Chapter 20: Moody Xellos

1.3K 38 0
                                    

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Kaya naman iuulitin ko sana ulit ang tanong ko ng bigla siyang magsalita.

"Wag mo ng ulitin, narinig kita."

Napa nga nga ako. Paano niya nalaman na tatanungin ko ulit siya? Ohmy!

"Ano rin ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko

"Tinanong na nga kita kanina, kaya dapat sagutin mo." Sagot niya na hindi tumitingin sa akin

"Ugh! Sagutin mo muna yung tanong ko." Sabay hawak sa ulo ko na para bang sobrang frustrated

"Alam mo," sa wakas tumingin siya sa akin

"Hindi pa." nakangiting singit ko

Huminga siya ng malalim.

 "Wala ka bang na aalala?" out of the blue na tanong niya

"Ha?"

"Nevermind."

"Tinatanong mo kung wala akong na aalala?" tanong ko

"Narinig mo naman pala."

Tingnan mo itong lalakeng to. Masyadong moody.

"Na aalala tungkol saan?"

"Malapit na." seryosong sabi niya

"Ano bang pinag sasabi mo?" nataatwang tanong ko

"And weird mo ha." Dagdag ko

Grabe nagtayuan ang mga balahibo ko. Ang weird niya kasi. Para bang baliw? Kung ano ano ang tinatanong at sinasabi. Nakakatakot tuloy.

Naghintay ako ng sasabihin niya sa sinabi ko, pero walang nagsalita. Tumingin ako sa tabi ko, at sakto namang tumingin din siya kaya nagkatinginan kami.

Hindi ko alam kung paano mag rereact or anu nga ba ang dapat kung sabihin sa ganitong moment. This is so awkward. I'm with someone whom I just met. Isa pa, nakakatawang isipin na kasama ko ngayon ang dahilan kung bakit ako prino protektahan ng Ama ko at ng mga kaibigan ko for the reason I don't even know.

Bigla naman akong natauhan. Tama! Yun na nga ang dahilan kung bakit ako umalis sa palasyo. Ang makita siya at magtanong ng mga bagay bagay na hindi ko matanong sa kanila.

Sasagutin naman kaya niya?

Well. . Eisha you better try.

"Xe-xellos. Mya itatanong nga pala sana ako sayo." basag ko ng katahimikan

"Spill it out." Sagot naman niya

Nakatingin parin kami sa isa't isa kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan.

"A-alam mo kasi, kaya ako nandito ngayon ay para makausap ka."

"You are now talking to me. Akala ko ba magtatanong ka? Go ahead ang ask, hindi kung ano ano pa ang sinasabi mo." Seryosong sabi niya

Pssshh. What is wrong with this guy!

But I think this is all wrong talaga. Na tanungin siya kung bakit ako prinoprotektahan from him? Bahala na!

"Gust ko lang malaman kung bakit ak—"

Nagulat ako ng bigla nalang tumalon palayo si Xellos sa harap ko kaya napatingin ako sa inuupuan niya kanina na ngayon ay may tatlong arrow na naka baon.

Arrow?!

Tumgin ako sa likod ko, and here comes Zakary, together with Bria and Tayler.

Ni hindi pa nag sisink in sa utak ko kung ano nga ba ang nangyayari ngayon sa harapan ko. Hanggang sa habulin ni Bria at Tayler si Xellos na papalayo na mula sa akin. Pero bago pa siya nakalayo ng tuluyan ay tumgin si Xellos sa kina uupuan ko.

Nakita ko na ngumisi siya.

"Are you okey Eisha?" narinig kung tanong ni Zakary mula sa likuran ko papalapit sa akin

Hindi ako nakapag salita. Inisip ko na nasayang lahat ng pagod ko pag punta dito sa gubat dahil hindi ko na tanong ang matagal ko nang gustong itanong kay  Xellos.

Tiningnan ko lang si Zakary ng masama.

♥♥♥

Protecting the SummonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon