A/N: Si Hyorin po yung nasa Picture :)
Enjoy :D
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hyorin's POV:
nandito na ang teacher pero wala parin akong Kim na mahagilap.
"so class I heard na meron daw kayong new classmate."
tumayo naman ako at pumunta na sa unahan ang mga boys naman nag-imikan ng:
"wiwit. ang ganda *o*"
"miss i love you na :)"
"ehem! could you please all just shut up!"-- Hyun-woo
iyan si kambal ko. hihi :">
tumahimik naman yung mga lalake. wahahahahahaha takot lang nila sa kakambal ko. :P
"*ehem* good morning! ^_^ ako nga pala si Hyorin Park. Please take care of me ^_^"
"can we ask you a few questions Ms. Park?"
"of course. feel free ^_^"
"so class. may questions ba kayo?"
"Ms. Park kaano-ano ka ni Hyun-woo? may part kasi na magkamukha kayo may part naman na hindi"
"actually twin sister ako ni Hyun-woo :)"
"twin sister? pero pano yun nangyari? diba dapat pinapaalam dapat sa buong school na dadating ang kapatid ni Hyun-woo kasi yun yung sabi samin dati eh."
"well, mas gusto ko na surprise. :)"
"ah ganun ba?"
"yah. :)"
lahat sila as in lahat sila kasama na ang teacher namin ngayon ay nagulat sa nalaman nila.
pagkatapos ko magpakilala ay umupo na ulit ako. Nag start ng mag lesson ang teacher pero wala parin si Kim. Tinanong ko sa katabi ko kung nasan si Kim kaso di daw niya alam.
"Ms. Park. May problema ka ba?" sinabi sakin nung teacher. Hindi ako mapakali. Bakit ba kasi wala si Kim? Na mimiss ko na siya. Gustong-gusto ko na siyang makita.
"Miss. uhmm. Pupunta lang po akong clinic masama po kasi lasa ko eh"
"ganun ba? sige magpasama ka na lang kay Hyun-woo. Mr. Pa-"
"hindi na po kaya ko na po sarili ko :)"
"are you sure Ms. Park?"
"yes Ma'am. :)" hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Ms. Forteza at lumabas na ako kagad sa classroom. Hinanap ko si Kim kung saan-saan. Sa Canteen, Sa Library, Sa Gym pero wala siya doon. Pagod na pagod na ako sa kahahanap sa kanya pero kailangan ko talaga si makita. Sobrang miss ko na siya.
Hindi ko naman talaga gustong pumasok dito eh. Kung di lang dahil kay Kim di na sana ako babalik dito.
"Kim nasan ka ba?" bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko siyang makita. Sobrang miss ko na siya. Napa-isip ako kung san pa ba pwedeng pumunta si Kim. Tama sa rooftop pwedeng nandun siya. Tumakbo kagad ako papuntang rooftop. Hingal na binuksan ko ang pintuan sa rooftop.
A-ano tong nakikita ko? O_O
Kyla's POV:
late narin naman ako pumasok eh kaya I decide na pumunta na lang sa rooftop. Wala naman sigurong makakakita sakin teacher doon. Atsaka tahimik doon at presko ang hangin ^_^
"no once else come close to you, no one lalalalalala~" kumakanta ako habang naglalakad papuntang rooftop. Binuksan ko ang pintuan ng rooftop buti na lang walang tao dito. Solo ko ang rooftop ngayon :D
"JUST GIVE ME A REASON. JUST A LITTLE BIT'S ENOUGH. JUST A SECOND WE'RE NOT BROKEN JUST BENT~" feel na feel ko na ang pagkanta ng bigla namang may kumilbit sa likod ko.
"pede ba kung mag-iingay ka wag dito. -____________-" omo. Si papa Kim :O OMG. Nakakahiya TT.TT
"ah eh s-sorry kala ko kasi walang tao. (_ _)"
at naglakad siya papalayo sakin. Umupo siya sa sahig habang ako nakatayo lang sa may tapat ng pintuan.
"Di ka ba nangangalay? Umupo ka nga dito sa tabi ko" hindi ko naintindihan ang sinabi niya :3
"huh?"
"maingay ka na nga kanina bingi ka pa? sabi ko umupo ka dito sa tabi ko -__________-" ay tinarayan ako ni papa Kim. Umupo na lang ako sa tabi niya. Ang awkward naman nito -_-
"ang tahimik dito ano?" nagsalita na ko para naman mabasag na ang katahimikan sa aming dalawa. Pero wala parin. Di pa rin siya umiimik -______________-
"may new classmate daw pala tayo. Tinext ako ni Pauline eh. Kakambal daw ni Hyun-woo." halata naman sa mukha niya ang pagkagulat.
"may problema ba Kim?" umiling lang siya bilang sagot sa tanong ko.
"alam mo ba na may kakambal si Hyun-woo?" tanong ko muli sa kanya.
"oo." yan lang ang salitang lumabas sa bibig niya. Bakit feeling ko nag-iba yung mood niya?
"ah. Shit" napalingon naman siya sakin. Napuwing pa ko.
Bigla namang nilapit ni Kim ang mukha niya sakin. >///<
"t-teka anong gagawin mo?" pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Napapikit na lang ako at biglang....
"may puwing ka pa?"
"ah eh wala na. s-salamat." ang lapit ng mukha niya sakin. Tinitigan ko siya ang gwapo niya at ang kinis. Sobrang tangos pa ng ilong niya. Perfect siya :)
sabay kaming napalingon ng may nagbukas ng pimtuan.
"Hyorin?!" sabi ni Kim at tumayo. Napatayo rin ako sa gulat.
"ah eh n-naabala ko y-yata ka-kayo. Sige una na ko" aalis na sana siya ng bigla siyang pigilan ni Kim at niyakap. Bakit ganun may naramdaman akong sakit? Nakita kong umiiyak na yung babae. Girlfriend ba siya ni Kim?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Si Hyun-woo po at Hyorin ay FRATERNAL TWINS. :)))
BINABASA MO ANG
Loving my Enemy
Teen FictionPumasok siya isang school na exclusive lang for RICH STUDENTS. School na nakapagpabago sa buhay niya. Sa ikot ng mundo niya. Nakakilala ng mga kaaway at mga kaibigan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa school na ito? Matuklasan niya kaya ang sikret...