Aking Buwan

42 3 1
                                    



Ikaw ang akin Buwan
Ikaw ang isa sa mga nagdagdag sa akin kaligayahan
Ikaw yun tipo ng tao na pinapangarap ng maraming kababaihan
Dahil sa iyong taglay na charisma
At sa taglay mo din sigurong kabutihan
pero siguro nga lahat ng bagay na maganda ay mahirap makamtam
At kung minsan ito ay mas maiging pag masdan mo na lang sa malayo
Dahil alam mong parang imposible na ito ay mapasa-iyo 
Dahil kahit sa gaanong paraan mo lang makita ang taong iyon
Ay kahit paano masaya at kuntento ka na
Makita ang ngiti nya at ang kanyang presensya
Dahil alam mong  kahit gumawa ka ng paraan para mapalapit sa kanya
Ay hindi ganun kadali ang proseso na iyong pagdadaanan
At marami ding ang mga bagay ang maaring humadlang upang mapalapit ka sa kanya
At isa pa ang hirap din labanan ng takot na nasa iyong isipan
Takot na baka kapag ikaw ang unang kumausap sa kanya ay maulit ang nakaraan
Ang nakaraan na isang mapait na alalala at ayaw mo nang balikan
At ayaw mo na muling maranasan
Takot din na baka sa huli mauwi lang sa wala ang  lahat ng iyong pinaghirapan para mapalapit sa kanya
Takot na baka iiwan ka lang din nya sa huli katulad ng iba
Takot na mapaglaruan muli ang iyong puso
Na sa huli ay masaktan at magdurugo lamang ang iyong puso
At takot na baka ikaw lang ang tanging umiibig sa kanya
O takot na baka hindi ikaw talaga ang isa sa mga babaeng hinahangaan  nya
Pero gayunpaman sa kabila ng mga takot na gumugulo sa akin isipan
At pumipigil sa akin para ikaw ay lapitan
Ay nais kong malaman mo na masaya ako na nakilala kita
At masaya din akong  masilayan ka sa bawat araw
Na walang kahit anong takot at agam sa aking puso at isipan
Dahil ang iyong ngiti at presensya ay ang isa sa mga bagay na siyang nagbibigay sa akin ng kasiyahan
Kasiyahan na kahit alam kong hanggan tingin na lang ako sa iyo
Ay sapat na para maging akin inspirasyon na lumaban sa bawat pagsubok na akin haharapin
Dahil para sa akin ikaw ay parang buwan
Na kahit malayo man sa akin piling ay makita ko lang ang liwanag nito ay nagbibigay na siya sa akin ng sapat na lakas ng loob
At kakaibang saya sa tuwing ito ay aking pinagmamasdan sa malayo
Kaya naman ako ay nagpapasalamat dahil sa iyo ay natuto akong gamitin ang pag-ibig bilang inspirasyon
Para malabanan ang bawat takot at lungkot sa akin mundo
Dahil ikaw ang akin buwan na nagbibigay liwanag sa aking madilim na mundo .

Verses of Her Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon