Chapter 11: He's Leaving

293 5 0
                                        

Rui's POV: 

PauWoo? psh may saltik talaga ang kakambal ni Hyun-woo -______- bakit pa kasi sinama itong babaeng to sa bar? Lasing na kaagad eh. 

"Kim baby ko. Ako lang diba? hihi" kanina pa niyang kinukulit si Kim. Kalahating bote pa lang naiinom niya. Ito namang si Kim halatang naiirita na kay Hyorin. 

"fuck Hyorin. Umayos ka nga lasing ka na eh." tinatanggal naman ni Kim yung kamay ni Hyorin sa kamay niya pero lalong hinigpitan ni Hyorin ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

"hahahaha oy Hyorin nanchachansing ka na ah" tawa lang ng tawa si Mark. psh hindi naman nakaka enjoy dito sa bar eh. Tawagan ko kaya si Pau? Hinanap ko yung pangalan ni Pau sa phonebook ko. Napatingin ako kay Hyun-woo, bakit ang sama ng tingin nito?

"oh bakit ka nakatingin?" umiling lang siya at uminom ulit ng alak. 

"fuck!" nagulat ako kasi biglang sumigaw si Hyun-woo. Bigla kasing hinalikan ni Hyorin si Kim naitulak naman niya si Hyorin pero mahina lang. Lasing na nga talaga itong babaeng ito. tsk tsk.

"mga pare magyoyosi lang ako sa labas." tapos tumayo na siya at naglakad papuntang labas. Kanina pang kakaiba ang kinikilos ni Mark. Ano kayang problema nito? 

"lalabas lang din ako. Gusto ko ding mag yosi." tumango lang si Hyun-woo. Pagkalabas ko ng bar nakita ko si Mark na nakatalikod. Ang lamig sa labas.

"oy pengeng yosi" lumingon siya sakin. Umiiyak ba tong gagong to? Bakit naman? 

"bakit ka sumunod?" inabot niya sakin yung isang yosi at sinindihan ko naman ito. Kakamiss palang mag yosi. Madilim sa labas kaya di ko masyadong makita kung umiyak nga si Mark. Bahala na nga siya.

"pare aalis na ako." tumango lang siya. Hindi ba niya maintindihan ang sinabi ko?  "pupunta na akong Korea." nabitawan niya ang yosing hawak niya. 

"pare seryoso ka ba? bakit?" 

"babalikan ko siya." 

"pero bakit pare? bakit mo pa siya babalikan?"

"naisip ko lang pare na hindi ko kaya"

"alam na ba to nina Kim?"

"hindi pa. Baka mamaya ko na sasabihin"

"iiwan mo kami? iiwan mo ang meosjin?"

"babalik naman ako pare eh. Hindi ko nga lang alam kung kelan"

"kelan ka aalis?"

"next week na pare."

"NEXT WEEK? PUTA PARE BAKIT ANG BILIS?!"

"kailangan ko rin balikan yung business namin"

"pare naman. Nasabi mo na kay Pauline?"

"hindi. Bukas na lang may pasok naman eh."

"mga bro iuuwi ko muna si Hyorin" nagulat kami sa nagsalita. Si Hyun-woo lang pala. Ngumiti lang kami ni Mark sa kanya. Sumunod namang lumabas si Kim.

"grabe ang wild ni Hyorin hahaha. Sige na mga pare kita na lang tayo sa school bukas" 

"geh" sabay naming sabi ni Mark kay Kim. Umuwi narin naman kami ni Mark. 

Pagdating ko sa bahay dumeretso kaagad ako sa kwarto. Napag-isipan kong mag shower. Iiwanan ko nga ba ang meosjin? Kelan kaya ako makakabalik? Bakit kailangan ko pang sabihin kay Pauline? Sabagay naging malapit siya sakin. Kailangan ko siyang balikan sa Korea. Paglabas ko ng C.R. tiningnan ko kaagad yung phone ko. 10 missed calls form Pauline Choi.Bakit kaya siya tumawag? Dinial ko yung number pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot na niya.

"hey Pauline bakit ka tumawag?"

"uhm. w-wala lang. Este aalis ka na nga ba?"

"huh? paano mo nalaman?"

"napadaan kasi ako kanina duon sa bar kung nasaan kayo ng meosjin tapos naparinig ko kayong nag-uusap ni Mark. Hindi ko naman sinasadya na maparinig eh"

"ah. Yah aalis na nga ako next week papuntang Korea. Pau pwede ka ba bukas? Sabay tayong mag lunch"

"sige."

"atsaka hindi rin ako makakapasok bukas. Kaya hihintayin na lang kita sa canteen bukas. Sige bye na."

"bye." 

aalis ba talaga ako? Parang ayoko na. Gusto kong samahan si Pauline. Gusto ko siyang bantayan pero paano siya? Gusto ko siyang balikan. Kuntento na ba akong makita ang mga pictures niya sa billboard? Hindi ko pa nga pala nasasabi kayna Hyun-woo bukas na lang. 

Loving my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon