***RYZA
Nakatingin lang ako sa kawalan habang nakatambay sa veranda. May hinihintay ako pero hanggang ngayon ay wala pa rin s'ya. Nangako s'yang darating s'ya pero mukhang mapapako na naman ang mga pangakong 'yon. Napalingon ako nang maramdaman kong mula sa likuran ay may dumating. Nakita ko si Aristotle at natuon ang mata ko sa dala nitong cake.
"Akala mo hindi ko naalala? Of course not. Malilimutan ko ba namang this is your moms birthday. Happy birthday to your mom." Nakangiting saad nito sa akin. "Blow the candle for her. Mukhang hindi na s'ya darating. So tayo na lang ang mag-celebrate?" Napangiti na lang ako sa kanya.
Kahit na medyo harsh magsalita ito ay napakasweet pa rin nito sa'kin. Hinipan ko na ang kandila.
"Thank you Totle." Maikling sambit ko saka saglit s'yang niyakap habang itinaas n'ya naman ang cake upang hindi ko madagil dahil sa ginawa kong pagyakap.
"No need to say that. Ang mabuti pa 'wag kang magmukmok d'yan. Halika at bumili ako ng pagkain. Kakain tayo at magpapakabusog. I'm sure 'yon din ang gusto ni Tita." Anito nang kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Bumaba na kami at tumungo sa kitchen area, then I saw that familiar face there na nakangiti sa'kin. Napatingin ako kay Aristotle maging 'yon ay napatingin rin sa akin.
"Mom?" halos hindi ako makapaniwala. Hindi ko namalayang dumating si Aristotle pati ba naman si Mama.
"What's with that face of yours?" puna ni mama nang makita ang luha sa pisngi ko.
"Napuwing po." Pagsisinungaling ko.
"When I said I'll come, I mean that. Don't tell me inisip mong hindi talaga ako darating?" lumapit sa akin ang adopted mother ko at saka inayos ang suot kong pambaha. "Kahit nasa bahay ka lang you should be presentable." Paalala nito sa akin na marahan kong tinanguan.
Akala ko pa naman ikikiss n'ya ako or iha-hug n'ya, hindi pala. Pero hindi na 'yon mahalaga. Ang mahalaga ay naririto na s'ya at kasama ako.
"Kainan na." singit ni Aristotle sa kanila at dumulog na sila sa hapagkainan.
"So kumusta ang pag-take ng law? Wala ka bang mga failed subjects? I haven't seen your report card." Basag ni mama sa katahimikan habang kumakain na kami. Nagkatinginan kami ni Aristotle upon hearing that. Hindi ko alam ang isasagot. Hindi pa alam ni mama na hindi na law ang kinuha ko kundi nursing. I'm sure magagalit ito pag nalaman 'yon.
"Naku tita, don't worry about Ryza, she's good." Si Aristotle sinalo na naman n'ya ako.
"Dapat lang Artistotle. May naghihintay na kaagad sa kanyang trabaho after n'yang makapasa sa bar exam." Saad pa ng mama n'ya. Napatingin na lang ako kay Aristotle na halata kong natigilan din pero mabilis din 'yong nakabawi.
"Ako ba tita? May naghihintay ba sa'kin?" biro pa nito kay mama.
"Ang sabi ko naman sa'yo Aristotle na dapat law na rin lang ang kinuha mo. Anong gagawin mo kapag nakapasa ka sa exam? Pupunta sa ibang bansa at doon magsisilbi? Hindi naman ako against sa kurso mong nursing ang sa'kin lang eh—" halos mabulunan ako sa pagkain nang marinig 'yon. Napatingin tuloy sa'kin si mama at nahinto sa pagsasalita.
"Naku ano ba namang klase ang topic nating 'to tita. We should have a light conversation. After all this is your birthday." Si Aristotle ulit ang humirit. Naramdaman n'ya sigurong hindi ako komportable sa topic.
Tumango-tango naman si mama. Ipinagpatuloy na namin ang pagkain and at the end of our dinner nagpaalam na rin kaagad si mama. So sumaglit lang pala s'ya just to fulfill her promise. Gusto ko s'yang pigilan 'yon pero pero alam ko namang 'di na eepekto 'yon so hinayaan ko na lang s'yang umalis.
"I need to see your report card at the end of the semester." Paalala sa'kin ni mama bago tuluyang sumakay sa kotse. Hindi na ako umimik sa halip ay tumango na lang ako. "Aalis na ako. Mag-iingat ka." Tumango lang ulit ako at bumaling si mama kay Aristotle. "Ikaw Aristotle 'yong bilin ko sa'yo huh. I-report mo sa'kin kapag may umaali-aligid d'yan kay Ryza. Walang distruction dapat. Okay?"
"Okay tita." Mabilis namang tugon ni Aristotle at sakainihatid na lang namin ang tingin ang paalis na sasakyan ni mama. Bagsak angbalikat namin ni Aristotle nang pumasok sa loob ng bahay.ic"}{)U
----=-==============-=---------
salamat sa iyong pagbabasa... nawa ay nagugustuhan mo nga ang takbo ng istorya.. haha
hindi pa nga pala masyadong tumatakbo.. naka-park pa lang.. basta.. salamat...
BINABASA MO ANG
HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANS
FantasyAng Heaven Shelts ay isang mundong hindi pa nararating ng kahit na sinong normal na tao. Ito ay mundo kung saan kapayapaan lamang ang umiinog. 'Yon ay bago pa sumalakay ang mga tao ng Dark Cell. Nagsimula ng mabago ang kasaysayan. Pitung itinakda an...