Pag-ibig na handang i-alay sayo

28 1 0
                                    



Ang iyong ngiti na kasing ganda at liwanag ng sikat ng araw
Na nagbibigay liwanag sa madilim kong araw
Dahil nga dyan siguro sa iyon ngiti
Kaya ako'y iyong nabihag at napaibig 
Pero sa tingin ko hindi lang yan ang dahilan kung  bakit ang puso ko'y iyong naakit
Dahil may kakaibang bagay na hindi ko maipalawanag kung bakit talaga kita nagustuhan
Dahil unang araw pa lang nang nakasalamuha ko kayo ng iyong mga kaibigan
Ay ikaw na agad ang nakapansin ng aking mga mata
Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng tao
Ikaw pa ang unang nakapukaw ng aking atensyon
At sa bawat araw na ako ay papasok sa eskwelahan
Ay ikaw ang laging hinahanap hanap
At kahit pigilin man ang akin nararamdaman
Ay ikaw pa rin talaga ang sinisigaw ng puso ko
At tila kahit ang tadhana ay pilit akong dinadala sa init ng bisig mo
Pilitin ko man lumayo sayo
Pilitin man limutin o pigilin ang pag-ibig na nadarama para sayo
Ay tila ang tadhana ang gumagawa ng paraan para ako ay mapalapit pa sayo
Humanap man ng ibang pwedeng ibigin ay lagi naman may mga hadlang na bumabalakid
Upang ako ay umibig sa ibang tao
At tila bawat hudyat na aking nakikita ay sayo ako tinuturo
Kaya naman sana ang akin pag-ibig ay iyong mapansin
At kung sakali mang tuluyan mahulog sayo ang akin damdamin
Ay iyo sanang saluhin
Dahil ang puso ko'y takot nang umibig nang wala naman sasalo sa kanya
Kapag siya ay umibig muli
At ayaw na din nya na makipaglaro pa sa pag-ibig
At kung ako ay iyong mapagbibigyan
Pangakong hindi ka sasaktan
At gagawin ang lahat upang ikaw ay mapasaya
At mapanatili ang ngiti sa iyong labi
Na nagsisilbing liwanag sa madilim kong araw
Sa tuwing ito'y akin masisilayan
Dahil ang ngiti na yan ang isa sa mga bagay na nais kong mamasdan sa tuwing aking ikaw ay nakikita
Dahil ang iyong ngiti din ang isa sa mga bagay na nakakapagkalma sa akin
Sa tuwing ako ay kinakain ng galit
At nagsisilbing batterya ko para ganahan na bumangon at lumaban sa hamon ng buhay
Kaya naman nais ko din sana na maging dahilan ng iyong mga ngiti .






~•~•~••|•|•|~•~•~••~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~
Hey mga lovelies , i have added a new poem in my book in wattpad . What you think about this new poem of mine ?
Feel free to share your thoughts just comment and vote and share !!! .
I also added a background music so you can feel the poem more 🤗❤️❤️❤️.
Hope you enjoy while reading my stories and poems also please read and vote my other story which is Vaniah's fate for more romantic feels and more inspiring lesson to learn .

Thank you so much ❤️❤️❤️
Sincerely,Miss Caroline Lopez🌷

Verses of Her Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon