Eisha's POV
Naiisnis akong nagtungo sa Garden. How could he be so insensitive?!
My thoughts raced as I walk at the pathways. I couldn't believe that Zakary was so cruel in his reply to me. Off all times we fought together, he had never restricted my movements in fighting monsters for a reason as stupid as its his job. Palagi naman niyang pinapakita na may tiwala siya sa mga kakayahan ko. Ano namang pinag kaiba ng pakikipag laban ko ngaun?
Sa tingin niya ba nabawasan ang mga kakayahan ko?
"Eisha!" sigaw ni Bria
Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Are you trying to get yourself killed? You were just attacked by monsters, why are you running off on your own?" seryosong tanong niya
Natulala ako saglit sa kanya tsaka nagsalita, "Oh, nakalimutan ko."
"Nakalimutan mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Bria
Hindi ko na sinagot ang tanong niya at umupo nalang sa may damuhan at ganun din ang ginawa niya.
Feeling ko stress na stress ako. Ewan ko ba.
"So, care to explain kung bakit ka galit kay Zak?"
Iniwasan ko ang mga mata ni Bria na nakatingin sa akin at tumingin nalang ako sa malayo. Tsaka ko lang narealize na napaka childish pala ng ginawa ko.
"I'm not sure." Sagot ko
"Nice try." Naka smirked na sabi ni Bria
"What?" tanong ko at humarap na ako sakanya
"Anong ibig mong sabihin Bria?"
"Makinig ka Eisha, gaano katagal na tayong magkakilala?" tanong niya
"About 4 years na siguro, Bakit?"
Bria sigh. "Sa tingin ko, sa mga panahong yun ay mas nakilala pa kita. You love peace and justice above all. Daddy's girl ka and you are a great friend. "
Tiningnan ko lang siya. Wala akong maisip na isasagot sa kanya sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung compliment ba o ano.
"Minsan nga nakaka irritate ka na, hindi ka naman ganyan kay Zak unless something is wrong. Ngayon magsabi ka ng totoo."
"Gusto ko lang malaman kung bakit hindi niya ako hinayaang labanan ang mga halimaw nay un." Nakayukong sagot ko
Pakiramdam ko tuloy sobra mali ang ginawa kong pag arte kanina kay Zakary.
"Kasi prino-protektahan ka lang niya. They were obviously targeting you at ginagawa lang niya ang trabaho niya bilang body guard mo." Sagot ni Bria
"At yun lang yun! Parang pinaparamdam lang niya sa akin na trabaho lang ako para sa kanya! Hindi ba kami magkaibigan! Wala ba kaming pinagsamahan? Wala manlang ba siyang nararamdaman para sa akin?" tuloy tuloy na sigaw ko
Hindi ko napigilan ang sarili ko, kaya naman nasabi ko na ang mga salitang ayokong masabi.
Bahala na!
"Oh, now I see." Nakangiting sagot ni Bria
"Uhm, You see what?" nagtatakang tanong ko
"Galit ka, dahil prino-protektahan ka niya kasi trabaho niyang protektahan ka."
Ha? Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito.
"Excuse me?" tanong ko
"Wag ka nang mag alala. Aayusin ko to ngayon na alam ko na ang nangyayare." Nakangiting sagot niya at tumayo mula sa pagkaka-upo
"Now, let's go back inside." Utos niya
"Sandali! Bria!" sigaw ko habang sumusunod sa kanya
Ang gulo anong meron?
♥♥♥
BINABASA MO ANG
Protecting the Summoner
FantasyShe doesn't know that some of her memories were gone. At ang dahilan ng pagkawala ng ibang ala-ala niya ay dahil sa taong nagging parte ng kanyang nakaraan.Ginawa nila ito para sakanya. Para hindi siya masaktan. Pero isang araw, nagkita sila. At sa...