Dati noong bata pa tayo
Lagi nila tayong tinatanong
Kung ano bang ang atin mga gusto
Kung ano mga hilig natin gawin
Kung ano ang mga bagay na kinakatakutan natin
Kung may masakit ba sa atin
Kung ano ang magpapasaya sa atin
At noong mga bata pa tayo
Ay hinahayaan nila tayong maging malaya
Sa mga bagay na gusto natin magawa
Hinahayaan din nila tayong maglaro
Kasama ang ibang tao
At kung madapa man o masugatan
Ay tatanungin kung okay lang ba tayo
Kung nagkamali ay pagsasabihan o pagagalitan para matuto
Pero malaya pa rin kumilos
At noong mga bata pa tayo
Kapag may gusto tayong gawin
O pangarap na matamasa
Ay sinusuportahan nila tayo sa hangarin natin
Ngunit bakit noong tayo ay tumanda
Lahat ay nagbabago
Kapag sinabi natin na eto ang pangarap natin o ang gusto ko
Sasabihin nila na huwag yan wala ka mapapala diyan
Kapag sinabi natin na eto masakit sa atin
Sasabihin nila ang drama natin
Sabi nila kulang tayo sa pansin
Kapag tayo ay pumalpak at nagkamali
Sasabihin nila na wala tayong kwenta at hindi na bibigyan ng pagkakataon para matuto muli at makabawi
Para bang kapag nakagawa ka ng mali o kasalanan ay wala ka nang pag-asa magbago
At kapag sinabi mo na eto na lang ang pangarap mo
Sasabihin nila na ang babaw ng mga ninanais mo
Paano mo ba mapapatunayan ang iyong sarili
Kung pinaplano mo pa lang ang isang bagay
Ay nandyan agad sila para pabagsakin ito
At kapag sinabi mo na gusto mong piliin ang isang tao dahil siya ang nagpapasaya sayo
Ay sasabihin sayo na pangit at mali ang pinili mong tao
Dahil lang hindi ito pasok sa panlasa nila
Dahil hindi lang nila gusto ang isang tao
Kahit hindi pa man nila ito ganun kakilala
Ay hinuhusgahan na agad nila
Sa bawat galaw lagi silang nandyan para manghusga
Sa bawat kilos lagi silang nakabantay para itali ka sa kulongan
Sa bawat desisyon na gagawin mo ay lagi nilang babarahin
Dahil para sa kanila sila lang lagi ang tama
At ikaw ay mananatiling mali sa kanilang paningin
Sasabihin sayo na mababa ang kumpyansa mo sa sarili
Paano ba naman hindi bababa ang tingin ang sarili
Kung palagi ka nilang hinuhusgahan
At minamaliit
At kung lagi kang kinukumpara sa ibang tao
Kaya ngayon hindi mo na talaga
Malaman ano ba talaga ang gusto mo
Hindi mo na malaman kung ano ba talaga ang halaga mo sa buhay
Dahil buong buhay mo nabuhay ka para lang makapasa sa panlasa nila
Kung buong buhay mo para kang isang ibon nakakulong sa maliit na kulongan
Walang pag-asang makalipad ng malaya
Walang pag-asang mangarap
Para kang Preso na pinarusahan sa kasalanan na matagal mo ng pinagsisihan
Para kang preso na wala tyansa pang magbago
Dahil lang isang pagkakamali na nangyari noon nakalipas na panahon
Kung tratuhin ka ay para wala kang halaga
At tila ba wala ka na karapatan pang maging malaya at masaya.
BINABASA MO ANG
Verses of Her Life
PoetryThis work of mine is my creative way of expressing , telling and writing my life story and feelings that is turned to poetries and essays . This book also contains some filipino poetries but don't worry there is also an english poetries and essays...