Eisha's POV
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan magpaliwanag sa kanila.
Sa tingin ko, wala naman kasi akong ginawang masama.
Hinalikan lang ako ni Xellos, mabuti nga halik lang yun pero ang pinag tataka ko lang, ang sabi niya ako ang kailangan niya. Pero bakit kanina na may pagkakataon na siya para kunin ako ay hindi parin niya ginawa?
At tsaka ang sabi nila Bria, siya ang dahilan ng pag atake sa amin ni Zakary ng mga halimaw noon, pero hindi niya naman ako sinaktan kanina.
There seems to be something here...
And that's what I need to know.
"Eisha..
Eisha, nakikinig kaba sa sinasabi namin?" tanong ni Bria
"Ha? Ah. O-oo nakikinig ako."
"So, ano na? We need an explanation here.." – Bria
Tumingin ako kay Tayler, at tahimik lang nan aka upo sa damuhan.
Si Bria naman nakatingin sa akin na naghihintay ng kwento ko.
At si Zakary naman, nakatingin lang siya sa malayo.
I sigh.
"Okey, wala naman akong dapat ipaliwanag pa, kasi nakita na ni Bria ang nangyari and what she said a while ago is true and that's all. That's all that happened." Pagpapaliwanag ko
"Sigurado ka?" tanong ni Bria
"Oo, mabuti nga hindi siya nagtangkang saktan ako dahil kung hindi ginamitan ko na siya ng kapangyarihan ko." nakangiting sagot ko
"Ngayon na alam na natin na yun lang ang nangyari, dapat huwag na nating tanungin pa si Eisha." Nakangiti naman na sabi ni Tayler
"Pasensiya kana Eisha, nag alala lang talaga kami sayo." – Bria
"Alam ko naman eh." Nakangiting sabi ko
"Pero sa tingin niyo, bakit ba hinalikan ni Xellos si Bria?" tanong ni Zakary
Nagulat ako sa tanong niya dahil kanina lang ay parang wala siyang balak magsalita.
Natigilan din si Bria at Tayler dahil sa tanong ni Zakary.
Halatang nag isip pa ang dalawa.
"Ibig sabihin ---" naputol ang sasabihin ni Tayler dahil nagsalita na ako
"Attracted siya sa akin?" nakangiting tanong ko
Dahil sa sinabi ko tumgingin silang lahat sa akin.
And based on Zakary's face he looks angry.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang naging usapan naming ni Xellos.
I know that would make them panic kapag sinabi ko pa yun.
I'll just keep it to myself and know the real reason.
♥♥♥
BINABASA MO ANG
Protecting the Summoner
FantasyShe doesn't know that some of her memories were gone. At ang dahilan ng pagkawala ng ibang ala-ala niya ay dahil sa taong nagging parte ng kanyang nakaraan.Ginawa nila ito para sakanya. Para hindi siya masaktan. Pero isang araw, nagkita sila. At sa...