Warning : Guys , this poem or essay i wrote is an Tagalog poem or essay and this poem or essay is about me and my connection to the moon and stars and how i feel with them and how are we connected.
Ako , at ang mga bituin at buwan
Mag kalayo pero i-isa
Ang mga bituin ay isang parte at bahagi ng kalangitan
Ito ay may kakaibang ganda ,
Kislap ng liwanag na kaakit-akit tignanIto ay nagbibigay ng liwanag
Sa madilim na kalangitan
At sa maging sa ibabang kalupaan.Lagi itong nariyan sa ating tabi
Umulan man o umaraw ,
Sa pagdaan ng umaga at gabi
At sa pag lipas ng ilang daan siglo
Palagi silang nariyan sa kalangitanNgunit ang masaklap ay bihira lamang sila mapansin.
At yan ang malungkot na kwento ng bituin at buwan sa langit
Nasa kabila ng ganda at liwanag na binibigay nila sa atin ay bihira lamang ang nagbibigay halaga at pansin sa kanilang mga bituin.At kagaya ng mga bituin at buwan sa kalangitan .
Ang Buhay nila at buhay ko ay magkapareho
Gaya ng pagbibigay namin ng liwanag at ganda o sigla sa buhay ng mga taong mahalaga sa amin
Lalo na sa tuwing makakadanas sila ng kalungkutan at kadiliman sa buhayAy handa akong magbigay ng liwanag sa madilim nilang buhay.
Katulad na lang kung sa paano tayo binibigyan ng bituin at buwan
Ng ilaw na nagbibigay liwanag sa madilim natin nararanasan sa buhay
Upang hindi tayo makaramdam ng pag-iisa .At kahit pa sa panahon iyon ay may pinagdadaanan
At nasa madilim na parte rin ako ng buhay ko ay handa akong magsakripisyo
At ibigay ang buong liwanag ko para lang sa kanila
Kahit wala ng matira sa akin sariliMakita lang silang masaya at hindi malugmok sa kadiliman
Kasi alam ko ang pakiramdam ng mag-isa at malugmok sa matinding kalungkutan ,
Na para bang ikaw ay nasa pinakamadilim na parte ng iyong buhay na mag-isa ka
At tila ba parang wala ng liwanag na masisilayan na makakapagbigay sayo ng pag-asa na makaalis sa madilim mong situation.Kaya nga sa lahat ng akin makakaya ay ginagawa ko ang lahat para matulungan sila upang hindi nila maranasan ang akin pinagdaanan.
Kasi katulad ng mga bituin at ng buwan ay handa kaming magsakripisyo
At manatili sa tabi nt mga taong mahalaga sa amin.
Kahit pa sa kabila ng amin mga sakripisyoAy bihira lang ang makapansin
At magbigay ng halaga sa amin
Ngunit sa kabila parin ng lahat ng ito ay isang pagkukulang o pagkakamali
Ay babalewalain na nila kami
At iiwan mag-isaAt hahayaan malugmok sa dilim.
At hindi na bibigyan ng pansin at importansya
At iyon ang pagkakahintulad ng buhay ko at ng mga bituin at buwan sa langit .
Siguro maganda man maging bituin at buwan
Pero sa katotohanan ay may masakit at malungkot na parte ng pagiging liwanag sa mga tao .At iyon din siguro ang dahilan kung bakit sa tuwing sasapit ang gabi at puno ito ng bituin at buwan.
Ay hindi ko maiwasan ang tumingin sa kaitaastaasan ng langit
Para lang masilayan ko ang mga bituin at buwan .Na kahit nagbibigay sila sa akin ng saya at liwanag
Ay nakakaramdam ako ng kakaibang lungkot
Sa mga tuwing may mga bituin at buwan sa kalangitan.
At ito ay dahil nga sa ako , at ang bituin at buwan ay iisa ang nararamdaman lungkot
At kadiliman
Kahit pa makikita mo man ang napakislap nitong liwanag
Ay sa likod nito ay madilim na parte na
Kung saan doon nya tinatago ang lungkot na nararamdaman .Gaya ko ,maganda man tignan
Sa panlabas at makita mo man ang aking ngiti
Sa labi ay may itinatago rin kalungkutan
At may parte rin sa akin kaibuturan ng puso
Kung saan makikita mo ang madilim na nilalaman nito na nagpapakita ng hinanakit na tinatago ko .~•~••~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~••~••~~•~
P.S guys , this poem or essay i wrote is how the moon and stars and me are connected to each to other and its about our hidden sad emotions we are facing ...
Hi guys , specially to my filipino followers i made a new poem or essay about me and the moon and stars and how are we connected to each to other .
Please check this out guys and don't forget to vote , comment and share .
Thank you so much ❤️❤️❤️.
BINABASA MO ANG
Verses of Her Life
PoetryThis work of mine is my creative way of expressing , telling and writing my life story and feelings that is turned to poetries and essays . This book also contains some filipino poetries but don't worry there is also an english poetries and essays...