CHAPTER 1.2 - PRESINTO

70 2 0
                                    

***JAM

Lumawak ang ngiti ni ko nang malagpasan ko na ang walang enta kong kakarerahan. Masyadong malinis ang daan kaya swabe ang ginagawa kong pagpapatakbo sa motor ko. 'Yong tipong may art ba (hahaha). Sinulyapan ko sa salamin ng motor ko ang kakarerahan ko. Nagtaka pa nga ako kasi bigla na lang 'yong umatras. Like duh! Ganun ba s'ya kahina. I mean sila ang naghamon. Then that concludes, I just won.

"Ho! Ho!" may galak na sigaw ko. Pero nang muli kong ibalik ang tingin sa daan ay nanlaki ang mga mata ko. I did everything to stop and successfully pa-slide ko namang naihinto ang motor ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi 'yon bumangga sa nakaparadang kotse at sa nakatayong lalaki doon. May ipinakita pa nga 'yon sa'kin at napalatak na lang akong napakamot sa helmet.

"Pulis ka?" hindi pa rin ako kumbinsido sa kabila ng ipinakita noon sa'kin.

"Hindi kita maintindihan! Tanggalin mo 'yang suot mong helmet!" inside my helmet saglit akong natigilan. You see. Inutusan n'ya ako which is not actually good to hear at. May pagka-antipatiko ang pulis na 'yon kaya naman kahit aayaw ko pa ay tinanggal ko na rin ang suot kong helmet.

"We could at least talk about it, right?" Pinilit kong ngumiti after saying that.

"Hindi ko aakalaing babae ka dahil sa bilis ng takbo mo." May pagkasarkastikong saad ng pulis na kaharap ko ngayon. What does that mean? Is he saying lalaki ako? Eh kita naman sa kurba ng katawan ko na babae ako. Sinulyapan ko ang dibdib ko. Hay! Napalatak ako. Flat chested nga pala ako. Bumaba tuloy ako sa motor dahil sa tinuran nito.

"Pwede natin 'tong pag-usapan sa presinto. Halika na." kumunot naman ang noo ni ko dahil sa tinuran n'yang 'yon.

"Hindi mo ba ako kilala? Huh?" with sarcasm I asked him.

"Kelangan pa ba kitang kilalanin?"

Napahawak ako sa noo ko. He's really getting into my nerves. Aba! Dapat n'ya lang akong kilalanin. Hindi ako makapaniwala na ngayon lang ako nabara ng ganito. It hurts you know.

"Alam mo dapat kinikilala mo ang lahat ng makakausap mo. 'Yong—" naputol ang mga sasabihin ko dahil ang bastos na pulis na ito ay sumabad na naman.

"Lisensya?"

Hindi ako makapaniwala sa kaharap ko. You see, kahit sinong tao dapat pinapatapos muna ang nagsasalita hindi 'yong ganito.

"H-huh?" kunyare hind ko s'ya narinig.

"Sabi ko LISENSYA." Binigyang diin pa nito ang huling salita.

Patay na! Wala nga pala 'yong student license ko. Napakamot tuloy ako sa ulo.

"Wala kang lisensya?" muling saad ng pulis nang mapansin ang reaksyon ko kaya napilitan na lang kaong umiling. "So tara sa presinto." Hindi na ako nag-react pa nang may tinawagan 'yon at saka ilang sandali pa ay nasa presinto na kami. Yong tipong nasa presinto na naman ako. Presto akong naupo habang may tila hinihintay ang pulis na ito which is kilala ko naman kung sino.

Ilang sandal lang ang lumipas...

"Hi uncle." Nakangiting bati ko sa pumasok na pulis sa silid na kinaroroonan ko. Office 'yon ng Tito kong pulis din. "Tito hindi talaga bagay sa inyo ang nakasimangot. Smile." Hirit ko pa, trying to make Tito side on me.

Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawang pagtayo at pagsaludo ng pulis na humuli sa akin nang makapasok si Tito doon. Sininyasan naman 'yon ni uncle na maupo at sumunod naman 'yon dahilan para irapan ko ang lalaking 'yon.

"Sumasakit ang ulo ko kapag nakikita kita dito eh. But I have no choice. Buti na lang talaga pinasundan kita dito kay Tom." Iiling-iling na saad ng kanyang Tito Rucel (kapatid ng papa n'ya).

What? Pinasundan? Ibig sabihin—I looked at that bastos na pulis at saka hindi makapaniwalang napailing na lang.

"Eh?" kunyare hindi ko na-gets ang sinabi ni Tito but definitely my face would prove na nagets ko 'yon. I'm just being an award winning actress here.

"Tumawag ako sa inyo kanina at umalis ka nga raw dala ang motor mo. Kaya pinasundan kita dito sa inaanak ko." pag-amin naman ni Tito.

Sinulypan ko ang lalaking humuli sa'kin at saka ginawaran 'yon ng pilit na ngiti. "Itong bagong antipatikong 'to inaanak n'yo tito?" hindi ako makapaniwala.

"He has a name Jam. He's SPO1 Tom Guerero. And yes bago nga s'ya." tiningnan ako ni Tito as if trying to tell me something. "So I'll be confiscating your motorcycle. No buts! No no's!"

"Pero uncle!" react ko. Sabi ko na nga ba 'yong mga titig na 'yon ni tito may mga ibig sabihin.

"Ah-Ah!" sansala n'ya sa'kin. "Behave! Dahil next time baka hindi lang 'yan ang kompiskahin ko." I then rolled my eyes after hearing that. Tumingin ang tito sa relong suot. "Medyo late na. Ipapahatid na kita dito kay Tom." Anito at saka bumaling dun sa antipatikong Tom. "Iho, please bring her home safe."

"No way!" mariing tanggi ko saka tumayo na at sinadya pang tapakan ang paa ni Tom. "Ay sorry, akala ko kasi kung ano lang paa mo pala." I even said in a mocking way at umirap pa bago padabog na sinara ang pinto ng office ni tito.

"Iho, pagpasensyahan mo na ng pamangkin ko. Next time hindi na kita iistorbohin pa. but please do me a favor and give her a ride huh?"

"Okay lang po 'yon. Lalabas na po ako at baka tumakas na ang MEDYO mataray n'yong pamangkin." Pabiro pang sambit ni Tom na nginitian naman ni Chief Inspector Rucel.


------==============--------


salamat sa iyong pagbabasa...





HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon