Xellos's POV
Nasaan na ba si Zakary at Bria. We need them here right now. Hindi naming kayang talunin ng kami lang si Grimmer.
We need to finish him right now bago pa man niya makuha si Eisha.
Napunta ang attensyon naming kay Grimmer dahil sa biglaan niyang pag halakhak.
"Kahit anong gawin niyo hindi niyo ako matatalo." Sigaw niya
Tsk. Hindi naming siya kaya ni Tayler. SI Eisha naman natatakot lumaban. Epekto siguro ng matagal ng hindi niya pakikipag laban at biglaan lang na bumalik ang ala-ala niya kaya kahit gustuhin ng katawan niyang lumaban, hindi niya magawa.
May kulang sakanya.
Walang Seal ang mga kamay niya. Kainlangan na malagyan iyon ng seal ng sa ganun ay makapag labas siya ng malakas na uri ng kapangyarihan.
"Eisha, okey ka lang ba jan?" Tanong ni Tayler na nag-aalala.
Kasalukuyang naka yuko parin si Eisha habang binabantayan namin siya ni Tayler.
"O-o. " Halata sa boses niya ang kaba.
"Astral Espiritus." Tawag ni Grimmer sa mga alagad niya.
Wala pang isang minuto ay napalabas na niya ang mga alagad niyang puppet na ginagamitan niya nga itim na mahika.
"Sigurin Sila!" Sigaw niya.
Parehong Inilabas namin ni Tayler ang aming espada at umatake sa mga kalaban.
Dalawa lang kami ni Tayler kaya siguraong mahihirapan kami dahil sa dami nila.
"Lumayo kayo saakin!" Sigaw ni Eisha.
"Shit! I forgot her!" Naiinis na sabi ko.
Hindi namin siya Makita dahil sa dami ng umaaligid sa amin ni Tayler.
Lumakas ang hangin at nagliparan sa ere ang mga alagad ni Grimmer. Nagtinginan kami ni Tayler.
"Nandito na sila." Tayler smirk.
Tinapos naming ni Tayler ang lahat ng naka paligid sa amin. At nakita naming si Bria at Zakary kasama si Eisha sa di kalayuan. Agad naming silang pinuntahan.
"Walang hiya kayo!" Sigaw ni Eisha at pinag babatukan kami ni Tayler.
"Aray naman!" Reklamo na tayler at hinimas ang ulo.
"Bakit niyo ako iniwan dito. Ha? Mabuti nalang at dumating si Bria at pinalipad ang mga halimaw na iyon." si Eisha at nag cross arms pa.
"Dapat nilabanan mo sila." Seryosong sabi ko.
"Hindi ko kaya." Sagot niya at yumuko.
"Tama na yan." Saway ni Bria.
"Sandali, hindi ba dapat galit kayo ngayon sa lalaking yan." Turo ni Eisha saakin.
Itinulak ko si Eisha at sinalo naman siya ni Zakary. Muntikan niyang tamaan ng dagger kung hindi ko nakita ang paghagis ni Grimmer. Mabuti nalang at tumama ang dagger sa puno.
Halata sa mukha ni Eisha ang pagkabigla.
Naningkit naman ang mga mata ni Bria at Tayler na tumingin kay Grimmer.
"Wag muna kayong mag saya jan dahil hindi pa tapos ang laban. Mabuti pa ay magpaalam na kayo sa mahal niyong Princessa dahil kukunin ko na siya." Pagbabanta niya.
"Kailangan nating gamitin ang espadang ito para tapusin ang matandang yan." Paliwanag ni Bria.
Inilabas niya ang isang espada na kulay itim. Pero mahiwaga ito. Nababalot ang espada ng isang mahika. Pulag mahika.
"Mabuti naman at nakuha mo na."
Muli kung tiningnan si Eisha, kasama parin niya si Zakary sa tabi niya. Wala silang pansinan.
"Tayler, bantayan mo na si Eisha at sisimulan na namin ito." Utos ni Bria.
Nilapitan ni Tayler si Eisha para bantayan at tsaka tumayo si Zakary.
Hindi na kailangan na si Eisha ang pumatay kay Grimmer dahil nahanap naman na nila ang mahiwagang espada ay sigurado ako na kaya naming tatlo patumbahin si Grimmer.
"Si Zakary ang mag hahawak ng espada. Gagamitin ko naman ang mahika ko para walag makalapit sa atin na tauhan ni Grimmer habang ikaw naman Xellos ay lalabanan mo si Grimmer gamit ang espada." Paliwanag ni Bria.
As always. Napagaling ni Bria sa mga ganitong bagay o usapin. She is really a good leader.
"Zakary humanap ka naman ng tiyempo para masaksak ang dibdib ni Grimmer gamit ang esada na yan." Pag papatuloy niya.
Nagsimula na kaming umatake sa kinatatayuan ni Grimmer.
Nakita ko ang pagka gulat niya sa naging pag atake naming sa kanya.
As predicted, nilabas nanaman niya ang mga tauhan niya at nilabanan ni Bria ang mga ito. Sinugod ko narin si Grimmer at naglaban kami ng espada sa espada.
"Traydor ka talaga Xellos!" Sigaw ni Grimmer sa galit.
Ilang minute kaming nag laban at nag karoon nag pagkakataon para pumasok si Zakary sa labanan para gawin naman ang dapat niyang gawin.
Parehas kami ni Grimmer na hinihingal. Halos pareho din kaming maramong sugat sa katawan. At ito na mismo ang pagkakataon para si Zakary naman ang umatake.
Pina ubaya ko na si Grimmer ky Zakary at na paupo nalang ako sa damuhan habang pinapanood si Zakary at Grimmer na nag lalaban.
Hinanap ko ang kinaroroonan ni Eisha at Tayler. Mabuti nalang at ligtas sila.
Eisha's POV
Nagulat kaming lahat dahil sa malakas na liwanag. Nang gagaling ang liwanag sa kinaroroonan ni Zakary at Grimmer. Unti unti namang naglaho ang mga tauhan ni Grimmer na kinakalaban ni Bria.
So this is It. We won.
BINABASA MO ANG
Protecting the Summoner
FantasiaShe doesn't know that some of her memories were gone. At ang dahilan ng pagkawala ng ibang ala-ala niya ay dahil sa taong nagging parte ng kanyang nakaraan.Ginawa nila ito para sakanya. Para hindi siya masaktan. Pero isang araw, nagkita sila. At sa...