Chapter 23: The Past

1.3K 33 1
                                    

Xellos's POV

 

"Kelan mo ba gagawin ang trabaho mo?! Matagal ko ng pinapagawa ang bagay na ito sayo pero hanggang ngayon, hindi mo parin nagagawa! Kung hindi ka kikilos, mapipilitan akong ipagawa sa iba ang trabahong ito!" sigaw ng hari.

"Pasensya na po kayo Mahal na hari." Nakayukong sagot niya.

"Binabalaan kita. Sa oras na hindi mo nagawa ang trabaho mo pag dating ng takdang araw, alam mo na ang mangyayari." Sigaw niya at iniwan ako at nag tungo sa kanyang kwarto.

Kagagaling ko lang sa gubat malapit sa kaharian nila upang mag masid, pero wala akong nakitang kahit ano. Tahimik ang buong paligid ng palasyo. Kaya inisip ko na bumalik ulit dito sa aming kaharian, dito sa Colfer.

At heto. Sinabihan nanaman ako ng Hari.

"Xellos, anong nangyari?" tanong sa akin ni Edward.

Isa sa mga pinagkakatiwalaan ng Hari. Pero iba siya kumpara sa ugali ng Hari at mga tauhan dito sa Colfer. Masasabi kong siya na ang pinaka mabait na nakilala ko dito simula nung dumito ako.

Ilang taon narin ang nakakaraan ng iwanan ko siya at sumama dito.  Hindi ko alam ang eksaktong detalye ng nangyari pagkatapos ng labanan. Ang aam ko lang nasaktan ko sila, lalo na siya.

Pero ng muli kaming nag kita sa Hardin ng palasyo ay masasabi kong siya parin ang Eisha, siya parin ang princesang nakilala at minahal ko. Sa pangalawang pag kikita naman namin sa gubat ay nasaktan ako sa nakita ko.

Umiiyak siya sa mga sandaling iyon, kaya hindi ko napigilan ang sarili kung tulungan siya. Doon ko na compirma na wala talaga siyang na aalala sa nakaraan. Nalungkot ako pero sa tingin ko, para sa ikabubuti din niya ang ginawa nila para sa kanya.

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang may magsalita sa harapan ko.

Nandito nga pala si Edward. Nakalimutan ko.

"Xellos?" tanong niya.

"Ikaw pala Edward." Nakangiting bati ko.

"Kanina pa kaya ako dito." Sabay kamot sa ulo niya

"Pasensya na." sagot ko

"Ano nga palang nangyari?" Seryosong tanong niya.

"Ayun, nagalit nanaman ang Hari. Wala nang bago dun." Huminga ako ng malalim tsaka lumapit sa bintana na naka bukas malapit sa kina tatayuan ni Edward.

"Hindi mo nanaman ba nagawa? "

"Hindi ko kaya." Malungkot na sagot ko.

Sa tuwing nakikita ko si Eisha mula sa malayo ay nasasaktan ako. Lalo na at hindi niya ako ma alala. Alam ko na ito ang pinili ko. Para sa kanya. Ayoko na masaktan siya. Pero ngayon parang mas lalo pang nagiging komplekado ang situasyon.

Nalaman ng Hari dito na Colfer na siya ang Summoner. Si Eisha ang summoner. At gagawin ng kahit na sino na mapasakamay ang Summoner dahil sa taglay niyang lakas.

Siguradong hindi pa alam ni Eisha ang tungkol dito. Pero napaka delikado sa kanya ang situation niya kapag nagtagal.

Protecting the SummonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon