Magsasalita na sana akonang biglang narinig ko na tinawag siya ng isang gwardia.
"Mr.redfox, hinahanap po kayo ni Ms. Reese may kailangan daw po kayong malaman, urgent daw po." hinihingal na sabi ng gwardia
Nakaramdam ako ng kaba.
Nakita na kaya ni Bria na wala ako sa kwarto?
Naramdaman ko sa likuran ko ang patakbo na si Tayler at pagsunod ng gwardia sa kanya. Kaya naman sinamantala ko na ang pag kakataon para maka alis kaagad sa palasyo.
Habang tumatakbo, padilim na padilim ang dinadaanan ko. Kaya naman napa hinto ako sa pagtakbo. Kahit papano nakikita ko pa naman ang gubat dahil sa malakas na ilaw ng buwan.
Nagulat nalang ako nang mapatingin ako sa paligid ko.Nasa gitna na pala ako ng gubat.
Kailangan kong mahanap si Xellos.
Kailangan ko siyang makausap tungkol sa nangyayari dahil mismong mga kaibigan at ama ko hindi manlang maipaliwanag sa akin kung ano ang meron sa pagitan nila ni Xellos.
Alam ko na wala naman sigurong gagawing masama sa akin si Xellos.
SIGURO.
Pero kung may masama man siyang balak, kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. Without Zakary.
And speaking of Zakary, I kinda miss him.
I mean, I miss him so much.
Nakaramdam ako ng lungkot. Sa mga ganitong scenario na nandito ako sa gubat ay palaging kasama ko siya. Hindi niya hinahayaang nag iisa ako kapag nandito sa labas ng palasyo. Dahil maraming mga nagkalat na halimaw sa paligid at hindi mo alam kung kelan sila aatake sayo.
He is always ther for me kahit kaya kong lumaban at ipagtanggol ang sarili ko, meron paring mga pagkakataon na hindi ko na natatalo ako sa mga kalaban dahil aaminin ko, hindi naman ako ganoon kalakas para labanan ang lahat.
There are times that he risk his life in order only to protect me.
Napahinto ako nang makarinig ng mga boses na nag uusap.
Pamilyar ang boses ng lalake.
Hindi ako nag kakamali siya boses niya nga yun. Sinundan ko kung nasaan nang gagaling ang mga boses.
Nawala ang takot na nararamdaman ko nang makita si Zakary. Siya nga.
Lalapitan ko na sana siya nang makita na may kausap siyang isang babae. Babae na umiiyak.
Kaya naman nag tago nalang muna ako sa isang malaking puno malapit sa kinatatayuan nilang dalawa. I know masamang ginagawa ko. Eavesdropping. But i can't help it.
Lalo na at isang babae ang kasama niya sagitna ng gubat at silang dalawa lang. How would you feel kapag ang taong mahal mo ay may kasamag ibang babae at dito pa mismo sa gubat, walang nakakakita sa kanila, walang nakakarinig sa usapan nila, well except me na nandito ngayo at kitang kita ang mga nangyayari.
Sumilip ulit ako para tingnan kung ano na ang nangyayari.
Patuloy parin na umiiyak ang babae. Hinawakan ni Zakary ang mga kamay ng babae at niyakap ito.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka Zak. Mabuti nalang nandito ka." patuloy na umiiyak na sabi ng babae.
Tiningnan ko ang paligid.
Mga halimaw. Niligtas niya ang babae sa mga halimaw.
Pero bakit tinawag siyang Zak ng babae? Kasi ang pag kaka alam ko mga close friends lang niya ang tumatawa sa kanya ng ganun. Magkakilala kaya sila?
"Sssshhh. Tama na. Nandito na ako. Mabuti nalang narinig ko na sumigaw ka kaya agad kitang nakita." malumanay at nag aalalang sabi ni Zakary sa babae
Bakit ang bait niya sa babaeng iyon? Ngayon ko lang nakitang ganun siya. Ang sweet nila para silang mag --
Nevermind. -.-
Nakaramdam ako ng Selos.
Hindi naman ganun ka sweet sa akin si Zakary. Siguro dahil ako ang Princesa and his Job only is to accompany me with whatever are the things i need to do.
Kaya siguro buong araw ko siya hindi nakita kaninang umaga sa palayo dahil magkasama sila ng babae na ito.
Hindi ko napigilan ang pag tulo ng mga luha ko. Sunod sunod. Kahit ilang bese ko pang punasan ay meron parin.
So ibig sabihin lahat ng pinakita niya saakin na pag aalala is only part of his Job. That's it.
Akala siguro nila hindi ko kaya ang sarili ko? Huh! Nagkakamali sila.
Ngayon ko papatunayan na hindi ko na kailangan si Zakary.
I will try my best to protect my self no matter what.
♥♥♥

BINABASA MO ANG
Protecting the Summoner
FantasiaShe doesn't know that some of her memories were gone. At ang dahilan ng pagkawala ng ibang ala-ala niya ay dahil sa taong nagging parte ng kanyang nakaraan.Ginawa nila ito para sakanya. Para hindi siya masaktan. Pero isang araw, nagkita sila. At sa...