Magandang Pagbabago

2 0 0
                                    

Hindi naman ako dati mahilig magseryoso sa pag-ibig
Pero simula nang nakilala ko siya
Lahat ay unti unting nagbago
Ang dating ako na mahilig makipaglaro
Ay mas pinili ko na ngayon ang kapayapaan at pagseseryoso
Dahil napagtanto ng akin isipan at puso
Na sa mundong ito na puno ng digmaan at kaguluhan
Ang tanging kailangan ko lang talaga ay isang tao na handang piliin ako sa bawat oras
Isang tao na kapag kasama ko siya ay matatahimik lahat ng mga boses na gumugulo sa akin isipan
Isang tao na ang bawat ngiti na dala niya ay liwanag sa madilim kong mundo
Isang tao na marinig ko lang ang boses niya ay sumasapat na ito para mapakalma ang pusong nangangamba kung ito ba ay maiiwan na naman luhaan sa dulo
Hindi naman ako dating  ganun kasipag kapag dating sa gawain bahay
Hindi rin ako dati masunurin sa mga utos ng akin magulang
Hindi rin ako mapagpasensya
Hindi rin ako yun tipo na na matapang
Aaminin hindi rin ako talaga masasabing iyong babaeng pinapangarap ng karamihan
Dahil hindi ako perpekto
At marami rin ako mga sekretong tinatago
At marami na rin akong kamalian nagawa sa akin buhay
Pero ang masasabi ko lang ay ako yun babae na kapag nakapili ng isang taong gustong gusto ko talaga
Ay handa akong panindigan siya
Handa akong ipaglaban siya
Handa akong gawin lahat ng akin makakaya mapasakin lamang siya
Handa akong gawin lahat ng akin makakayanan mapasaya lang siya
At ako yun babae na hindi kailanman magagawang magloko sa taong sobra kong ginusto
At hanggat pinipili at iniibig ako ng taong gusto ko
Ay hindi ko siya bibitawan at susukuan
Dahil alam ko ang pakiramdam ng ginawa ka lang pangalawang pagpipilian
Alam ko rin ang pakiramdam ng pinagpalit sa iba na mas malapit sa kanya
Alam ko rin ang pakiramdam ng kapag pinagpustahan ka lang
At higit sa lahat yun kahit anong gawin mo ay hindi pa rin niya makita ang iyong kahalagahan
At yun sakit ng hindi ka pinili na ibigin
Kaya naman simula ng nakilala ko siya
At pinaramdam niya sa akin na ako ang kanyang ninanais
Na handa niyang piliin at ibigin
At na handa niya akong samahan sa kahit ano mang problema at sakit
Na pwedeng mangyari at dumating
At nung pinili niya ko kahit na alam kong siya rin ay may pinagdadaanan at may hapdi pa sa puso niya dulot ng nakaraan pag-ibig na sumugat dito
Ay nagpasya ako na tumaya at sumugal sa pag-ibig namin dalawa
At unti unti ko rin sinimulan baguhin ang akin sarili para maging tamang tao para sa kanya at para din sa akin sarili
Katulad sinisimulan ko ng maging mas masipag sa bahay
Sinusubukan ko rin na maging mas masunurin sa akin magulang
At sinusubukan ko na rin na maging mas maalaga sa akin sarili
Upang mas maalagaan ko din siya at maging kanyang tahanan at pahinga
Pero pinipigilan ko rin maging makulit
At maiksi ang pasensya
Dahil ayaw kong magsawa agad siya sa akin
At alam ko rin na kailangan ko rin maging mahaba ang pasensya at maunuwain
Dahil pareho lamang kaming dalawa na may pinagdadaanan sa buhay
At parehong napapagod din sa mga hinaharap namin pagsubok at problema
Kaya naman ang tanging kailangan namin dalawa ay ang maging tamang pahinga ng bawat ng isat isa
Maging sandalan ang isat isa kapag may problema o malungkot ang isa
Ang maging kuhaan ng lakas ng isat isa
At ang maging panibagong saya ng isat isa
At ang pinakahuling nagbago sa akin ay dati hindi ako takot mawala sa akin ang isang tao
Pero nung dumating siya sa buhay ko
Ay natuto akong makaramdam ng takot
Takot na mawala siya sa akin at iiwanan ako pag dating sa dulo
Ganito siguro talaga kapag gusto mo ng buong buo ang isang tao
Yun tipong lahat sayo ay magbabago at magkakaroon ka ng kinakatakutan
Dahil ang buhay minsan mapaglaro
Kung minsan papabor sayo ito
Pero isang araw bigla ka na lang  paglalaruan at kukunin sayo ang isang bagay na nagpapasaya sayo
Kaya naman siguro natuto na rin ako na pahalagahan kung anong meron kami
Pahalagahan at sulitin ang bawat oras na andiyan pa siya
At iparamdam din sa kanya kung gaano ko siya kagusto
Dahil karapat dapat siya sa pagmamahal na tunay at buong buo
At yun pagmamahal na handang yakapin ang buo niyang pagkatao
Dahil sa bilis ng takbo ng oras at pabago bagong mundo
Hindi mo malalaman kung hanggan kailan mo pa makakasama ang taong nagpasaya at nagpapahalaga sayo
At pinakamahalaga sa lahat ay kung matalo man kami sa laro ng pag-ibig at ng mundo ay alam namin sumugal kami ng tama
At ginawa namin ang amin makakaya maipaglaban lang ang pag-ibig na meron kami
ano man ang kahitnan ng amin nararamdaman at kwento
Isa lang ang mahalaga sa akin
At yun ay pinili niya ko na ibigin at pasayahin
Hindi ko siya sisihin at hindi ako magagalit sa kanya kung sa dulo man ng amin paglalakbay ay mangyari na bibitaw siya
Dahil alam kong karapatan niya na maging masaya ng buong buo
At mahalin ng buong buo ng ibang tao kahit hindi na ako

Nais ko rin na magtagumpay at makamit nya lahat ng pinapangarap niya sa buhay
Kahit na hindi na ako ang makakasama nya at ibang tao na ang kasama niya sa dulo.

Verses of Her Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon