Chapter 17: He Found me

1.4K 42 0
                                    

Pinunasan ko ang luha na patuloy binabasa ang mga pisngi ko.

Hindi ko mapigilan humikbi dahil sa patuloy na pag iyak.

"Sino yan?!" alerto na sigaw ni Zakary

Mabilis ko namang tinakpan ng isang kamay ko ang bibig ko para hindi nila ako marinig. Masira pa ang moment nilang dalawa nakakahiya naman sa kanila.

Naisipan kong umalis nalang sa likod ng puno, kaya naman dahan dahan akong tumayo at naglakad palayo.

Nakaka tatlong hakbang pa lamang ako mula sa puno na nagtaguan ko kanina nang biglang magsalita siya.

"Sino ka? At anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong niya

Alam kong hind niya agad ako mapapansin dahil sa suot kong cloak.

Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malamim bago mag salita.

"Napadaan lang ako. Sige ituloy niyo na yang gina--ga-wa niyo. A--alis n-a ak-o." hindi ko maiwasang umiyak nang sabihin ang mga salitang yun.

"Eisha?" nagtatakang tanong ni Zakary at papalapit sa akin

Hindi na ako nag salita pa at mabilis na akong tumakbo. Gusto ko nang lumayo sa kanila. Malayong malayo na hindi ko na sila makikita.

"Eisha! Sandali!" sigaw niya

"Zak! Hayaan mo na siya." pag pipigil ng babae sakanya

Lumingon ako sa kina tatayuan nila habang tumatakbo at nakita kong hawak ng babae ang isang kamay ni Zakary para pigilan na habulin ako.

Mas lalo pa akong naiyak. Dahil sa paglabas ng mga luha ko naging blurred na ang paningin ko at halos hindi ko na makita ang daanan ko. Patuloy parin ako sa pagiyak nang bigla akong madapa dahil sa malaking ugat ng puno sa daan.

Nakapadapa parin ako at mas lalong lumakas ang pag iyak ko. Humagulhol na ako na nakadapa. Parang hindi ko kayang tumayo.

Ilang minuto din na nasa ganung posisyon ako at patuloy sa pag iyak.

"Tama na yan." isang lalake ang nagsalita mula sa harapan ko.

Pakiramdam ko ang lapit lapit ng nag sasalita.

Sinubukan kong i angat ang aking ulo nang makita siya. Naka upo siya sa harapan ko at ang lapit lapit ng muka naming dalawa. Seryoso ang muka niyang nakatingin sa akin.

Sa wakas.

Nakita na rin ako ng hinahanap ko.

Bria's POV

Katatapos lang ng meeting namin kasama ang hari at iba pang opisyal ng palasyo nang maisipan kung puntahan si eisha sa kanyang kwarto.

Alam ko na bored na siya doon.

Kumatok na ako sa kwarto niya ng ilang beses ng wala paring nagbubukas kaya naman pumasok na ako at nakitang walang bakas ng tao sa loob ng kwarto niya.

Naggsimula na akong kabahan.

Inutusan ko ang isang gwardia para hanapin si Tayler dahil kailangan niyang malaman ito.

Wala pang ilang minuto nang makita kong tumatakbo si Tayler papunta sa kitatatayuan ko.

"Bria! Anong problema?" humihingal na tanong ni Tayler

"Nawawala nanaman si Eisha!" sigaw ko

" Ano?!"

"Kailangan malaman ito ni Zak at ng Hari."

"Pero wala si Zak. Hindi ko rin alam kung saan siya nag punta."

"Gamitin mo ang kapangyarihan mo to contact Zak as soon as possible." utos ko kay Tayler

"Sig--" natigilan si Tayler sa pagsasalita at natulala

"Ano bang ginagawa mo?! Bilisan mo baka kung anu na ang mangyari kay Eisha!"

"Si Eisha nawawala?

Nawawala si Eisha?" gulat na tumngin sa akin si tayler

Binatukan ko na.

"OO! Kanina ko pa sinabi na nawawala siya! Ngayon lang ba nag sink in sa utak mo?!"

"Kung hindi ako nag kakamali, sigurado ako na siya yun." patuloy na nag iisip na sagot ni Tayler

"Siya ang alin?!" kumunot ang noo ko na tumngin sa kanya

Konting konti nalang talaga sasabog na ang ulo ko sa lalaking ito.

"Kung hindi ako nagkakamali, Siya yung nakita ko na papasok ng Gubat kanina bago ako tinawag ng gwardia." tulala paring sagot niya

Ano! Papasok siya nang gubat? At bakit naman niya kaya gagawin yun?

There is really something wrong here.

"Pero kailangan na muna nating hanapin siya sa buong paligid ng palasyo at maging sa bayan dahil hindi parin tayo sigurado. At kailangan nating makausap si Zak tungkol dito." seryosong sabi ko

Hindi dapat kami ng ju-jump into conclusion, kailangan muna naming siguraduhin bago gumawa ng hakbang para hindi lalong mapahamak ang Prinsesa.

♥♥♥


Protecting the SummonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon