Zakary's POV
Nalilito ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin sa mga oras na ito.
Si Eisha na akala ko naka uwi na hindi pa pala.
Naka ramdam ako ng guilt. Alam ko na kasalanan ko kung bakit nawawala siya. Ilang araw din kasi na hindi ako nag pakita sa kanya simula nung nag kita sila ni Xellos.
Alam ko na mali ang ginawa ko na hindi magpakita sa kanya pero alam ko na nandito naman palagi si Bria at Tayler para bantayan siya. May mga kinailangan lang kasi akong asikasuhin kaya ako nawala. At biglang dumating naman itong si April.
Pero bakit kaya nasa gubat si Eisha at ano ang ginagawa niya doon.
Kasi all this time we were protecting her. Hindi siya basta basta pumapasok sa gubat ng wala siyang kasama. It happens lang na nandoon ako dahil kinailangan ko na iligtas si April.
"Bro, si Eisha. Bakit kaya siya pumasok sa gubat mag isa?"
"Hindi ko rin alam Tayler. Yan din ang ini isip ko. Base on her attitude, alam ko ang gusto niyang mangyari pero hindi ako sigurado."
"Ano?"
"Nakakahalata na siya sa mga ginagawa natin. Sa ginagawa nating pag pro-protecta sa ka kanya."
"Nawala ang mga alaala niya kaya hindi niya talaga tayo maiintindihan. Pero sa tingin ko may posibilidad na pwedeng bumalik ang alaala na iyon."
"Hindi ko alng alam tayler. Hindi ko lang alam."
Kung babalik man ang nawalang ala ala ni Eisha, masasaktan nanaman siya. At ayokong mangyari yun sa kanya.
Katulad ni Yale.
Kilala ni Eisha si Yale. Matagal naring may gusto si Yale kay Eisha pero ayaw niya ang lalake dahil kaibigan lang talaga ang tingin niya doon.
Kasama yan sa mga ala-alang nabura at marami pa.
Eisha's POV
Sa wakas, nandito na siya. Sabi ko na nga ba kanina ko pa siya kasama. Mula nang pumasok kasi ako ditto sa gubat ay pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa akin at sinu sundan ako. Sa una, binale wala ko lang dahil siguro sa kaba na nararamdaman ko.
Pero heto siya ngayon. Sigurado ako na siya ang kanina pang nakasunod at tumitingin sa akin.
Naka ngiti narin ako pero patuloy parin na lumalabas ang luha sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung paano tumayo mula sa pag kaka dapa ko.
Umupo na ako sa lupa mula sa pag kakadapa ko. Nakaramdam ako ng hiya dahil nasa haraapan ko pa siya. Mas lalong lumapit siya sa akin at hinawakan ang binti ko.
Mag fre-freak out na sana ako dahil baka saktan niya ako, pero nag kamali nanaman ako. Naramdaman ko ang sugat sa mga binti ko. Ang hapdi. Maraming dugo ang lumabas.
'Ar-a-y." naka pikit na sabi ko
"Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Punasan mo na nga yang muka mo, iiyak iyak ka para kang bata." Seryong turo ni Xellos sa muka ko
Agad naman akong natigil sa pag iyak dahil ang nararamdaman ko na ngayon ay ang sakit sa mga binti ko. Pinunasan ko narin ang basang mata at pisngi ko.
Bigla siyang tumgin sa akin at inilapit ang muka niya sa muka ko.
Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Nakatingi parin ako sa kanya nang punasan niya ang gilid ng bibig ko gamit ang daliri niya. Nagulat ako sa ginawa niya at pinakita ang dugo sa daliri niya.
"Tingnan mo may dugo pa."
"Natama din pala ang bibig ko sa maliliit na bato kaya nag kasugat." Mahinang sabi ko
"Umayos ka ng upo at gagamutin ko na itong sugat mo."
Ginawa ko lang kung ano ang sinabi niya. Ilang minuto lang ay natapos na niyang takpan ng tela ang magkabilang binti ko.
Pagkatapos ng ginawa niya ay umayos na siya ng upo sa tabi ko. "Bakit ka nandito?" tanong niya
"Hindi ko alam, marunong ka pala gumamot ng sugat. Buti nalang nandito kana. Kung alam mo lang ang nakita ko kanina bago ako nadapa siguro--" hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil feeling ko anumang oras iiyak nanaman ako kapag naaalala ko ang nakita ko.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?"
♥♥♥
BINABASA MO ANG
Protecting the Summoner
ФэнтезиShe doesn't know that some of her memories were gone. At ang dahilan ng pagkawala ng ibang ala-ala niya ay dahil sa taong nagging parte ng kanyang nakaraan.Ginawa nila ito para sakanya. Para hindi siya masaktan. Pero isang araw, nagkita sila. At sa...