Solar eclipse o asymptota

43 1 0
                                    



Ang Pag-iibigan natin na parang asymptota
At araw at buwan
Gaya ng buwan at araw tila imposible silang magkasama
Pero ginawan ng tadhana na mapaglapit sila
Sana maging ganun din ang mundo nating dalawa
Yun kahit imposible magkalapit pero naging posible
At tinadhana sa isat -isa
Kasi alam mo ba na simula nang nakilala kita
Ngayon ko lang uli naramdaman yung ganito kasaya na pakiramdam
Yun tipong makausap ka lang buo na ang araw ko
Ikaw din yun tao na sumira sa pamantayan ko
Pero ayos lang kasi ikaw talaga yun taong pinapangarap ko
Hindi ko alam pero simula nang nakilala kita
Kahit ayaw ko munang umibig dahil sayo parang ninais ng ko na muling umibig
Nakakatakot man ang umibig muli pero dahil sayo
Tumaya ako kahit walang siguraduhan kung sa huli ako ang panalo sa puso mo
At kung ako ay hihiling man sa kalangitan
Ang tanging hihilingin ay ikaw ay mapasakin
Dahil ikaw lamang ang tanging nais makasama sa habang buhay
Pero sadyang ang tadhana ay mapaglaro
Pinaglapit nga tayong dalawa
Ay ako naman ang sinubok ng tadhana
na kung maipaglalaban ko ba ang nararamdaman ko para sayo
Sa kabila ng mga taong humahadlang  sa pagitan natin
At ngayon ang istorya natin ay parang asymptota na ata
Na kahit ilang beses paglapitin ay hindi naman ata nakatadhanang magkatuluyan para sa isat-isa
At ngayon ang akin puso ay nagugulumihanan kung ako ba ay lalaban pa ba para sa atin dalawa
O kung ako ba ay susuko na lang dahil sa mga taong humahadlang sa pagitan natin dalawa
Ayoko naman kitang papiliin kung sila ang mas gusto mo o ako ?
Pero natatakot ako na kung bibitawan kita ay ipaglalaban mo ba ko o hindi
Dahil baka sa huli sila ang piliin mo kesa sa akin
Sila na mas matagal mo nang kakilala
Na tiyak naman mas may puwang diyan sa puso mo
O ako na bagong dating lang sa buhay mo
Na nagsisimula palang humanap ng lugar dyan sa puso mo
May pag-asa ba na maging istorya ng buwan at araw ang istorya natin
O ito ay tuluyan magiging asymptota
Pwede bang sabihin mo if ako ba ay may pag-asa diyan sa puso mo
Tama bang akin ginawa upang mapalapit sayo
O dapat ay hindi na lang ako gumawa ng paraan para ang mundo natin ay magkalapit
Pero kung hindi naman ako gumawa ng paraan para magkalapit mundo natin
Ay hindi ako magiging ganito kasaya
At hindi ako muling matutong umibig 
Ikaw ay tila tala sa kalangitan kaakit -akit pero alam kong kahit anong pilit para ikaw ay abutin
Ay mukhang malabo kang mapasakin .




P.S , mga lovelies i added a song here for you to feel the poem more and to relate with it very well 🤗❤️❤️ at ang tula ito ay para sa pag-ibig na mahirap makamit .

Verses of Her Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon