***MARIZ
Sa isang Pharmacy...
"Hindi s'ya umuwi kagabi? Bakit?!" curious na tanong ni Clyde kay Gemma na kasamahan n'yang nagtatrabaho sa pharmacy.
"Oo nga! Ang kulit nito. Kanina pa 'yang tanong na 'yan eh." reklamo naman ni Gemma na nakatingin ang mga mata sa loob ng parmasya. "Spekaing of s'ya. Ayan na s'ya." Dagdag pa nito nang makita ang paparating na naka-bike. Tiningnan naman kaagad ni Clyde ang tinutukoy nito. "Bakit nandito ka?" takang tanong pa nito sa lumapit na babae matapos maiparada ang bike sa gilid.
"Oo nga Riz! Ba't nandito ka? May klase ka ngayon diba?" sangayon naman ni Clyde. Nakangiti namang pumasok sa loob si Mariz saka pinisil ang pisngi ni Clyde.
"Nag-group study kami kagabi at itinuloy lang naman namin kanina. Tapos na kaya dumiretso na ako dito." Tugon ko.
"Ah." Napatango na lang naman ng dahan-dahan si Clyde sa tinuran ko. Nagtaka tuloy ako sa naging reaksyon nito. Bakit parang pakiramdam ko may mali dito. Ewan.
"Buti naman sinabi mo kung asan ka kagabi. Kanina n'ya pa tinatanong eh. paulit-ulit." Sabad ni Gemma bago pinuntahan ang kararating lang na customer.
"Bakit naman?" usisa ko at pumasok na rin sa loob. Sabi ko na nga ba ei 'yong feeling kong may mali sa tingin nito talagang meron eh.
"Hindi ka na nasanay kay Clyde eh sadyang chismoso lang 'yan." Sagot naman ni Gemma at ngumiti sa customer. "Thank you po." Anito doon.
"Hindi naman noh. Dumaan lang si Secretary Jean kahapon at ipinabibigay 'to sa'yo." Bago ni Clyde sa usapan saka may kinuha sa drawer at iniabot sa'kin.
Tiningnan ko ang laman ng envelope at sinulyapan si Gemma na nagkibit balikat lang tanda na wala itong alam tungkol doon.
"Anong oras pa?" seryosong tanong ko kay Clyde.
"Magpo-four ng hapon. Hindi ko sana tatanggapin eh kaso nakiusap s'ya." Depensa kaagad ni Clyde sa tanong ko.
"Bakit hindi mo ako tinext or tinawagan. Alam mo naman ang laman nito!" medyo napataas ang boses ko at saka kinuha ang bag na inilagay ko sa may gilid lang ng drawer. Isinilid ko doon ang envelope at lumabas ng pharmacy.
"Nali-nalimutan ko kasi 'yong phone ko. Nawala na sa isip ko." Narinig ko pang paliwanag ni Clyde. Hindi na ako sumagot at natuon ako sa cell phone noon na tumunog. He answers the call pero tanging oo lang ang narinig kong sagot nito sa kung sinumang tumawag.
"Sorry talaga Riz. Nawala lang talaga sa isip ko." Mulng wika nito saka tiningnan ang suot na relos at bumaling kay Gemma. "Aalis na muna ako." Pagkuway wika nito at saka nagmamadali na ring lumabas ng pharmacy. Hindi naman na nakapag-react pa si Gemma.
"Aalis na rin muna ako. Babalik din ako kaagad." Pagkuway paalam ko kay Gemma. Hindi na rin ito nakapag-react pa dahil lumabas na rin ako ng pharmacy.
Samantalang dumaan muna ako sa nirerentahang apartment upang iwan doon ang bisekleta. Bitbit pa rin ang envelope ay pumara ako ng taxi sa labasan. Mabilis lang naman ang naging biyahe. Nasa loob na ako ngayon ng isang mataas ng building.
Sinusulyapan ko lang naman ang mga empleyadong bumabati sa'kin. Tinungo ko kaagad ang elevator at sakto namang nakita kong papasok na doon ang sinadya ko sa building na ito. Hindi na 'yon sumakay sa elevator nang makita ako at tuluyang lumapit sa'kin.
BINABASA MO ANG
HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANS
FantasyAng Heaven Shelts ay isang mundong hindi pa nararating ng kahit na sinong normal na tao. Ito ay mundo kung saan kapayapaan lamang ang umiinog. 'Yon ay bago pa sumalakay ang mga tao ng Dark Cell. Nagsimula ng mabago ang kasaysayan. Pitung itinakda an...