Chapter 12: Meeting Xellos

1.8K 44 0
                                    

Eisha's POV

Kinabukasan, inanunsyo na ng Dad ko na bumalik na si Yale sa Xoanna kung saan siya nang galing at sinabihin na huwag na itong bumalik pa.

Nandito ako ngayon sa aking kwarto. Nakakatamad lumabas, isa pa nasa meeting ngayon sila Zakary, Bria, Tayler at ang aking Dad.

Naguluhan talaga ako sa mga nakaraang araw.

Sobrang daming nangyare na hindi ko ina asahan. Mabuti nalang naka alis na si Yale at nabawasan narin ang mga ini isip ko.

Tutal, wala na si Yale, wala na akong stalker, lalabas nalang ako. Hohoho -O-

Ang boring naman kasi dito kung hihintayin ko pang matapos silang mag meeting. Hayys

***

Nandito ako ngaun sa garden kung saan madalas kong puntahan.

Naka sandal ako sa isang malaking puno at masyang pinag mamasdan ang mga bulaklak sa paligid.

I close my eyes to feel the fresh air around the garden.

Ilang minuto palang ang nakakalipas nang ipikit ko ang aking mga mata nang maramdaman kong may mga matang kanina pa nakatingin sa akin.

Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang mga kamay ko dahilan ng muli kong pagka upo.

"What are you doing?! and why are you here?!" malakas na sigaw ko

"Hi Princesa!" masayang sagot niya na parang wala lang sakanya ang pagsigaw ko

"Bibitawan mo ba ako o kailangan pa kitang gamitan ng powers ko?!"

"Na miss kita Eisha." seryosong sabi ni Xellos at binitawan ang kamay ko

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"Dinadalaw ka. Sa mga nakaraang araw hindi kasi kita malapitan dahil buntot ng buntot sayo ang Zakary na yon. Dumagdag pa si Bria at Tayler." malungkot na sagot niya

"Pero ngayon, buti nalang wala kang kasama."  nakangiting dagdag pa niya

"So, anong kailangan mo?" cool na tanong ko

Kinakabahan ako, pero kelangan ko lang talaga ipakita na wala lang sa akin ang lahat, na matapang ako para hindi niya isipin na hindi ko siya kayang labanan.

"Ikaw." seryosong sagot niya na nakatingin sa akin

Zakary's POV

Napatagal ang meeting namin kanina kasama ang Hari. Kaya naman napag pasyahan naming puntahan na si Eisha sa kanyang kwarto.

"Hindi kaya na boring si Eisha sa kakahintay sa atin? Sa tingin ko sobrang napatagal tayo sa pakikipag usap sa Hari." nag aalalang sabi ni Bria

"Hindi naman siguro." sagot naman ni Tayler

Ngumiti lang ako sakanila.

Nasa harap na kami ng pintuan sa kwarto ni Eisha, at kumakatok.

Naka ilang katok na kami pero wala paring nagsasalita o nagbukas manlang. Kaya naman napag disisyonan naming buksan na ang kanyang kwarto.

"Eisha bakit ba ang ta---" naputol ang sasabihin ni Bria nanag makita naming wala si Eisha sa kwarto niya

"Eisha! Eisha!" sigaw ko at agad kong nilibot ang buong kwarto niya

Sh*t! Wala siya dito! Sinabihan namin siya kanina na maghintay lang dito. Ang tigas talaga ng ulo.

"Hanapin na natin siya. Tayler libutin mo ang buong gusali." utos ni Bria

"Ano?! Ang lawak lawak kaya dito!" reklamo ni Tayler

Nagreklamo kapa kasi Tayler, yan tuloy binatukan ka na ni Bria. Hayys

"Sa Garden nalang ako mag hahanap." pag piprisinta ko

"O sige. Sasamahan ko nalang si Tayler dito." - Bria

Nagpa alam na sila Bria sa akin at nagsimula narin sila sa paghahanap.

Tumakbo na ako papuntang garden.

I have this feeling that she is there and she is in danger!

♥♥♥


Protecting the SummonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon