***KAREN
Nagso-sorry na lang ako sa ilang estudyanteng nabubunggo ko dahil sa pagmamadali. Ngunit nilingon kong saglit ang isang estudyante kung saan napalakas ang huli kong pagkakabangga. Humingi ako ng paumanhin ngunit dahil sa ginawa kong yon hindi ko na naiwasan ang isang lalaking bigla na lang sumulpot. Ayon tuloy nangalat ang dala kong mga libro na hindi ko na naisilid sa bag kanina dahil sa pagmamadali.
Nagmamadali ko ring pinulot ang mga librong nagkalat na sa semento. Sinusulyapan naman ako ng ibang estudyante at ramdam ko 'yon.
Sinulyapan ko ang suot kong relos. "Patay! Late na ako." Mahinang bulong ko at binilisan pang lalo ang pagpulot ng mga gamit kong nagkalat. Hindi na nga ako nakahingi ng paumanhin dun sa lalaking nabangga ko. Laking pasasalamat ko at napangiti pa nga ako kay Angel na ngumiti rin naman sa'kin. Wala pa kasi si Prof. Medina doon. Nauna ako sa kanya ngayon. Ilang saglit pa ay dumating na rin naman 'yon.
"Himala, nauna ka ata sa'kin ngayon Ms. Gonzales." Ngumiti lang ako sa tinuran ni Prof. Medina dahilan para mahinang magbulungan ang ilang kaklase ko.
"So where's the book that I lent you? Kailangan ko 'yon today, for the discussion." Muli ay wika ni Prof. Medina.
Madali kong tiningnan ang libro sa mga dala kong libro pero wala doon 'yong librong hiniram ko kay Prof. Medina. I tried to check my bag at halos itinaktak ko na nga ang laman noon pero wala pa rin doon ang libro. Sinulyapan ko si Prof at nakita ko ang kilay n'yang nakataas.
"Ano na Ms. Gonzales? Don't tell me hindi mo dala."
"No Sir, I actually brought it. Kaso-kaso-" hindi ko na naituloy pa ni ang sasabihin nang maalala ang nangyari kanina. Napagtanto kong maaring dahil sa pagmamadali ay hindi ko na napulot ang libro at posibleng napulot na 'yon ng ibang estudyante. Kinabahan ako syempre.
"Sir, I think, I dropped it." Nag-aalinlangan ko pang wika.
"What? You dropped it? Do you know how important that book is to me?"
Hindi na ako nakaimik pa dahil may bigla na lang kumatok sa pinto ng room naming.
"I think this is what you're looking for." Wika ng lalaki at itinaas pa ng bahagya ang librong dala-dala.
Halos nanlaki ang mata ko upon seeing the book. Pinagmasdan ko ang lalaking 'yon nang lapitan s'ya ni Prof. Medina. Napansin ko rin ang marahang pagtango ni Prof. Medina.
"So you really did drop it?" baling n'ya sa'kin na dagli kong tinanguan kasunod ng ekspresyong humihingi ng paumanhin.
"Diba si Clarck 'yan?" napatingin ako sa seatmate na tinanong ang katabi ko pang seatmate.
"Thank you." Wika ko doon sa estudyanteng nakapulot ng libro. Hindi naman ako nakarinig ng sagot mula doon sa halip ay nagkibit balikat lang 'yon at walang pasabing umalis
"Si Clarck ang nakapulot ng libro. Swerte." Napatingin ulit ako sa katabi ko. Magtatanong pa sana ako dito kung anong ikinaswerte non pero ibinaling naman nito ang mata kay Prof. Mendez.
The discussion started at kahit hindi ko pa masyadong maintindihan ang dinidiscuss ay nagtyaga pa rin akong makining doon. Hanggang sa...
"Karen!" nagulat ako at napalingon sa tumapik ng balikat ko.
"Angel." Tanging usal ko matapos tingalain ang tumapik. Iginala ko ang paningin sa classroom. Nagulat ako dahil wala na ang mga kaklase ko.
"Lika na! Lunch tayo para maipakilala na rin kita kina Jam." Anitong muli sa'kin. Tinignan ko lang ito na ngumiti sa'kin ng pagkatamis-tamis.
BINABASA MO ANG
HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANS
FantasyAng Heaven Shelts ay isang mundong hindi pa nararating ng kahit na sinong normal na tao. Ito ay mundo kung saan kapayapaan lamang ang umiinog. 'Yon ay bago pa sumalakay ang mga tao ng Dark Cell. Nagsimula ng mabago ang kasaysayan. Pitung itinakda an...