CH 13 #TALKED BACK

20 1 0
                                    

AN: Feel free to cast a vote and leave a comment as well.. thank you...


----------------------================-------------------------


CH 13 – TALKED BACK

***KEYCHIEL

Isang linggo na rin ang nakakalipas nang i-crimate ang mga labi ni mama. I was there with papa. They did not see me cry. They did not even see me weeping. Tapos na ako sa stage na 'yon. Andito nga ako sa school acting as if nothing really happened. Well. I'm back to being normal. Walang bakas ng luha, pagluluksa at kalungkutan. Wala na akong iiyak pa so why will I cry? Wala ng luhang lalabas pa sa'kin dahil naubos na nong gabing 'yon na ibalita sa'kin ni papa that mama's already gone. I cried a lot. Kulang na lang dugo ang iluha ko. Mag-isa lang ako kaya paano nila malalaman 'yon. Wala rin akong paki kung ano pang isipin nila. It was not like I'm going to die kung isipin nila na sobrang sama ko talaga.

Andito ako ngayon sa labas ng opisina ng New Youth Charity & Volunteer Students Organization. I'm the organization's Vice President while Andrea Alarcon is it's President.

Ang member ng NYCVSO ay mga estudyanteng every weekend na walang pasok ay gumagawa ng paraan upang maturuan 'yong mga batang hindi makapag-aral. 'Yong mga members nito I guess sila lang 'yong hindi nag-iisip na isa akong monster. Well, I guess some of them. Then our organization also tend to ask for volunteers na willing lang naman. Hindi lang kasi pagtuturo sa mga out of school students ang ginagawa namin. Lahat ng klaseng tulong na pwede naming ibigay, for example clothing, foods and medicines, we shared it to them. Major donor ang bestfriend kong si Clyde.

"Ms. De Castro, are you really sure na okay ka na? We are just—"

"Hindi naman topic 'yong kung okay ako o hindi eh. This is what I wanted and I don't think magkakaroon tayo ng problema." I cut Andrea off at saka tiningnan ang nakasarang pintuan ng office.

"I heard we have new members. Hindi ko na na-check pa 'yong mga names nila since you knew what just happened." I said. Napansin kong tila ba nag-alangan pa s'ya nong marinig 'yong huling limang salita na binitiwan ko. She nodded after a sigh.

"They're inside." Anito at tiningnan ang nakasarang pintuan ng office. I took a deep breath habang s'ya pinihit na ang doorknob ng pintuan.

Pagkabukas ng pintuan narinig ko na ang kanya-kanyang kwentuhan ng mga estudyanteng naroroon. Napakunot ang noo ko nong makita ko ang isang pamilyar na mukha—si Ryza. Why is she here? Andrea cleared her throat that caught their attention. Natahimik sila kung saan ang iba ay tila ba hindi inasahan ang prisensya ko.

Tumingin ako ng diretso at saka tumuloy kami ni Andrea sa pinakang office n'ya. Yes. She has her own office inside this organization's office.

"Their names you have it right?" saad ko agad kay Andrea nang makapasok kami doon.

"Yes. Wait." Aniya at saka tinungo ang drawer n'ya habang ako naman ay naupo sa bakanteng upuan sa harap ng mesa n'ya. iniabot n'ya sa'kin ang isang folder. Pinasadahan ko ng tingin ang laman noon.

"Are you sure na seryoso ang mga 'to?" inilapag ko sa mesa n'ya ang folder matapos kong mabasa. Tumango naman si Andrea bilang tugon sa tanong ko. "Andrea, hindi sa jina-judge ko sila since I don't know them personally pero itong si Ms. Madrigal—" I paused for a while, "You know her record, I mean—" huminto akong saglit, "—nakausap mo ba sila personally?"

HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon