AN: SORRRRRRRRRRRRRRRRRY PO SA SOBRANG BAGAL NG UPDATE.. HIHIHI...
-----------------------=============----------------------
CH 5.5 – BLACKMAIL
***KEYCHIEL
Nakatitig lang ako sa wall clock sa room. Past eight na pero andito pa rin ako sa bahay. Wala akong balak umalis at pumunta sa bar na 'yon para lang makita ang pagmumukha ng Zach na 'yon. Just thinking of his face makes my rage at it's fullest.
"Lilinawin ko na kapag hindi ka dumating you'll regret it." I suddenly remember his line.
"Ryza will also be there. Kapag hindi ka umattend then she might be the one paying for your absence." He whispered that time and for a while I was like shocked.
Kilala ko si Zach. He's too rude just like his friends. Well they are all rude and a perfect model of a bad students. Kapag sinabi n'ya nagkakatotoo but I guess Ryza could handle whatever it is that they'll do to her. Pero bakit ba nag-aalala ako para sa kanya. It was like the first time na nag-alala ako to such an ordinary student.
Narinig kong nagring ang phone ko. Well kanina pa naman 'yong nagriring hindi ko lang talaga sinasagot. What if tumatawag lang ang Zach na 'yon eh dim as nasira pa ang gabi ko, diba? Kinuha ko 'yon at balak ko sanang i-off pero tila bay may nagtulak sa'kin na sagutin 'yon.
"By the way, familiar ka ba sa boses na 'to?" 'Yon ang narinig ko sa kabilang linya and definitely pamilyar ako sa boses na 'yon na sumisigaw. Tila ba pinagkakaguluhan na hindi ko mainintindihan. "Your presence is highly required kung ayaw mong may mapahamak, Keychiel." Tuluyan ng naputol ang linya pagkatapos noon.
Hindi ko maikakailang si Zach ang may-ari ng boses na 'yon. He's threatening me and at the same time making me feel responsible sa kung anumang pwedeng mangyari. Gusto ko sanang ipagwalang bahala na lang 'yon pero tutol ang isip at puso ko. Bakit ba concern ako sa Ryza na 'yon gayong hindi naman kami magkaibigan.
"Fool." Mahinang sambit ko at saka nag-ayos na ko ng sarili. Simpleng pants and t-shirt lang ang sinuot ko. I want to show him na hindi ako interesado at hindi ko gusto ang party na 'yon.
Nasa labas pa lang ako ng bar ay rinig ko na ang napakalakas na tugtog at ang mga sigawan ng mge naroroon. Nagpahatid talaga ako kay Mang Erning and I told him to pick me up after fifteen minutes. Hindi naman kasi ako magtatagal sa lugar na 'to kung saan alam kong makakasama ko ang mga taong hindi ko naman gusto.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Zach na nakasandal sa may entrance ng bar. Nakatingala s'ya sa kalawakan habang humihithit ng sigarilyo. Kung nabubuhay pa lang si Carlo ngayon, I'm sure hindi s'ya katulad ng lalaking 'to na bukod sa sakit sa ulo ay maraming bisyo. Tila ba napansin n'ya naman ang prisensya ko nang tingnan n'ya ako. Itinapon n'ya ang sigarilyong hinihithit n'ya kanina at tinapakan 'yon.
"Finally. You're here." Malamlam ang mga mata n'ya ng tingnan n'ya ako. Taz nagsimula na s'ya lumapit sa'kin. Ngunit hindi si Zach ang nakikita ko kundi si Carlo. Para itong slow motion. Oo. Magkamukhang-magkamukha nga sila dahil kambal sila pero sa mga oras na ito, si Carlo lang ang nakikita ko. This is definitely wrong!
"She'll be safe since dumating ka na." aniya na muling nagpabalik sa'kin sa katinuan. It's a gross thought na si Carlo ang makikita ko sa pagkatao ng Zach na 'to. May i-dinayal s'ya sa phone n'ya. "She's here." Maikling sambit n'ya habang nakatingin sa'kin at ibinaba na rin naman 'yon kaagad.
"I won't go to that bar so kung pwede lang sana palabasin n'yo na si Ryza d'yan." Seryoso at makapangyarihang utos ko.
"Not so easy, Keychiel. Tandaan mo ikaw ang may kailangan ngayon sa'kin. You have to make sure that friend of yours is safe or—"
BINABASA MO ANG
HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANS
FantasyAng Heaven Shelts ay isang mundong hindi pa nararating ng kahit na sinong normal na tao. Ito ay mundo kung saan kapayapaan lamang ang umiinog. 'Yon ay bago pa sumalakay ang mga tao ng Dark Cell. Nagsimula ng mabago ang kasaysayan. Pitung itinakda an...