakay ang mga tao ng Dark Cell. Nagsimula ng mabago ang kasaysayan. Pitung itinakda an...