Itong tula na ito ay para sa iyo
Ito din ang tamang panahon na naisulat ko ang tulang ito
Kasabay ng pag liwanag ng buwan
ay ang pag usbong ng nararamdaman ko para sayo
At kung paano mo binigyan ng liwanag ang mundo kong madilim
Katulad ng buwan na nagbibigay liwanag sa akin tuwing sumasasapit ang gabi
Na kung saan ang kalungkutan sa akin puso ay naghahari
Ay dumating ka din sa akin buhay saktong sakto sa panahon na nawawalan na akong pag-asang umibig pang muli
At nang ikaw ay dumating ay ang mundo ko ay unti unting lumiwanag at unti unti mo rin napawi ang bawat lungkot at sakit na sa akin puso ay naghahari
At unti unti ay tinuruan mo rin ang puso kong matutong magmahal muli
Kaya ang tulang ito ay para sa iyo dahil ikaw ang unang tao
Na nakapagparamdam sa akin kung paano maging masaya
Kung paano makita parin sa mundo ang liwanag sa kabila ng dilim na tinataglay niya
Ikaw na nakapagtunaw sa puso kong ayaw nang magmahal at magtiwala sa iba
Ikaw din ang taong naging daan para makasulat ako ng panibagong tula
Na naging akong paborito na rin
Dahil sa lahat ng aking mga tulang ginagawa
Itong tula ko na ito na inalay para sayo
Ang aking pinakapaborito sa lahat ng mga tula na nagawa koAt Dahil sa iyo natuto kong magmahal ng nang hindi umaasang mamahalin ako pabalik ng taong mahal ko
Dahil kapag mahal mo ang isang tao dapat lahat ng gagawin mo ay para sa kanya pero hindi mo dapat iisipin na may kapalit yun
Dahil ganun ang tunay na pagmamahal
Yun handa kang ibigay lahat kahit walang hinihintay na kapalit
Kasi sapat na makita mo yun ngiti nya
At sapat na andyan siya sa tabi mo
At nakakausap mo siya kahit paano
At dahil nga diyan kaya kita natutong mahalin
Hindi ko alam kung paano nagsimula yun nararamdaman ko para sayo
Pero habang tumatagal na magkakilala tayo mas lumalalim ang nararamdaman ko para sayo
Natuto kitang mahalin kahit bilang kaibigan na lang
Kasi alam ko hanggan doon lang naman tayo pwede
Kasi hindi ko alam kung mayron akong pag-asa na makapasok diyan sa puso mo
Kaya tinanggap ko na lang ang katotohanan kahit masakit na sa pagiging magkaibigan lang tayo pwede at maaring magtagal
Kasi yun tyansa na maging tayo ay kasing labo pa ng kung paano mapapatigil ang droga sa bansa
At isa pa parang ang daming hadlang kung sakaling magiging tayo
Parang ang daming tao na magiging karibal ko diyan sa puso mo
Kaya hindi na rin ako umaasa na magiging tayo
At kaya mas pinili ko na lang manatili bilang kaibigan mo
Dahil doon kahit paano hindi ka mawawala sa akin
At kahit doon man lang mapaparamdam ko sayo yun pagmamahal ko
At dahil sa pagkakaibigan ay magtatagal ang samahan natin
At bilang ikaw ang paborito kong tao
Mananatili ako sa iyong tabi kahit ano man ang mangyari
Bilang pasasalamat ko na rin sayo dahil pinasaya mo muli ang puso ko
At mananatili ako sa tabi mo hanggan sa makahanap ka ng taong mamahalin mo at mamahalin ka rin
At papasayahin ka rin at susuportahan sa iyong pangarap
Katulad nang ginagawa kong pagsupporta sayo at kung paano rin kita pinasaya sa panahon hindi mo pa siya nakilala at wala pa siya sa iyong tabi .
Pero kaibigan sana kahit mahanap mo man ang tao na iyon ay huwag mo naman akong itaboy palayo
Dahil hindi mo na ko kailangan dahil andyan na siya para sayo
Nakikiusap ako sayo na sana hayaan mo parin akong manatili sa tabi mo kahit bilang kaibigan na laging andyan para sayo
Na handang saluhin ang luha mo kung sakaling masaktan ka man niya
Na handa kang pasayahin sa oras na maramdaman mong nanlalamig na siya sayo
At kaibigan na handang makinig sa bawat problema mo at kung ano man ang sakit na nararamdaman mo
At handa kang damayan sa oras na iyon
Dahil kaibigan ikaw ang akin paboritong tao
Ikaw ang tao na sa ngayon ay nagpapasaya sa akin
At ikaw ang akin liwanag sa madilim kong buhay
Kaya naman ayokong ako ay sa iyo ay mawalay
Dahil hindi ko alam kung paano uli magiging ganito kaligaya kung ikaw ay mawawala
At sana bitawan mo na lang ako kapag nahanap ko na din yun taong magpapasaya sa akin
Kapag kaya ko na sa time na iyon na wala ka na sa tabi ko
Kapag kahit kasama ko siya ay hindi na kita maalala pa at guguluhin pa
At kapag sa oras na iyon ay kaya ko na din mahalin ang tao na iyon
Kaya aking kaibigan at paboritong tao
Dito sa ating mundong pabago bago
At kapag nakuha ng ibang tao ang gusto nila sayo ay sila ay iiwanan ka na agad agad
Pakiusap manatili ka man lang kahit bilang kaibigan na pangmatagalan at hindi nang iiwan
At hindi iyon kaibigan na panandalian lang .~•~•~•~•~•~•~•~••~~•~•~•,••~•~•~•~••
I added this song for you to feel more the poetry that i wrote 🤗.
Hope you liked it 💜💜💜
BINABASA MO ANG
Verses of Her Life
PoesíaThis work of mine is my creative way of expressing , telling and writing my life story and feelings that is turned to poetries and essays . This book also contains some filipino poetries but don't worry there is also an english poetries and essays...