CHAPTER 1.7 - KAREN

34 1 0
                                    

***KAREN

"Ano po? Eh bakit kailangang ako pa ang mag-deliver nito, nay? May klase pa ako. Mali-late na naman ako nito eh." medyo nagrireklamo na talaga ako habang tinitingnan ang boquet ng bulaklak na nakapatong sa ibabaw ng table at ready na for delivery.

"Kung sinisimulan mo ng i-deliver 'yan hindi ka mali-late. May scooter naman d'yan. Gamitin mo 'yon." Sagot naman ni mama habang inaayos ang ibang panindang bulaklak.

Gusto ko pa sanang magreklamo pero mas pinili ko na lang kunin ang bulaklak at ilagay sa box na nakakabit sa scooter. I can see my friend—Mhildred—smiling nang sinunod ko ang utos ni mama. Nakapagtataka nga dahil ako pa ang pinagdeliver ng bulaklak eh nandun naman si Mhildred. Napailing na lang ako sa isiping 'yon. Ang focus ko ay dapat maideliver ng mabilis ang bulaklak kaya naman binilisan ko ang pagpapatakbo sa scooter. Hindi kalauna'y narating ko na rin ang address ng subdivision.

"Delivery po para kay Mr. Bautista po." Tinimpi ko ang inis at ngumiti habang sinasabi 'yon kasabay ng pagpindot ko sa doorbell. Ilang beses ko ring pinindot ang doorbell kasi nga parang walang nakakarinig. Then nakita kong napakamot sa ulo ang lalaking nagbukas ng pinto saka may kung anong nilingon bago tuluyang ibinaling ang buong atensyon sa'kin.

Gusto kong matawa. Alam n'yo kung bakit? Kasi naka-shade ba naman ang nagbukas ng pinto eh nasa loob ng bahay. Lakas din ng trip eh.

"Talaga? Para sa'kin?" ngingisi-ngisi pang saad ng lalaking nakashade. Tumaas talaga ang sulok ng kanang kilay ko.

"Kayo po ba si Mr. Bautista? Kung kayo po 'yon, malamang sa inyo nga po ito." Pilosopong tugon ko at ginawaran 'yon ng pilit at pekeng ngiti. Wala s'yang magagawa sa trip kong mamilosopo eh.

"Para sa'yo talaga 'yan." Anito. Napakunot ang noo ko. Tama ba ang narinig ko? This guy is telling me na para sa'kin ang flowers na diniliver ko para sa isang nagngangalang Mr. Bautista. I checked the address at tama naman talaga ang napuntahan kong lugar so I looked at that guy again.

"Para sa'kin? PIna-deliver 'to sa'kin sa inyo tapos sasabihin mo para sa'kin? Eh sino ka ba sa palagay mo huh?" Medyo nagtaray na ako. Syempre, tumtakbo kaya ang oras at hinahabol ko naman 'yon.

"Ako si Mr. Bautista. Ako ang umorder n'yan. Remember?" anito saka tinanggal ang shade. "Hindi mo ba ako natatandaan? Peace offering 'yan." Muling wika nito. Pinakatitigan ko naman ang lalaking 'yon na mukhang kaedaran ko rin lang. nanlaki ang mata ko upon realizing the guy in front of me.

"IKAW?!" bulalas koi.

"I know I'm hot. Pero 'wag masyadong pakatitigan baka matunaw ako eh." nakangisi pang saad nito.

I smirked and raised my eyebrow. S'ya lang naman ang lalaking nagpahiya sa'kin sa campus. Gusting-gusto ko na talaga s'yang tirisin nong mga panahong 'yon kaso masyado akong mabait na tao para maniris na lang ng bigla-bigla. Tsaka bukod sa may mga fans club ito sa University eh kailangan ko rin mag-li-low. Aba masyado kayang negative ang pag-ingay ng pangalan ko sa University dahil sa bwiset na lalaking nasa harap ko ngayon.

"Ang kapal naman ng mukha mong magpakita sa'kin matapos ng ginawa mo." Nagtaray na ako.

"Correction, ikaw kaya ang nagpakita sa'kin. Nanahimik ako dito eh." pilosopong tugon nito. "Pero enough for that. Para sa'yo talaga ang flower na 'yan. Peace offering ko nga sa'yo." anito saka nag-puppy eyes pa.

Kung noon hindi n'ya ito nagantihan sa campus dahil maraming mga istariray na girls na nakapalibot dito ngayon freeng free s'ya na gantihan ito dahil sila lang dalawa ngayon. Ito na ang kanyang pagkakataon. May sumilay na pilyang ngiti sa labi n'ya. Inalis n'ya sa pagkakabalot ang bulaklak saka pabalyang iniabot 'yon sa lalaki na tumama naman sa dibdib noon.

HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon