Nagpapasalamat naman ako dahil hindi tinotoo ni Jeric na ako ang manlilibre. Hindi naman sa kuripot ako. Ayoko lang gumastos ng gumastos. Tsaka basta!
“dun ka na kay Teng sumakay.” Sabi ni Fort ng hinid man lang ako nililingon. Sinabayan ko sya sa paglalakad dahil pupunta na kami sa campus.
“But....” apila ko pero...
“May pupuntahan ako.” Sumakay sya sa kotse nya at binagsak ang pinto.
Sya na nga tong hindi nagpasakay sya pa ang galit! Nakapout akong pumunta kung saan nakapark ang kotse ni Jeric. He looks at me pero hindi ko lang sya pinansin.
Naiiyak ako. *sniff* *sniff* dahan dahan akong sumakay sa harap.
“oh bakit ka nandito?”
“sabihin nio na lang kung ayaw niong mag pasakay.” Binuksan ko ulit ung pinto at akmang baba na ulit.
“ikaw naman. Hindi ka na mabiro..” hinila nia pa ang kamay ko at sya na ang nagsara ng pinto. Nakakaasar naman eh! Bakit ba ganito na lang kalaki ang epekto sakin ni Fort.
Tahimik lang ako buong byahe. Wala akong ganang makipag usap. Si Jeric ayun kwento ng kwento. Mukha na nga syang timang eh. Tumatawa sya mag isa.
“hindi mo naman ako pinakikinggan eh. Alam mo, ang pangit mo pag nakasimangot. Hindi bagay. Ang haba- haba ng nguso mo. Ung totoo? Idol mo si kuhol?” inipit nia pa ung nguso ko gamit ung daliri nia.
“wag mo na nga lang kasi akong pakialaman.” Humarap ako sa may bintana.
“as long as nakasakay sa KOTSE ko, I have the right to make pakialam sa buhay mo.” With matching tapik-tapik pa sa headrest ng inuupuan ko un.
“eh anong gusto mo tumawa ako? Wala namang nakakatawa.” Sira ata ang tuktok nitong kasama ko eh.
“alam mo? Ang boring ng buhay mo. Nakakatawa naman ung kwento ko ah? Ah siguro pang matalino lang ung joke ko kanina. You know!” nagshrug sya tapos nag concentrate ulit sa pagddrive.
Tss! Maya maya pa nakarating na kami sa parking ng university.
“thanks sa ride. Pati na rin sa joke na hindi nakakatawa.” I smirked. Totoo naman hindi talaga ako natawa sa joke nia kanina. Para syang timang lang nakahawak pa sa tyan nia habang tumatawa. Ang corny kaya.
“you’re welcome. Palibhasa kasi di mo gets kaya di ka natawa. Sige! Ingat ha?” after that he winked at me. Tss.
~ ~ ~ ~ ~ ~
Naglalakad na ako palabas ng university. As usual magcocommute na naman ako. Gusto ko na ngang magdala ng kotse sa susunod eh. Medyo nakakapagod na ang magtravel ng nagcocommute.
*BEEEEEEEP*
Siraulo un ah! Marahas kong nilingon ung may ari ng kotseng walang pakundangang bumusina sa likod ko.
Nung narealize ko kung sino un ay mabilis akong humarap sa daanan at tumabi. Kasi naman! Nasa gilid na nga ako eh! Siniksik ko ung sarili ko sa may gutter. Ayan tuloy nagasgas na ung paa ko!
“hayt! Ouuchh!” nakita kong dumugo un. As in OMG! Malalagot ako nito kay Nana Belen e. Iningatan nia kaya ung legs ko.
“ang luwag ng daanan bakit kasi kelangan mong isiksik ang sarili mo sa gutter.” Nakatungo lang ako. Habang si Fort pinupunasan ung paa ko. Nakasandals lang kaya ako. Inalalayan nia akong tumayo tapos binuksan nia ung pinto.
“naku! Wag na. kaya ko naman. Gasgas lang toh.” He looked at me intently na para akong timang na tumatanggi sa grasya.
“ I insist.” Bulong nia sa tenga ko. Spell H-O-T? Syeteeeee! Ang init ng hininga nia. Wala ana kong nagawa kundi ang sumakay. Natatawa syang sumakay sa driver’s seat. Aysh! Alam ko namang namumula ako. Pero hindi nia ako dapat pagtawanan. At anong trip nito. Sya pa talaga ang nagkabit ng seatbelt ko.
BINABASA MO ANG
"Reach The Impossible"
Ficção AdolescenteA story of REACHING someone. May mga bagay sa mundo na mahirap abutin. Mga bagay na alam nating hindi pwede. but in LOVE everything is possible!! Go on and REACH THE IMPOSSIBLE !!!