Eisha's POV
Nagulat ako sa sinabi ni Xellos. Ano daw?
Ako?
Ako? Ang kailangan niya?
Pero bakit?
"Ikaw ba ang nag utos sa mga halimaw na umatake dito nung nakaraan?" seryosong tanong ko
"Hindi ako, pero parang ganun narin yun." sagot ni Xellos
Siya ang dahilan ng pag atake sa amin ni Zakary nung nakaraan. So ibig sabihin ako lang pala talaga ang gusto nilang saktan? o sadyang may kailangan lang sila sa akin?
"Pero bakit ako?"
"Hindi ko muna sasabihin sa ngayon kung bakit dahil gusto kong isipin mo ang dahilan. Sa oras na ito, madali kitang ma isasama sa akin dahil wala naman ang mga kaibigan mo na nagbabantay sayo para protektahan ka, pero.. gusto ko munang pahirapan siya." naka smirk na sagot ni Xellos
"Pahirapan siya? Sinong siya?" kalmado kong tanong
Nakatingin lang siya sa akin at dahan dahan siyang lumapit.
Nagulat ako when he kiss me on my cheek at bigla nalang siya naglaho ng parang bula.
I was shock. Natauhan nalang ako nang biglang may sumigaw ng pangalan ko. And it was him.
"Zakary?"
"Eisha!" Hinihingal na sigaw niya papalapit sa punong kina uupuan ko.
"Baki--" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
My face went red dahil sa ginawa niya. Feeling ko ang init init na tuloy. -.-
"Anong ginagawa mo dito mag isa? Hindi ba sinabihan na kita na hintayin mo nalang kami sa kwarto mo habang nasa meeting kami kanina?" nag aalalang tanong niya
"Oo pero, kung ikaw ba naman kasi ang mag kulong duon ng ilang oras, shempre ma bobored ka." nag cross arms akong umiwas ng tingin sa kanya
"Zak! Eisha!" sigaw ni Bria na papalapit sa amin kasama si Tayler
Tumingin kaming dalawa sa dalawang taong papalapit sa kinaroroonan namin. Pinagmamasdan ko ang dalawa at sorang bagay talaga sila sa isa't isa.
Magkaibigan lang ba talaga ang turingan nila sa isa't isa? Sayang naman.
"Eisha! nasaktan kaba? nag aalalang tanong ni Bria at lumapit sa akin
"Anong ibig sabihin ng nakita namin kanina? Si Xellos yon hindi ba? Bakit nandito siya kanina? Bakit wala kang ginawa?" sunod sunod na tanong ni Bria
Tsaka ko lang na alala, oo nga pala Xellos was here a while ago and he even kiss me on the cheeks at yun ang pinagtataka ko. Hindi niya ako sinaktan.
Tulala lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa mga tanong ni Bria. Kasi kahit ako, hindi ko alam ang isasagot ko.
"Ano?! Nandito si Xellos kanina lang?!" malakas na tanong ni Zakary
"Easy! Guys, isa isa lang ang tanong kay Eisha. Wag niyo naman siyang biglain." - Tayler
"Bria, paano ka nakakasigurado na si Xellos nga ang kasama ni Eisha kanina dito? Hindi ba sa palasyo kayo naghanap kay eisha kanina?" sersoyo paring tanong ni Zakary
"Oo nga sa loob kami ng palasyo nag hanap ni Tayler, pero nang mapatingin ako sa bintana sa isa sa mga kawarto sa taas, natanaw ko ito at nakita na may kausap si Eisha. Ang akala ko pa nga ikaw yun. Pero nang pinagmasdan kong mabuti, at nang halikan siya ni Xellos na biglang naglaho, duon na kita nakita na tumatakbo pa punta kay Eisha." nakatingin sa aking paliwanag ni Bria
Ako naman ay tulala lang, hindi ko alam kung paano mag rereact dahil nakita pala ni Bria ang ginawa sa akin ni Xellos.
Tiningnan ko si Zakary, pero nakatingin siya sa malayo.
"Pwede bang ikaw naman ngayon ang mag paliwanag sa amin Eisha?" walang emosyong tanong ni Zakary na hangang ngayon ay hindi parin humaharap sa akin
♥♥♥
BINABASA MO ANG
Protecting the Summoner
FantasyShe doesn't know that some of her memories were gone. At ang dahilan ng pagkawala ng ibang ala-ala niya ay dahil sa taong nagging parte ng kanyang nakaraan.Ginawa nila ito para sakanya. Para hindi siya masaktan. Pero isang araw, nagkita sila. At sa...