NARRATION:
***KEYCHIEL
Hindi maintindihan ni Keychiel kung bakit tila ba pinagtitinginan s'ya ng ilan sa mga HRU students kanina. Pero katulad ng dati deadma na lang s'ya sa mga titig ng mga 'yon. Umagap talaga s'ya dahil gusto n'yang makausap si Mariz ng personal at sarilininan.
Nagising s'ya kanina sa isang pribadong silid sa ospital na pagmamay-ari nila. Bagay na ipinagtaka n'ya. Nong tanungin n'ya ang nurse na nag-aasikaso sa kanya sinagot naman s'ya nitong nawalan nga s'ya ng malay. Pero isa pa 'yon sa ipinagtataka n'ya. hindi n'ya matandaang nawalan s'ya ng malay kahapon. Hindi n'ya rin maalala kung ano nga bang nangyari sa kanya kahapon. Hinanap n'ya sa mga ito ang papa n'ya nang malamang ito ang nagdala sa kanya doon pero may nilakad daw itong importante.
Isa pang ipinagtataka n'ya ay ang repleksyon ng kamay n'ya kanina. Nakita n'yang nagliliyab 'yon ngunit saglit lang naman 'yon.
Pinili n'yang magtambay dito sa may pinakang park ng University kung saan malimit tumambay si Mariz. She's really hoping na makita n'ya 'yon dito ngayon. Hawak n'ya ang libro at nakatitig lang dito. Wala sa binabasa ang atensyon n'ya bagkus ay nasa nangyari kanina. Dalawang beses n'yang nakitang nagliyab ang mga kamay n'ya pero wala s'yang naramdamang kahit na ano mula doon. Confused s'ya at the same time worried.
Saglit n'yang ipinikit ang mga mata. Kailangan n'yang maalala kung ano bang nangyari kagabi dahil pakiwari n'ya ay may koneksyon 'yon sa nangyayari sa kanya ngayon.
"Come on think! Think! Think!" mahinang utos n'ya sa sarili pero bigo pa rin s'yang may maalala. "What exactly happened huh? Tell me." Piping utos n'ya sa sarili.
"Hey!" napapitlag s'ya nang marinig ang pamilyar na boses na ayaw n'yang marinig ng ganito kaagap. "Okay ka na ba?" alam n'yang papalapit sa kanya ang may-ari ng boses na 'yon. Hindi nga s'ya nagkamali dahil tinabihan pa s'ya nito sa bench na kinauupuan n'ya. Tatayo sana s'ya pero pinigilan s'ya nito sa pamamagitan ng paghawak sa kanang kamay n'ya.
Sinulyapan n'ya ito dahilan upang magtama ang mga mata nila. Weird. Pero pakiramdam n'ya may kung anong bagay s'yang naalala. Something na malabo pa pero dahan-dahang lumilinaw. Fire. 'Yon ang naalala n'ya. Pero anong connect ng fire na 'yon.
"I won't bite you." Saka n'ya lang na-realize na nakahawak pa pala sa kamay n'ya si Zach na tinabig n'ya kaagad. Ewan pero kung kanina gusto n'yang umalis ngayon naman ay heto nakaupo s'ya sa tabi nito. "What happened to you yesterday?" usisa nito sa kanya.
Ano bang isasagot n'ya dito gayong kahit s'ya na mismo eh hindi maalala kung ano nga bang nangyari. Damn! Pakiramdam n'ya tuloy isang napakalaking bagay ang nalimutan n'ya.
"Yesterday, sumigaw ka na para bang you're in total pain. May masakit ba sa'yo?" why does he sound so concern? Anong meron?
Huminga lang s'ya ng malalim. What's the use of answering this guy? At bakit natatagalan ko ang prisensya nito ngayon?
"Sobrang nag-alala ang papa mo sa'yo kahapon. Ano ba talagang nangyari?" muli ay sambit nito sa kanya.
Mas pinili n'yang manahimik. Wala s'yang balak magsalita o sumagot.
"Keychiel. Tell me. I know hindi ka komportable pero—"
"Alam mo naman palang hindi ako komportable eh. So will you just shut up?" sa halip ay sambit n'ya at sinulyapan n'ya pa ito. Basta bugso lang ng damdamin kaya n'ya nasabi 'yon. Wala naman talaga s'yang balak na magsalita sana eh. Pero sobrang naririndi lang talaga s'ya.
"I know. I'm sorry."
"Why do you always say sorry? Kahit ano namang sorry wala ng mangyayari eh." That was one hell of a hugot. Hindi n'ya maintindihan ang sarili. May pinanggagalingan talaga ang binitiwan n'yang mga salita.
"Keychiel, look—"
"Shut up!" aniya. Hindi na n'ya natiis pa na hindi magsalita. "Sa tuwing nakikita kita naalala ko 'yong mga bagay na hindi ko dapat maalala. Sa tuwing naririnig ko 'yong mga boses mo naririnig ko 'yong mga bagay na hindi ko dapat naririnig. Bakit kailangang ikaw pa 'yong nandito ngayon?" okay! Hindi na tungkol sa nangyari kahapon 'yong pinanggagalingan n'ya. It was more than that. Napansin n'ya ang lungkot na bumalot sa mga mata ni Zach.
"Was it all about Carlo?"
"Damn! Stop mentioning his name! You don't have the right to! You killed him, right?" sobrang tagal na n'yang gustong sabihin ang mga katagang 'yon sa mukha ng lalaking 'to at ngayon lang n'ya nagawa. Pakiramdam n'ya nahugutan s'ya ng isang malaking tinik sa lalamunan ng masabi n'ya ang mga katagang 'yon.
Hindi n'ya inasahan ang ginawa nitong paghawak sa mga kamay n'ya. Then sa mismong oras ng pagdampi ng kamay nito sa mga kamay n'ya ay natigilan s'ya. Para bang may time machine na biglang bumalot sa kanya at dahan-dahang gumuhit sa isipan n'ya ang mga bagay na hindi n'ya inasahan.
Unang nag-flash sa isip n'ya ang isang aksidente sa Cagayan De Oro kung saan isang lawyer ang kasama sa mga biktima. Nakilala n'ya ang mukha ng lawyer, it was Ryza's step mom. Then nakita n'ya ang isang bus na sumalpok naman sa isang malaking puno patungo sa Batangas. One of the victim's name is Mrs. Gonzales. Hindi n'ya pa nakikita ang mama ni Karen pero malinaw na idinidikta ng isip n'yang mama nga 'yon ni Karen.
Nakita n'ya rin ang pinakang parokya ng simbahan ng San Rafael kung saan inatake sa puso ang pinakang pari ng nasabing parokya. Hindi n'ya kilala 'yon pero muling idinidikta ng isip n'yang konektado ang paring 'yon kay Lyken. Then an incident kung saan nakita n'ya ang mukha ng papa ni Angel na pinukpok ng isang lalaki kasabay ng paghablot nito sa bag na dala noon. Seriously, hindi n'ya pa nakikita ang papa ni Angel pero tanging isip n'ya ang nagdidiktang papa nga 'yon noon.
Nakita n'ya rin ang isang hindi pamilyar na lugar na sa pakiwari n'ya ay sa Paris pa. Isang nagngangalang Maica Lee ang isinugod sa hospital dahil sa nawalan na lang ito ng malay habang nagta-trabaho sa isang malaking fashion company doon. Bukod doon ay nakita n'ya rin ang mama ni Jam sa isang hotel na may kasamang ibang lalaki bukod sa papa nito.
"Keychiel!?" untag ni Zach sa kanya na nagpabalik sa atensyon n'ya. Mabilis n'yang kinuha ang kamay n'yang hawak nito.
Weird. 'Yon ang pakiramdam n'ya. bakit n'ya nakikilala ang mga taong hindi n'ya pa naman personal na nakikita? Anong meron? Anong koneksyon noon? Nangyari ba talaga ang mga 'yon?
"You have all the right to blame me. Pero katulad mo. Kahit ako hiniling ko na sana ako na lang ang nawala. Baka sakaling kung nangyari 'yon walang taong malungkot ngayon."
Napatingin tuloy s'ya kay Zach na nakatingin sa kanya. Naalala n'ya na naman ang insidenteng 'yon mula sa nakaraan.
Isang sunog. Isang napakalaking sunog. Carlo saved her and Zach did saved her too. Pero bakit pakiramdam n'ya may mga bagay pa rin s'yang hindi maalala sa mga pangyayaring 'yon? Pakiramdam n'ya may importanteng bagay s'yang nalimutan. Ang sabi ng doctor, dahil daw sa trauma kaya hindi malinaw sa isip n'ya kung ano nga ba talagang nangyari nong araw na naaksidente silang tatlo—si Carlo, si Zach at s'ya. Maging si Zach din ay hindi maalala kung anong eksaktong nangyari sa kanila. Pero may bahagi ng isip at puso n'yang nagtutulak na si Zach ang may kasalanan ng lahat. Si Zach ang dahilan ng pagkamatay ni Carlo at 'yon ang ibinubulong ng kanyang isipan at konsensya.
"Key—"
"Don't force me to blame you again. Please, just leave me alone." She said without even looking at Zach's face.
"I really did wish it was me instead of him. Believe I really did wish the same thing." 'yon na ang huling narinig n'ya na sinabi nito at naramdaman na n'yang iniwan na nga s'ya nito.
From that moment may bigla na namang mga pangyayaring hinabi ang utak n'ya. Nakita ng isipan n'ya ang mga nakahigang katawan nina Jam, Lyken, Angel, Karen, Mariz at Ryza. Lahat ng katawan ng mga 'yon ay nagliliwanag. Then isang malabong imahe rin ang nakita n'ya. Imahe ng isang babae at matandang lalaki. Sinubukan n'yang ipikit ng mariin ang mga mata ngunit kusa tila ba may sariling mga utak ang mga pangyayaring 'yon at dahan-dahan ding nawalan.
"Weird. What is really happening?" tanging sambit n'ya sa kawalan.
BINABASA MO ANG
HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANS
FantasyAng Heaven Shelts ay isang mundong hindi pa nararating ng kahit na sinong normal na tao. Ito ay mundo kung saan kapayapaan lamang ang umiinog. 'Yon ay bago pa sumalakay ang mga tao ng Dark Cell. Nagsimula ng mabago ang kasaysayan. Pitung itinakda an...