Chapter 28: The Place where It started

1.3K 30 0
                                    


Eisha's POV

Araw na para dumalaw sa bayan.

Masaya ako dahil ngayon lang ulit ako magpapakita sa mga tao sa bayan. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila kapag nakita nila na hindi ako iyong Eisha na nagsusuot ng mga dress kahit saan pumunta.

Hindi ako pumayag na magpasama sa kahit sino sa nasa palasyo dahil gusto ko munang mapag isa.  Maliban sa tatlo. Hindi nila alamm ang pagdalaw ko ngayon dito sa bayan dahil sigurado na kapag nalaman nila ay hindi sila papaya na hindi ko sila kasama.

I had a nightmare last night. Hindi lang kagabi kundi araw araw. May lugar na gusto kong puntahan pero hindi ko magawa dahil sa trainings and hindi ako nakaka tiyempo para magpunta dito sa bayan.

"Good Morning Princess." Bati sa akin ng halos lahat ng dadaanan ko. Pati mga bata na naglalaro at nagtatakbuhan ay humihinto muna sa paglalaro at binabati ako kaya naman nginingitian ko sila.

Masaya ako na kahit papaano ay natuturuan din nila ang mga bata kung paano bumati at rumispeto.

"Marami salamat iha sa pagdalaw mo sa bayan" Sabi saakin ang isang matanda na nagtitinda ng mga bulaklak.

"Walang anuman po. Matagal tagal narin po kasi ako na hindi nakakapunta dito dahil marami akong ginagawa sa palasyo." Nakangiting sagot ko.

"Naiintindihan ka namin iha." Nakangting sabi ng matanda.

Napatingin ako sa mga bulaklak na tinda niya. In a minute na alala ko ang lugar na palagi kong makita sa panaginip ko pero hindi ko alam kung saan.

"Lola, matanong ko lang po, alam niyo po ba kung may lugar malapit dito kung saan maraming bulaklak halos lahat ng paligid ay bulaklak?" Tanong ko.

Napatigil ng pag aayos ng mga paninda niya bulaklak ang matanda at tumingin sa akin na nag tataka.

"Iha, nakalimutan mo na ba? Hindi ba iyon ang lugar kung saan ka niya dinala noon."

"Ano po bang ibig niyong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

"Lumapit siya sa akin noon at tinanong ako kung saan ang lugar magandang dalhin ang isang princesa. Dahil nadadaaanan ko ang lugar na iyon pa punta dito sa bayan ay iyon na ang sinab ko."

"Saan po ba makikita iyon?"

"Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na?"

Nagsimula na akong pag pawisan dahil hindi ko alam ang issagot ko. At buti nalang nag salita ulit siya.

"Pumunta ka sa isang botika medyo malayo pa dito, tapos sa likod ng butika ay may makikita ka na daan papasok sa isang gubat. Sundan mo lang ang daan at makikita mo na."

Napakunot ang noo ko.But I need to act smart.

"Ah! Doon nga po, na alala ko na. Pasensiya na po. Matagal tagal na hindi po kasi ako nakapunta doon at dahil sa dami ng trabaho sa palasyon nakalimutan ko na."

"Ikaw talaga. O sige iha mas mabuti na pumunta kana baka gabihin kapa pag uwi mo mamaya."

"Sige po, maraming salamat po."

Nag simula na akong maglakad kung saan ko muna makikita ang isang butika. Nakakapag taka, sino kaya ang tinuukoy ng matanda kanina. Ibig sabihin nakapunta na ako doon kasama ang isang tao. Pero sino?

Habang nag lalakad ay tahimik lang akong nag iisip. Muntikan ko ng lampas an ang botika kung hindi dahil sa muntikan na akong madapa.

Agad kong nakita ang daanan papasok na tinutukoy ng matanda.

Madilim at nakakatakot. Hindi ko alam kung ano ang nandoon pero kailangan ko pring puntahan para malaman ko kung totoo ba ang panaginip ko o hindi.

Pumasok ako at tuloy tuloy na naglakad. Ramdam ko ang kaba pero nagpatuloy parin ako. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng maramdaman ko na may nakamasid sa akin.

I should not let my guard down.

Ilang oras ang lumipas ng may matanaw akong isang burol. Napaka ganda ng burol dahil sa dami ng mga bulaklak.

Ito na nga. I found the place that I saw in my dreams.

Nakakagulat dahil totoo ito. And I'm not dreaming anymore.

As I sat at the grassy ground, a Flashback came into my mind.

Flashback:

 

"Sandali Eisha relax ka lang malapit na tayo."

"Ano ba kasi ang gust mong ipakita may pa surprise surprise ka pang nalalaman." Natatawang sabi ko.

"Heto na."

"Tadaa!"

Binatukan ko siya.

"Aray naman!"

"Hindi ba maganda?" Naka pout na tanong niya.

"Ang gandaaaaaaa!" Nakangiting sigaw ko habang tumatakbo sa paligid.

Tuwang tuwa ako sa nakita ko. Maganda naman sa paligid ng palasyo pero ibang iba parin ang lugar na ito lalo na kapag isang espesyal na tao ang nag dala sayo dito.

Tumawa siya. "Sabi ko kasi sayo eh."

Umupo ako sa damuhan at sumunod din siya saakin.

"Alam mo ba na napaka swerte ko sayo." Seryosong sabi niya.

"Ano nanamang kalokohan yan." Sagot ko.

"Hindi ako nagbibiro. Kahit alam ko na maraming kang responsibilidad hindi lang sa palasyo kundi pati sa bayan ay nagpapasalamat ako dahil nagging magkaibigan tayo. Higit pa sa magkaibigan."

Nang tingnan ko siya ay nakatingin siya sa kalangitan.

"Xellos.."

"Kahit anong mangyari, wag mong kakalimutan na sayo lang ako."

"Anong—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa narinig ko na pag sigaw ng mga tao mula sa bayan at nakita ko ang isang malakas na usok na nag mumula sa isang gubat.

Bago pa man ako tumayo ay tumingin muna ako kay Xellos pero wala na siya sa tabi ko.

Umalis siya ng hindi ako kasama. Mukhang alam ko na kung saan.

Gamit ang kapangyarihan ko, nag summon ako ng isang kabayo para mapabilis ang pag dating ko sa nangyayaring kaguluhan sa gubat.

End of Flashback.

This is where it all started.

Protecting the SummonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon