Ako ay buwan pero mas pinili niya ang mga bituin sa kalangitan .

34 2 0
                                    


Kay sarap balikan mga panahon
Tayo ay magkasama pa at nagkikita
Mga panahon natatanaw pa ang iyong mukha na kasing liwanag ng sikat ng araw
At naririnig pa ang iyong boses na tila ba isang musika sa twing aking maririnig
At sa bawat ikaw ay hahakbang papalapit
Ang akin puso ay pumipintig
Nang kasing bilis nang orasan sa bomba sa tuwing ito ay malapit nang sumabog
At ang sarap din balikan ng mga panahon
Na ikaw ay nakakausap pa sa telepono
Hindi man iyon ay tawag sa telepono
Pero bawat mensahe na iyong pinapadala sa akin
Ay habang akin itong binabasa ay naalala ko ang tono ng iyong boses
Kaya ako ay kinikilig habang ito ay akin binabasa
Tila ba para akong kinukuryente sa tuwing nakakatanggap ako ng mensahe mula sayo
Kay ligaya ko ng mga panahon iyon
Dahil ang akin madilim na araw ay napalitan ng araw na kay liwanag
At ang malamig na puso ay natunaw at nag-init dahil sayo
Mga panahon kasama ka ay para akong nasa langit
Dahil sa saya na nadarama makasama ka lang  at marinig lang ang iyong tinig
O kaya ay kahit mapagmasdan ka lang sa malayo
Ay sapat na at buo na ang araw ko
Doon lang sa mga bagay na iyon ay maligaya na ako
Kaya kahit ang piliin manatiling maging kaibigan mo ako
Ay akin tiniis dahil doon maaring tayong magtagal
Pero ang akin akala ay mali pala
Dahil kahit sa pagkakaibigan ay hindi tayo nagtagal
Dahil kahit na pinaramdam ko sayo na mahalaga ka sa akin
Ay hindi pa sapat at tila ito pa ang naging mitsa para tuluyan kang bumitiw
At lumayo sa akin
Mas pinili mong makasama ang mga bituin sa iyong paligid sa iyong madilim na gabi kesa sa buwan na nandyan lagi sa iyong tabi
Bilog na buwan man siya o kahit sa panahon kunting liwanag na lang ang natitira sa kanya
Ay binigyan ka parin niya ng liwanag sa madilim na gabi na iyon na ikaw ay nag-iisa
pero ano nga ba ang laban ng buwan na iyon sa mga bituin na nakapaligid sayo
Tiyak naman na mas madami sila at mas makinang parin sila sa iyong mata
Kesa sa buwan na madalas mo ngang makita pero mag-isa naman
Pero gayunpaman ang iyong buwan na iyong tinalikuran ay laging nakamasid sayo at laging andyan para magbigay liwanag sa madilim mong gabi
Kahit sa gabing iyon mas pinipili mo parin bilangin at tignan ang mga bituin na nakapaligid sa kanya
Upang mas maharangan ang buwan sa iyong mata
At sila ang mas magningning sa iyong mga mata
Kaya kahit hindi ako na buwan ang iyong pinili ay mananatili ka parin sa akin alaala
At balang araw ay makakatagpo din ako ng aking bulaklak na nangangarap makakita ng buwan .

Verses of Her Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon