***RYZA
Tiningnan kong mabuti ang sarili sa harap ng salamin. Huminga muna ako ng malalim saka ipinasak sa tainga ang headset at tahimik na lumabas na ng kwarto.
"Iha, aalis ka na ba?" tanong ng isang kasambahay. Umarte na lang akong walang narinig at dire-diretso ng lumabas ng bahay. Dumiretso ako sa kotseng nakaparada na sadyang naghihintay sa'kin. Sumakay ako doon.
"Mam, may problema po ba?" narinig kong usisa ng driver pero hindi ako sumagot sa halip ay ipinikit ko na lang ang mga mata. Bigla namang tumunog ang cell phone ko. Tiningnan ko muna kung sinong tumatawag bago tuluyang sinagot.
"Hello Totle?" bungad ko. Pansamantala akong huminto at nakinig sa sinabi ng nasa kabilang linya. "I'm on my way. Nag-start na ba?" muli akong huminto. "Okay, sige, bye."
Bumaling ako sa driver matapos ang tawag. "Mang Lorencio, pakibilisan na lang po." Mahinahong utos ko na sinunod naman noon. 'Di kalauna'y nasa HR University na rin ako.
"Mam, mga anong oras ko po kayo susunduin?" tanong ng driver at sinubukan pa akong silipin.
"Tawagan ko na lang po kayo." Tugon ko na tinanguan naman ng driver at saka iniwan umalis na rin 'yon.
Dali-dali akong pumasok sa Music Hall at nagpalinga-linga. Nakita ko naman kaagad ang aking hinahanap.
"Sorry late ako." Mahinang sambit ko at itinuon kaagad ang mata sa entablado kung saan may nagpi-play ng piano.
"Ano ka ba naman. Sinabi ko na sa'yo na iwasan mo na ang pagsasalapid ng buhok mong 'yan." Alam kong disappointed si Aristotle—my gay friend— dahil sa ayos ng buhok ko. Sa halip na sumagot ay itinuon ko na lang ang mata sa entablado.
"Minsan tuloy naiisip ko kung anong pumasok sa kokote ko at naging kaibigan kita. Tingnan mo nga 'yang pustura mo para kang product ng late 7o's." muli ay puna ni Aristotle s'akin. I know that was just a joke kasi sanay naman na ako sa panlalait ng kaibigan kong 'to. Wala na dong bago.
"So pinagsisisihan mo ng trumansfer ka ng school nong elementary at nakilala mo ako na naging kaibigan mo?" nakita n'ya namang nag-pout 'yon at umiling. "Pinagsisisihan mong naging best friend mo ako dahil sa buhok ko?" medyo mahina lang ang boses ko sapat na para marinig n'ya.
"Friend, hindi ko pinagsisisihan that you became my friend ang sa'kin lang eh—" naputol ang mga sasabihin pang ka-dramahan sana ng bestfriend ko nang may marinig kaming magsalita sa likuran.
Nasa itaas na bahagi kasi kami ng music hall kung saan second to the last row ang kinuha naming upuan. Sabay kaming napatingin sa likod pero wala namang tao doon. Nagkatinginan kami nang may maisip at saka dahan-dahang sinilip ng maayos ang upuan sa may likuran. Doon namin nakitang may nakahiga doong lalaki na may tabon ng notebook ang mukha.
"Kung hindi kayo manonood lumabas na kayo." Utos muli ng nakahigang lalaki at nananatiling may takip ang mukha.
Nanginig ako. Pamilyar ang boses noon.
"Sino ba 'yan? Anong palagay n'ya dito sa Hall? Hotel?" Si Bestie ang nagsalita habang nakatingin pa rin sa nakahigang lalaki.
"Ewan." Maikling tugon ko dahilan para tanggalin ng lalaking 'yon ang nakatabon sa mukha.
I almost lost my balance nang mapagsino ang lalaki. Dali-dali naming ibinaling ang tingin sa unahan at inayos ang upo habang sinisiko ako ni Aristotle.
"Diba S'YA 'yon?" Aristotle gave emphasis on the capitalize word. I simply nodded at saka sinubukang mag-focus sa unahan. "Grabe ang gwapo." Kinikilig pang saad ni Aristotle na pigil na lumakas ang boses.
BINABASA MO ANG
HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANS
FantasyAng Heaven Shelts ay isang mundong hindi pa nararating ng kahit na sinong normal na tao. Ito ay mundo kung saan kapayapaan lamang ang umiinog. 'Yon ay bago pa sumalakay ang mga tao ng Dark Cell. Nagsimula ng mabago ang kasaysayan. Pitung itinakda an...