Malabo na talaga ang mata ko kaya
siguro hindi ko din nakita na malabo na magkaroon ng tayo
Akala ko may pag-asang mas mapalapit ako sayo
Pero habang tumatagal na nagkakakilala tayo parang mas lumalayo ka sa akin
Hindi ko alam kung ano bang nagawa o nasabi ko sayo
Para ako ay iyong iwasan
Sa tuwing ako ay lumalapit
Kaya ang sakit lang tuloy sa damdamin na tanggapin
Na parang napakadaya naman ng tadhana
Na pinaglapit nga tayo sa isat-isa pero hindi naman tayo pwedeng maging iisa
Siguro nga totoo din yun sabi nila na kung sino yung tao na mas nakakapagpasaya sayo
Siya din yung taong mas magiging dahilan mo kung bakit ka malulungkot ng sobra
Kasi ganun ka sa akin may mga panahon ikaw ang dahilan ng mga ngiti ko
Pero parang kadalasan ikaw naman ang nagiging dahilan ng mga luha sa mata ko
Bakit ganun gustong gusto ko makasama ka pero parang imposible na mangyari pa
Dahil hindi ko naman kaya na ako ang unang lalapit sayo
At mas lalong naging mahirap dahil hindi ka din gumagawa ng paraan para lumapit sa akin
Kaya yun pag-asang ako ay iyong ibigin
Ay tila malabo pa sa malabo
Katulad ng mga mata ko na naging bulag sa katotohanan
Na wala naman talagang pag-asang ako ay iyong magustuhan
Na hindi naman pala ata ako ang babaeng pinapangarap mong makasama
Kaya kahit gawin ko man lahat para ikaw ay mapasakin
Ay malabong malabo na ikaw ay mapasakin
At ang masaklap pa ay ikaw ay mananatili na lang aking pangarap
At mas mabuti pa siguro na limutin na ang pag-ibig na nadarama para sa iyo
Dahil wala naman din na ako mapapala pa kung ipagpapatuloy ko pa ang nararamdaman ko sayo
Dahil ang katotohanan akin nalaman at nakita ay sa istorya natin dalawa ay ako lang pala ang umiibig sayo
At ikaw iba naman ata ang iyong gusto
At sa umpisa pa lang mali na sinubukan ko pang lumapit sayo
Dahil sa istoryang ito lahat ng akin akala ay mali
At sa umpisa pa lang talo na ako sa laban para makuha ang puso mo .
BINABASA MO ANG
Verses of Her Life
PoetryThis work of mine is my creative way of expressing , telling and writing my life story and feelings that is turned to poetries and essays . This book also contains some filipino poetries but don't worry there is also an english poetries and essays...