CH 12 #SUDDENLY

16 1 0
                                    

AN: Kumusta ang pagbabasa? okay lang ba? Tell me. Cast a vote and comment. I do accept correction and suggestion as well.. thank you..


--------=============-------------


CH 12 – SUDDENLY

***KEYCHIEL

Ibinalik ko ang tingin ko sa flat screen matapos kong i-end call ang tawag ni Clyde. Ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin n'ya. Alam ko namang nasasaktan s'ya at ayoko ng sabihin n'ya pa 'yon sa'kin. He's a dearest friend of mine at aminado naman akong nasasaktan rin ako para sa kanya. Tumunog ulit 'yon pero hindi ko sinagot. Alam ko naman s'ya rin lang ulit 'yon.

Ngayon na lang ulit ako nakapanood ng balita since masyadong na-focus ang atensyon ko sa nangyaring kakaiba sa'kin nitong mga nakalipas na araw. Ililipat ko sana 'yon sa ibang channel pero napahinto ako nang makita ko ang breaking news. Then natuon headline.

"Nawawalang Philippines High Flight 444?" mahinang basa ko doon.

Na-distract naman ako ng biglang tumunog ang cell phone ko. I saw papa's name on the screen kaya sinagot ko 'yon habang sinusulyapan ang tv.

"Hello pa." sambit ko.

"Ang mama mo." Nagsalubong ang kilay ko at ibinalik ko ang titig ko sa flat screen.

"Halos mag-aanim na araw na ang nakakalipas ng bumagsak ang Flight 444 patungong Cebu kung saan nasa tinatayang animnapung pasahero ang nakasakay sa nasabing eroplano." Saad nong reporter.

"Ang mama mo. Wala na ang mama mo." Narinig kong saad ni papa.

"Samantala, naririto ng muli ang listahan ng mga pasaherong napabilang sa nasabing flight. Para sa karagdagang updates manatiling nakatutok sa ATG news." Muli ay pahayag nong reporter. Hindi ko na halos marinig pa si papa dahil naibaba ko na 'yong phone ko nong makita ko ang isang pamilyar na pangalan na nag-appear sa screen.

"...DE CASTRO, CHERRY LOPEZ..."

"...DE CASTRO, CHERRY LOPEZ..."

"...DE CASTRO, CHERRY LOPEZ..."

"...DE CASTRO, CHERRY LOPEZ..."

"...DE CASTRO, CHERRY LOPEZ..."

"...DE CASTRO, CHERRY LOPEZ..."

"...DE CASTRO, CHERRY LOPEZ..."

Nagulat ako nang biglang sumabog 'yong flat screen. I was just staring at the screen and I don't know why it suddenly explodes. Siguro na-short circuit, nag-over heat o. Ewan! Why do I even care kung bakit sumabog ang flat screen. I have to see her. Kailangan kong makita si mama.

"Mam." Napalingon ako sa nag-aalalang sambit ng kasambahay. May tinawag ito pero binalewala ko na sa halip ay dire-diretso na akong lumabas ng bahay. Saan ako pupunta? Saan ko ba dapat puntahan si mama? Asan ba kasi si papa? Asa Cebu ba? Napahawak ako sa noo. Nagpapanic na talaga ako. Pumunta si mama sa Cebu dahil sa medical mission then out of nowhere malalaman kung bigla na lang wala na s'ya? Damn! Clear your mind Keychiel.

Tiningnan ko 'yong kotse. I can't drive. I don't want to drive.

"Keychiel!" isang pamilyar na boses na tila ba nakapagpagaan ng loob ko. Tinignan ko ang pinagmulan noon. Nasa may gate. Nakasandal sa kotse n'ya. No. That can't be him. Matagal na s'yang wala! He's already dead because of that guy.

HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon