***KEYCHIEL
Kanina pa tumutunog ang phone ko pero wala akong balak na sagutin 'yon. Alam ko namang si Clyde lang 'yon. I'm sure he's going to ask me kung okay na ba ako. He's always like that kahit alam na n'ya ang sagot. Wala ng bago sa kanya. Huminga ako ng malalim. I've to forget what happened last night as if nothing has really ever happened. I went out of my room after wearing my eye glasses.
"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday, Keychiel."
Natigilan ako sa pinto ng kwarto ko. Nasa harap ko ngayon sina mama, papa at mga kasambahay. Lahat sila nakangiti sa'kin. Mama is holding the cake while papa si just at mama's side silently staring at me.
"Dear, you have to blow the candle after making a wish." Si mama ang nagsalita.
I look at her. I know nahihirapan din s'ya sa sitwasyon. Simula kasi nang mawala si Carlo I don't usually celebrate my birthday. Yes! Magkasunod lang kami ng birthdate ni Carlo. Ibinaling ko ang tingin ko kay papa. Saglit lang s'yang tumango sa'kin which means I really have to blow the candle at least for mama's sake.
Tiningnan ko rin ang mga kasambahay na nakangiti sa'kin. Then inilipat ko ang tingin sa kandila na nasa ibabaw ng cake. Hindi katulad ng ibang babae, I don't want my birthday to be celebrated. You see, I'm already eighteen. Alam nina mama na aayaw ko talaga ng selebrasyon. Pero siguro dahil naisip nilang eighteen na ako kaya nagpasya silang mag-bake ng cake for me. Yes! My mom is not only a good doctor but a good chef as well.
"Come on dear. Blow your candle before I do it." Biro pa ni mama. Saglit lang at hinipan ko na ang kandila. Nagpalakpakan ang mga kasambahay.
"Kailangan mong sumabay sa'min. I really cooked your favorite dish." Si mama ulit.
"Ma." Maikling wika ko.
"Hindi handa 'yon. Just a normal breakfast na magkakasama tayo. Ikaw, ang mama mo at ako." Si papa ang nagsalita na tinanguan naman ng mga kasambahay. I sighed.
"I know how you hate celebrations but at least kahit ngayon lang you have to enjoy. You're eighteen, dear." Si mama ulit. Sinulyapan ko si papa. Tumango na naman s'ya sa'kin na tila ba sinasabing pagbigyan ko na si mama. Wala ako nagawa to give in. then we ended up eating the breakfast together.
Nakikita kong hindi mapigilan ng mga kasambahay ang mapangiti. Ito na lang ulit ang oras na magkakasabay kaming kumain ng agahan nina mama at papa. It was always me who doesn't want to eat with them. Palagi akong may rason. Tahimik lang kami habang kumakain. Ayokong magsalita. Wala naman akong sasabihin. Sila mama I'm sure nag-aalinlangan din sila na magbukas ng usapan dahil hindi ko rin naman tutugunin. Mabuti na rin 'yong tahimik kami at least walang kailangang magsinungaling ng tunay na nararamdaman.
"Kahapon—" napahinto ako sa pagsubo ng pagkain nang magsalita si papa, "—you went to see him, right?" sinulyapan ako ni papa. Napakunot ang noo ko. I really hate to talk about Carlo every time na kumakain kami. Ito ang pinakang reason kung bakit aayaw kong sumabay sa kanila. I know naman na alam n'yang bumisita ako kay Carlo.
Tumikhim si mama.
"Okay lang ba ang food, dear?" si mama sa'kin. Nakita ko pang pinanlakihan n'ya ng mata si papa. Tumango lang ako taking for granted the question of my father.
"That's good." Tatango-tango si mama at saka nagpatuloy sa pagkain. Tahimik lang naman si papa. "I'll be attending a medical mission next week sa Bohol. One week din tayong hindi magkikita." Si mama ulit. Hindi naman ako umimik. Kahit naman nandito s'ya madalang ko rin lang s'yang makita. Early s'yang pumunta sa hospital at late nang umuwi, wala ng bago doon.
BINABASA MO ANG
HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANS
FantasyAng Heaven Shelts ay isang mundong hindi pa nararating ng kahit na sinong normal na tao. Ito ay mundo kung saan kapayapaan lamang ang umiinog. 'Yon ay bago pa sumalakay ang mga tao ng Dark Cell. Nagsimula ng mabago ang kasaysayan. Pitung itinakda an...