Chapter18: Bria needs a plan

1.3K 36 2
                                    

Bria's POV

Nasabi na naming sa hari ang nangyari. Na nawawala ang Princesa.

Nalibot na naming ang buong loob at labas ng palasyo pero hindi parin naming siya makita.

Sa tingin ko tama nga ang sinabi ni Tayler.

Na pumasok sa gubat si Eisha. Pero ang pinag tataka lang naming ay kung bakit siya pumasok sa gubat eh alam naman niya kung ano ang meron doon.

Delikado para sa kanya na nandoon.

Maraming halimaw at mababangis na hayop. Ang problema pa ay hindi niya kasama si Zak.

Nandito kami ngayon sa garden ni Tayler malapit sa pasukan papuntang gubat. Hinihintay naming ni Zak dahil yon ang utos ng Hari. Ang hintayin muna siya kasi baka magkasama lang sila ni Eisha.

Mula sa di kalayuan, nakita ng dalawang mata ko si Zak at may kasamang babe, pero hindi si Eisha, sigurado ako na hindi siya ang kasama niya.

"Uy! Zak! Mabuti nalang dumating na kayo ni Eisha kanina pa naming kayo hinhintay! Akala ko nga hindi mo siya kasama eh. Mabu—"

"Aray! Reese! Anu ba masakit na. Kanina mo pa ako binabatukan ah." Reklamo ni Tayler sabay hilot sa ulo niya

"Anu bang pinag sasabi mo jan ha?! Tingnan mo nga ng mabuti, hindi si Eisha ang kasama niya!" pag sisigaw ko

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Zak

"Sino naman yang kasama mo?" tanong ko din kay Zak

Uso na nga ngayon ang pag sagot ng tanong ng isa pang tanong.

Hindi sinagot ni Zak ang tanong ko.

"Akala ko kasama mo si Eisha. Yun pala may ibang babae kang kasama. So hindi mob a tatanungin kung nasaan si Eisha?" mataray na tanong ko

"Nasaan siya?" walang emosyong tanong niya

"Ayun, nawawala. Kanina pa naming hinahanap sa loob at labas ng palasyo pero wala parin. Ang sabi ni Tayler, si Eisha ang nakita niya na pumasok sa gubat."

"I saw her. Nakita ko siya sa gubat kanina."

"Ano?! Anong nangyare bakit hindi mo siya kasama ngayon at ano ba ang ginagawa mo sa gubat?!"

"I tried to follow her. Ang bilis niyang tumakbo nang makita niya kami ni April." Sabay turo sa kasama niyang babae

"At sino naman yan?" taas kila parin na tanong ko

"I just said her name Bria."

"Kaano ano mo siya?"

"She is from the kingdom of Fiore. Kaibigan ko siya. Pumunta siya ditto para dalawin ako. Unfortunately nawala siya sa gubat, kaya mabuti nalang narinig ko na sumisigaw siya at agad ko siyang tinulungan laban sa mga mababangis na hayop sa gubat."

"At hindi ka man lang nag alala kay Eisha na baka may masamang mangyari sa kanya. Bakit mo siya pinabayaan doon mag isa!"

"No offend pero, parang kang Nanay kung mag salita." Biglang sabi ng babae

Aba! Ang babaeng ito! Napaka!

Grabe na talaga.

"Wala ka bang kakayahan para ipagtanggol ang sarili mo ha? Ikaw?" sabay turo kay April

"Wala siyang kakayahan tulad natin." Seryoso paring sagot ni Zak

"Ano ba! Tama na nga yan! Ang gulo gulo niyo! Paano natin hahanapin ang Princesa kung palagi kayong ganyan!" sigaw ni Tayler

"Tanungin mo yang si Zak kung anong plano niya. Yun ay kung, may plano pa siyang hanapin si Eisha." Pagkasabi ko ng mga salitang yun ay iniwan ko na sila.

Nakakainis. It's so frustrating! I cant help but to be angry at Zak. Nandun na nga lang si Eisha sa harapan niya pinakawalan pa niya.

If I know mas pinili niyang samahan si April nay un kesa si Eisha. Pero tungkulin din niya ang kaligtasan ni Eisha, part yun ng trabaho niya.

I need a plan!


♥♥♥


Protecting the SummonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon