Ala-ala

32 1 0
                                    

Sa isang pangkaraniwang araw
Doon tayo pinagtagpo ng tadhana
Habang ako ay nakaupo sa isang pasilyo
Ikaw naman ay napadaan sa aking harapan
At ipanaalam sa akin na wala ang atin guro
Sa maiksing oras na iyon
Kung saan mabilis pa sa isang kidlat ang iyong pag dating
Biglang nag-iba ang ihip ng aking mundo
Dahil sa araw na iyon nang marinig ko ang iyong tinig
At napagmasdan ko ang iyong mukha na kasing liwanag na sikat ng araw
Na nagbibigay ng liwanag sa madilim na mundo
Bigla na lang naging ikaw ang tanging pinipintig ng aking puso
At ang pagtingin ko sa iba ay nawala
at napunta sa iyo lahat
Naging magkaibigan tayo ng ako ay gumawa ng paraan para mapalapit sayo
Katulad ng pagbigay mensahe sayo
At laging pangangamusta sayo
Para naman ika'y makausap lamang
At pati na rin ang paggawa ng iyong mga takdang aralin sa tahanan
Para mas mapalapit ako sayo
At makita mo na ako ay iyong maasahan anumang oras na ako ay iyong kailanganin
Hanggan sa naglaro na rin ako ng nilalaro mo sa iyong telepono
Para lang makasabay sa iyong libangan
At mas lalong magkaroon ng tyansa na makapasok sa puso mo
Sinubukan na rin gumawa ng tula para sa iyo
Pero kahit gayon ay hindi mo parin nabatid na ikaw ang sinisigaw ng akin puso
At kahit sa akin mga kilos at pag -aalala sayo ay hindi mo din pansin
Sa lahat ng atin mga pinagsamahan at ala-ala
Ang akin pinakapaborito ay nung araw na ikaw ay tumabi sa akin
Maiksi man ang oras na iyon
At nakakainip pero dahil ikaw ay nandoon
Pakiramdam ko ay para na akong nasa langit dahil ikaw ay nasa akin tabi
Tila ba parang tayong dalawa ang magkasama
At ang saya din ng tayo ay tinutukso ng iyong mga kaibigan
Dahil kahit hindi man totoo ay na tayo ay magkasintahan
Ay masaya na ako na kahit sa biruan ay may nabuong tayong dalawa
Ang mga masasayang alaala kasama ka ay mananatili na lang talagang alaala
Dahil kahit ano pang gawin ko para magpatuloy ang atin pagkakaibigan
Ay wala na akong laban dahil iyo na itong pinutol
At inalis mo na ako sa iyong landas
Masakit man ang pamamaalam na ito
Ay aking tatanggapin ng sa gayon
Ay makabangon ako at makapagpatuloy ng maayos sa akin buhay
Pero bago ang lahat nais kong malaman mo na masaya akong nakilala kita
At wala akong pinagsisihan na hinayaan kitang pumasok sa aking mundo
At na hinayaan kong tumibok ang puso ko para sayo
Na matagal kong pinigilan nang sa gayon ay hindi madurog ng iba
Pero gayon man nagpapasalamat ako na kahit paano ang mundo natin ay nagtagpo
At nakasama kita at binigyan mo ng kulay ang malungkot kong mundo
Na binigyan mo ako ng isang dahilan para maging masaya muli kahit sa panandalian panahon lamang
At na hinayaan kong magmahal ang puso ko kahit ito ay natatakot na umibig pa
Tila nga ang lahat ng magandang alaala na iniwan mo
Ay hindi ko malilimutan dahil para sa akin
Ikaw ang pinakagusto kong tao
At ikaw din ang nagbigay ng pinakamasayang alaala sa akin
Nagsimula tayo sa pagiging estranghero patungo sa pagiging magkaibigan
Hanggan sa ngayon naging estranghero na naman tayo pero may masayang alaala na dala sa isat -isa .

Verses of Her Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon