AN: Seryoso ako sa pagpopost at update dito.. hihihi.. nagustuhan n'yo ba? leave a comment and cast a vote.. thank you..
--------------================-------------------
CH 14 – I'M SERIOUS
***JAM
Ngayon lang ako nakaranas na may isang taong nagsabi nong mga maling bagay na ginagawa ko. Nasaktan ako s'yempre. Tinamaan ako at 'di ako nakailag. Totoo naman lahat ng sinabi n'ya. Easy go lucky ako at marami akong kapintasan kaya heto't nagluluksa ang puso ko. Masakit talaga ang katotohanan.
"Jam, kanina ka pa walang imik d'yan." Narinig kong wika ni Angel. Andito kami ngayon sa park ng University. Para akong nalugi ng sampung beses.
"Hindi ko na sana kayo pinilit na mag-volunteer doon." Narinig kong sambit ni Karen. "Kung gusto n'yong umayaw na irerespeto ko naman 'yon." dugtong pa nito.
"Hindi sa aayaw kami Karen." Saad naman ni Lyken tapos huminga ng malalim.
"Lyken. Tutuloy pa ba talaga tayo? Look at what happened there. Knowings mo naman 'tong si Jam." Si angel muli.
"Excuse me." Napatingin kami doon sa nagsalita—si Ryza. "Hindi n'ya naman siguro intension na i-judge ka or something." Anito sa'kin. Tagapagtanggol ni Keychiel? Samantalang pinahiya din s'ya noon.
"Pero sabi kasi ni Andrea sobrang halaga ng NYCVS kay Keychiel. Ayaw n'ya ng hindi seryoso pagdating dito." Muli ay sambit nito.
"So ang sinasabi mo hindi ako seryoso dito?" I asked.
"Hindi. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Mabilis n'yang tanggi. "Maybe Keychiel is thinking you're not serious with it. Kumbaga she might be thinking na baka para sa'yo laro lang 'to since you're known to be an easy go lucky."
Saglit akong natigilan. Nag-volunteer lang naman kasi ako dahil inakit ako ni Karen plus gusto rin nina Lyken at Angel. Bigla akong napaisip. Seryos nga ba talaga ako dito o baka tama si Keychiel na trip ko lang 'to dahil gusto ng mga kaibigan ko.
"Jam. Humirit ka pa ng below the belt kanina kaya lumala ang usapan n'yo." Saad ni Lyken. Hindi ko naman talaga gustong isama 'yong tungkol sa deceased mother n'ya pero bigla na lang lumabas sa bibig ko 'yon eh.
"Hindi sa ipinagtatanggol ko si Keychiel. Pero weird man para sa inyo itong pakinggan. Keychiel isn't that cold heartless monster. Oo siguro arrogant s'ya sometimes pero hindi s'ya heartless." Sambit pa ni Ryza. Nakaramdam naman ako ng guilt. Medyo masakit nga pala 'yong sinabi ko. Natahimik akong saglit.
"Ryza, diba?" sa halip ay sambit ko na tinanguan n'ya. Napansin kong saglit s'yang nag-alangan.
"Jam Madrigal." Sa halip ay sambit ko na dahilan para tingnan ako nina Karen. "Kilala mo na siguro ako since may bad image ako dito sa HRU but I'm pleased to formally meet you." Inilahad ko ang palad ko na tiningnan n'ya saglit bago tinanggap at i-shake.
"This is Angel, Lyken and Karen." Pagkuway sambit ko at isa-isang itinuro 'yong tatlo. "I might have the so called bad image in this University but Angel and Lyken would testify I aint that bad."
Napansin ko ang ang pagtataka sa mukha nina Lyken.
"I overreacted kanina. Siguro dahil nasagi 'yong pride ko. At siguro dahil first time na may pumuna sa mga ginagawa ko ng seryoso." Saad ko at saka tumingala sa medyo nagdidilim ng kalawakan. "Maybe dahil in the first place hindi naman talaga ako seryoso sa pagsali ko."
BINABASA MO ANG
HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANS
FantasyAng Heaven Shelts ay isang mundong hindi pa nararating ng kahit na sinong normal na tao. Ito ay mundo kung saan kapayapaan lamang ang umiinog. 'Yon ay bago pa sumalakay ang mga tao ng Dark Cell. Nagsimula ng mabago ang kasaysayan. Pitung itinakda an...