Pau's POV:
Nandito ako ngayon sa mall kasama sina Hyorin at ang "meosjin". Parang hindi kami magkakasama kahapon.
"OMG Pau. Let's go naman sa candies. I wanna buy the dress that I saw eh"
pagpapacute ni Hyorin. Nginitian ko na lang siya.
"OMG Pau. Let's go naman sa candies. I wanna buy the dress that I saw eh"
napatingin kaming lahat kay Kim na ginagaya si Hyorin. Tumayo si Hyorin at lumapit kay Kim na nakapamewang.
"What's your problem ba? Nakakainis ka na ha!"
lalo namang tumawa si Kim. Nako lagot ito sigurado kay Hyorin. Si Hyorin ba naman ang pagtripan? Eh alam naman niya na medyo warfreak medyo lang. Takot kasi ata ito kay Brittney eh.
"How dare you? So you're making fun of me?"
and OH! Sinipa lang naman ni Hyorin sa kanyang tweety(alam niyo na iyan XD)
tinawanan lang namin si Kim. Lumapit si Hyorin kay Jeff. Oo, kasama nga namin ngayon si Jeff. Kaya nga ata binabadtrip nitong si Kim si Hyorin. Napalingon ako kay Kyla na katabi ni Mark.
"Ky. Okay ka lang?"
napansin ko kasi na parang ang putla niya tapos hindi pa siya nagsasalita kanina.
"okay lang." sagot niya sakin.
"Hyun-woo"
lumapit ako sa kanya. Inirapan niya lang ako. Ang taray talaga nito. Inaano ko ba siya?
"anong kelangan mo?"
"kasi Hyun-woo. Pwede bang?"
"maka date?! Guys oh niyayaya ni Pau si Hyun-woo. First time ulit"
ano daw?! Ang gago talaga nitong si Kim kung anu-anong sinasabi. Pero teka nga, first time, ULIT? Anong ibig niyang sabihin?
Kanina ko paring napapansin si Rui. Bakit kaya hindi siya sumama samin?
"you're so amazing talaga Kim. That's why i love you eh. Parang Hyun-woo at Pau lang. DATI"
sabay-sabay naman kaming tumigin kay Hyorin. Anong dati? Napa-oops lang naman si Hyorin. Asih ang we-weird ng mga kasama ko ha -___-
"ano ba kayo? Itatanong ko lang naman kay Hyun-woo kung pwede na kaming umuna ni Kyla. Look oh ang putla na niya."
halata naman sa mukha nila na disspoint sila sa sinabi ko. Ano bang akala nila? Makikipag-date ako kay Hyun-woo? NO WAY!
"ganun ba? Sama na lang kami"
sabi ni jeff. Tumingin lang naman ng masama sa kanya si Kim at Mark. Ang haba talaga ng buhok ni Hyorin. Tatlo-tatlo eh.
"oo nga naman Pau. Kyla is my friend I mean bestfriend now kaya dapat sumama kami diba?"
tumango naman sila maliban kay Mark. Hindi ba siya sasama samin?
"uhm. Eh g-guys hindi na muna ako makakasama. Kayo na lang"
Bakit kaya ang weird din ni Mark? Hindi na niya ako tinatawag na baby. Hindi naman sa gusto kong tinatawag niya akong baby pero kasi.. basta ang weird niya. Nagsimula kasi ito ng mahimatay si Kyla sa rooftop. Hindi naman siya ganito dati eh. Nakikita ko pa nga sila minsan na magkasama.
BINABASA MO ANG
Loving my Enemy
Roman pour AdolescentsPumasok siya isang school na exclusive lang for RICH STUDENTS. School na nakapagpabago sa buhay niya. Sa ikot ng mundo niya. Nakakilala ng mga kaaway at mga kaibigan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa school na ito? Matuklasan niya kaya ang sikret...