Few weeks later....
Nakasalubong ko si Fort papunta syang QPAV for practice.
“ Aleeya, kumusta kana? Antagal nating di nag-usap ah?” grabe matagal na ba ang 2 weeks??
Fort talaga oh.
“oo nga ee. Busy kasi tayo. May practice kayo?”
“ah, oo. Gusto mong manuod?” pagsumama ako makikita ko si Devil!
“ah, eh...” hindi na naman ata ako makakatanggi.
Haaay!
Bigla niyang hinawakan ung kamay ko.
“tara na! Mala-late na ko sa praktis oh, no time for thinking.” Sabay hila sa kin.
Bakit ba kasi di kita matanggihan Fort. :’]
Pagpasok sa QPAV, naglingunan silang lahat. Warm-up pa lang sila. Nagsmile ako .
pinaupo niya ako dun sa bleachers, tapos nagbihis na siya at nagwarm-up na rin.
Napansin kong nakatingin si Jeric Teng. Poker face lang ako.
He gave me that –what are you doing here- look.
Tapos inirapan ko lang.
Pake mo!! I’m ok naman na kung ung nangyare dati ung tatanungin.. pero galit parin tlaga ako sa kanya.
Sa twing mapapatingin sakin si Fort, kinakawayan ko sya at napapansin kong napapatingin din si Devil.
ako ang number 1 supporter at cheerleader ni Fort pag nakakashoot siya.
Malamang ako lang naman mag-isa sun. Haha! Napapailing na lang si Fort at halatang annoyed ang mukha ni Teng.
Care nya!
Nung break nila lumapit sakin ung ibang Tigers pati si Fort.pinakilala niya ako.
“ ah guys, this is Aleeya. My friend and #1 fan, right?” sabay lingon sakin.
“ oooooy! Friend daw? Friend nga lang ba? “ panunukso ng mga teammates niya.
“yah i know her!” mayabang na sabi ni Kevin na nakachillax lang sa isang tabi.
Napalingon tuloy sila sa direksyon niya, pati na si Teng.
Tapos lingon sakin..
“ ah, oo. Classmate ko si Kevin sa isang subject.” Sabi ko sabay smile sa kanila.
Tumango-tango lang sila.
Nagpaalam na sila na babalik na sa praktis ng bigla akong kiniss ni fort sa cheeks, nagulat ako.
Pati na rin ang teammates niya.
Dati wala lang malisya sakin un, ba’t ngaun meron na.
Ngumiti lang sila na para bang nanunukso tapos bumaba na.
Ohw MY! Fort kiss me.
That sticked to my mind hanggang matapos ang praktis nila.
Tulala ang peg ko. At napansin yun ni Fort nung lumapit sya saken.
“Alee are you okay? Shocked kaba dahil dun sa kanina? Hindi ko napigilan e. Sorry”
“i’m okay. Wala yun. Tapos naba kayo?” umiwas nako ng tingin habang nag-aayos siya ng gamit niya.
“oo tara na. hatid na kita sa inyo.”
Habang nasa kotse, hindi ako nabore.
Ang sarap niya kasi tlagang kausap.
Tawanan lang kami ng tawanan. Alam kong pagod siya pero hindi man lang bakas sa mukha niya yon. Magaling siyang magdala ng conversation.
Hindi ko na naman namalayan na nakarating na pala kami.
And this time, naghihintay si Mama sa gate. Medyo late na rin kasi.
“andyan si Mama. ’lika pakilala kita.” Yaya ko sa kanya.
“pero..... nakakahiya” si Fort nahiya? Hindi ata bagay.
“I won’t take "no" for an answer Mr. Fortuna” serious tone and with pouting lips.
“okay, okay! Smile na” sabay hawak sa face ko and smile.
Ang dali naman pala nito maawa.
Hehehe!
Pinagbuksan niya na ako ng door and hold my hand to guide me of the car.
“ hi Ma, this is Jeric Fortuna, Fort this is my Mom.”
“Good evening po tita”
“Good evening din iho, pasok muna kayo.”
“I’m sorry to say No this time tita, kailangan ko na po kasing bumalik sa dorm, hinatid ko lang po si Aleeya, medyao late napo kasi.”
“oo nga Ma, tsaka galing din kasi siyang praktis”
“oh I see, sige iho. Sana next time makapagdinner ka dito. Ingat sa daan”
“sure tita. Sige po una na ko. Bye, Alee”
Nagpaalam na siya at umalis na. Si Mama naman nang-aasar yung smile.
Haaaayyy!
Mama talaga!
Inakbayan niya ko at pumasok na ko.
BINABASA MO ANG
"Reach The Impossible"
Teen FictionA story of REACHING someone. May mga bagay sa mundo na mahirap abutin. Mga bagay na alam nating hindi pwede. but in LOVE everything is possible!! Go on and REACH THE IMPOSSIBLE !!!