5 YEARS LATER..
Eisha's POV
"So this is it. Tapos na ang pagpupulong." Naginat ako ng kamay ko palabas sa meeting hall.
Limang taon na ang lumipas. Matanda narin ang aking Ama, kaya naman kailangan na ako na ang gumawa ng ibang tungkulin niya.
Marami ang nangyari bago nagging payapa ang lahat.
Nagkaayos kaming lahat, shempre kasama si Xellos. Pero naghiwa-hiwalay din. Si Bria at Tayler ay bumalik sa kanilang bayan. Si Zakary naman ay umuwi ng Oragon, ang sabi niya, may kailangan daw siyang gawin doon. At si Xellos naman ay kasama ko parin dito.
Naging masaya naman ang aming pagsasama.
Pero mas masaya parin kung complete kami.
Kung sabagy, hindi na nila ako kailangan na bantayan tulad ng dati. We are all grown ups now. And kampante naman ako na kayang kaya ko na ipagtanggol ang sarili ko.
"Ang lalim ng iniisip natin ah." Nakangiting sinalubong ako ni Xellos sa hallway.
"Namimiss ko lang sila."
"Sa tingin mo, kalian kaya sila babalik?" tanong ko.
"Sila nga ba? O siya?" Naka smirk na tanong niya.
Babatukan ko na sana pero hinawakan naman niya ang kamay ko.
"Tigilan mo nga ako."
Tiningnan ko nalang siya ng masama at nilampasan. Dirediretso akong naglalakad nang maramdaman ko ang pagsunod niya saakin.
"Sorry na. Ikaw talaga napaka matampuhin." Naka ngiting sabi niya.
Hindi ko parin siya kinausap hanggang sa maka labas kami sa palasyo.
Naglalakad ako sa hardin papunta sa puno na palagi naming inuupuan ng harangan niya ako.
"Ano nanaman?" Tanong ko.
Mula sa likod niya, nilabas niya ang hawak hawak na bulaklak.
Binatukan ko uli at sa pagkakataong ito ay hindi na niya nasanga pa.
"Aray naman. Ikaw na nga itong binibigyan ng bulaklak mananakit kapa." Xellos. Sabay hinihimas ang ulo.
"Sino ba naman kasi ang nagsabing mag bigay ka ng bulaklak. Tapos jan mo lang sa tabi kinuha. Hay naku, Xellos talaga." Natatawang sabi ko.
Ngumiti narin siya.
"Kumusta?" Isang boses ang narinig naming mula sa aming likuran.
And it was very familiar.
Sabay kaming tumingin ni Xellos sa aming likuran. Siya nga.
Naka ngiti siya sa amin. Hindi parin siya nagbabago maliban sa pangangatawan. He looks very matured. At lalong gumwapo.
Nagulat siya sa ginawa kong pagyakap sakanya. Sobrang na miss ko talaga siya.
And he hug me back.
"Ikaw ang kumusta, grabe ang tagal na nating hindi nag kita. Ang tagal niyo naman kasi dumalaw dito. Hindi mob a kasama sina Tayler at Bria?" Excited na tanong ko.
"Sobrang busy kasi. Ah sila ba, parating na ang mga iyon."
"Ehmm. Nandito kaya ako." Xellos cleared his troat loud at nag cross arms pa ang loko.
"Ay, sorry naistobo ko tuloy kayo." Naka ngiting sabi ni Zakary kay Xellos.
"Oo nga-." Kinurot ko siya sa tagiliran para hindi na sumagot pa.
"Hindi, ano ka ba okey lang." Singit ko kay Xellos.
Tumigin siya ng masama sa akin dahil sa ginawa ko.
Nang muli kong tingnan si Zakary ay naka tingin siya sa hawak ko. At sumeryoso ang mukha.
"Aalis muna ako. Babalik nalang ako mamaya pag dumating na iyong dalawa." Tumalikod siya at hindi manlang hinintay ang sasabihin namin. Dirediretso lang siyang naglakad hangang makalabas ng gate.
"Anong nangyari doon?" Nagtatakang tanong ni Xellos.
Pinaghahampas ko sakanya ang bulaklak na binigay niya. Tama kaya ang naramdaman ko, nag seselos kaya siya?
Zakary's POV
Wala na yatang silbi kung mananatili pa ako dito. Sa tingin ko kaialngan ko ng bumalik sa Oragon. Tahimik akong naglalakad ng maka salubong ko si Bria at Tayler.
"Zak!" Sigaw nilang dalawa at lumapit saakin.
"Nandito na pala kayo."
"Tara na." Yaya ni Tayler.
"Saan?" Tanong ko.
"Edi sa palasyo. Ano k aba naman Zak. Alam naming namimiss mo na siya. Ito na iyon oh. Pupunta na tayo." Paliwanag ni Tayler.
"Huli na ako." Walang emosyong sabi ko.
Pagdating ko kanina, nakita kong binigyan ni Xellos si Eisha ng bulaklak at mukang masaya na sila. Bakit pa ba ako sisingit kung nagmamahalan na sila.
"Uy." Tawag saakin ni Tayler.
"Ha? Ano uli iyon?" Tanong ko.
"Ang lalim naman kasi ng iniisip mo." Tayler.
"Tara na. Ako ang bahala." Seryosong sabi ni Bria.
Wala akong nagawa dahil pinag hihila ako ni Tayler. Kaya naman sumunod nalang ako.
Nagkitakita kaming lima sa Hardin kung saaan madalas naming tambayan at kung saan ko nakita si Eisha at Xellos na masaya.
Tahimik lang akong nakasandal sa puno habang nag kukumustahan sila. Sinulyapan ko si Eisha, malaki narin ang pinagbago niya. Sana maging masaya na sila.
"Heto masaya na kaming nagsasama." Masayang sagot ni Xellos kay Bria.
"Talaga? Naku kami ni Bria palagi nalang kami nag aayaw." Tayler frown.
"Hindi ba kayo magpapakasal?" Tanong ni Tayler.
Nakita kong binatukan siya ni Eisha.
"Hindi!" Sigaw ni Eisha.
"Akala ko ba masaya na kayong nagsasama?" Nalilitong tanong niya.
"Oo nga masaya kaming nagsasama bilang kaibigan." Eisha frown.
Nagulat ako sa sinabi niya. Totoo kaya.
Nakita ko na tumigin sa akin si Bria, Tayler at Xellos na naka smirk pa.
"Anong tinitingnan niyo?" Nagtatakang tanong ni Eisha bago tumigin sa direksyon ko.
Nakaramdam na ako ng kaba.
"Nanjan ka pala." Nakangiting sabi ni Eisha at lumapit saakin.
"Hindi ka manlang sumama saamin makipag kwentuhan. Hindi ka nalang sana bumalik. Parang di mo kami na miss ah." Nagtatampong sabi niya.
"Bumalik ako para sayo." Seryosong sabi ko.
"Ha?"
"Sabi ko bumalik ako para makita ka." At niyakap ko siya.
Naramdaman ko na niyakap niya rin ako.
"Sobrang na miss din kita."
T H E E N D
**
The story trailer is posted in this chapter. You can also watch on Youtube by searching Protecting the Summoner by summer_aurora. PLEASE DON'T FORGET TO SUBSCRIBE! Thank you!
Thank you sa lahat ng readers. Check my other Story which is HALFWORLDS, ongoing fantasy. May story trailer nadin posted sa Chapter 2 ng story. If you have time please read and watch . Than you!
Thank you and God Bless!
Written by : summer_aurora
All Rights Reserved 2015
BINABASA MO ANG
Protecting the Summoner
FantasyShe doesn't know that some of her memories were gone. At ang dahilan ng pagkawala ng ibang ala-ala niya ay dahil sa taong nagging parte ng kanyang nakaraan.Ginawa nila ito para sakanya. Para hindi siya masaktan. Pero isang araw, nagkita sila. At sa...