Man of My Dreams

53 3 0
                                    

Mabuti pa sa panaginip ko may pag-asang magkaroon ng tayo
Mabuti pa sa lugar na iyon nakakasama kita
At masaya tayong magkasama
Na walang ibang humahadlang sa atin dalawa
Hindi tulad sa tunay na buhay
Kung saan pagkagising ko wala ka na
At Wala din tayong nabuo
kasi wala naman din talagang pag-asa na mangyari iyon
Na magustuhan mo ko sa tunay buhay
Dahil simula't sapul kaibigan lang tingin mo sa akin
At iba naman ang tunay na sinisigaw ng puso mo
Kaya siguro ikaw ay mananatili na lang pangarap ko
Na hanggan tingin na lang ako sayo
Kasi kahit ano man gawin ko para magustuhan mo ko ay hindi mo din ako mapapansin
Dahil sa iba naman nakatingin ang iyong paningin at hindi sa akin
Kaya dahil sa akin nalaman at nagpatanto
Mas pipiliin ko na lang laging matulog dahil doon sa aking panaginip
Tayo ay magkasama at ikaw ay nasa akin piling
At wala sa ibang tao
Kaya nga siguro nagkaroon ng panaginip ang bawat tao
Dahil kahit doon man lang ay pwede nilang makasama ang taong pinapangarap nilang makasama sa buhay
Na kahit hindi na nila ito makasama sa totoong buhay
Kahit paano sa panaginip at sa ibang mundo na iyon ay nakakasama nila yun taong pinapangarap nila
At doon din nagiging masaya sila kahit panandalian lang .
At kahit sa pag gising ay alam na namin na balik na uli sa realidad
Kung saan andun ang masakit na katotohanan na ang nangyari sa panaginip ay mananatili na nasa panaginip lang
At malabong mangyari ito sa totoong buhay .

Verses of Her Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon